Letche plan naman oh, kitang nandito ako ngayon sa mandaluyong at mga dalawang oras pa ang byahe papasok ng school, tapos ilan na lang natitirang oras ko, 1 1/2 hour naku naman 30 mins na naman, na naman, na naman akong late.
Kaya ayun ano bang ginagawa ng taong late edi nagmadali halos lumipad na gamit ko sa kakacram..
Here na ako sa jeep, after nito sasakay ulit ako ng isa pang jeep. Mga 15 mins na akong nasa loob pero bakit parang wala atang sumasakay, wala ba silang mga trabaho? wala ba silang lakad? bakit ayaw nila sumakay dito? takot ba sila sakin? pero pansin ko naman marami pang di pa nakakasakay ng jeep nag aabang pa din sila eh. Ano nakalaan lang ba tong jeep na ito sakin? OH MY~ YOU'RE SO GOOD LORD.. Napasulyap ako sa Manong Driver tapos bigla siyang umiling iling ng nakita niyang tumingin ako sa kanya.
"Hmm.. Manong, bakit wala pong sumasakay sa jeep nyu, may nakakahawang sakit po ba kayo, ayy manong wag po kayo ma offend ahh mga ilang minuto ko na din po kasing napapansin walang sumasakay sa jeep nyu maliban sakin?" Ayy, naku wag sana ako pababain nito dahil sa kadaldalan ko.
"Ayy naku manang, ayy malamang walang sasakay dito dahil Family Use po ito at wala ho akong sakit" Ika nga ni manong at ano kamo ang sabi niya nag pantig ata tenga ko.
"Pakiulit nga po ng sinabi nyu, ano ulit tawag nyu sakin?" sabi ko baka kasi na bibingi lang ako..
"Manang?" Sabi niya at talagang inulit nga di man lang pinalitan.
"Ayy koya, kung inaakala mong manang na ako pwes nag kakamali ka, Batang bata at fresh na fresh ako, never been kiss at never been touch ang lola mo at oo virgin pa ako kaya wag mo akong ma manang manang at High School pa lang ako." Dumating na sa Boiling point yung inis ko, aba di porket natatakpan ng makapal na salamin ang maganda kong mata ay di pa din lumulutang ang ganda aba aba aba....
"Ayy ayy sorry po ate."
"At lalong di kita kapatid di tayo magka ano ano."
"Kasi Family Use to may susunduin pa akong pamilya hinire nila ako." ahh ganun..
"So wala akong pakealam ihatid mo ako sa sakayang papunta sa paroroonan ko sa St. Lorenz Academy" sabi ko
"Sige po." at pinaharurot niya ang jeep nang sa wakas andito na kami.
"Salamat manong eto na po ang bayad ko keep the change po." Binigyan ko siya ng 100 okay na siguro yun sa katangahang ginawa ko.
After, punyemas 30 mins na paghihintay ng jeep nakasakay na ako ano ultra mega late ako sa chemistry..
"Nakasakay na ako at dahil isang oras pa ang byahe ko, matutulog na muna ako."
Yung feeling na aware kang bumagsak ang ulo mo dahil nakatulog ka, naku po kunwari tulog tulugan, naku sana ho wala po akong kilala na nakasakay sa jeep na to, nakakahiya..
Tapos feeling ko malapit na akong bumaba, ganun kasi ako never akong lumalagpas pag nakakatulog ako kasi alam ng sistema ko kung san ang school ko huehuehue, then parang may mabango akong naamoy, oo mabango di ko maexplain basta mabango, alam nyu naman siguro yung mabango sa mabaho diba. Tapos kinapa ko, at.....
Braso??
Naku Lord, wag naman po sanang nakatulog ako sa braso ng taong ito. Kaya unti unti kong inangat ang ulo ko at binalik sa orihinal na posisyon na ito habang nakapikit at dinilat ng dahan dahan ang aking mga mata, ayy wala naman pa lang nakapansin at wala naman akong kakilala good :)) So dahan dahan akong sumilip kunwari sa bintana at nagsorry dun sa taong natulugan ko, pag ka silip ko sa bintana ay lalaki pala ito, naku wag naman sanang gwapo major turn off to.
"Ahhm, Ah Eh, sorry kung natulugan kita ahh, pagod kasi ako." hiyang sabi ko dun habang nakatingin sa labas.
"Di maibabalik ng sorry mo ang amoy ng polo ko." Aba bakit??, antipatiko ito, nakatulog lang ako sa balikat niya at mabango naman ang buhok branded shampoo ko ehh, medyo na yabangan at nainis ako sa kaartehan niya kaya nilingon ko siya at sisiguraduhin kong pagsisisihan niya ang sinabi niya.
"Aba ang ar- KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA"
"Ang baho na ng polo ko dahil sa laway mong tumutulo, at pwede ba wag kang tumili mahiya ka sa sarili mo." Shemay siomai siopao, Oh my. totoo ba to, He's really talking to me?? Ako ba?? Ang gwapo niya, Siguro mga isang ruler lang yung pagitan ng mukha namin, Lord bakit ang bait nyu sakin. talagang natulala ako at napatitig na lang sa kanya.
"PARA PO." Sabi niya pati tinig niya, such a music to my ear. Pagkababa niya medyo nag wave pa ako. grabe 1000 GANDA POINTS Umandar na ang jeep napasandal ako at napatingin sa labas.
At nasa school na pala ako..
NASA SCHOOL NA AKO...
"AYY MANONG PARA."
-----------------------------------------------------------------------------------------------------
[A/N] hahahhaha pati ako natawa sa pinag tatype ko, sana hindi lang ako yung na cornihan sana kayo rin damay damay na ito..
Sareeeeh!! Its been a year since my last update, sorry na po..:(
Vote
Comment
Follow
"sieliveistrawberry

BINABASA MO ANG
MY MAJOR CRUSH VS MY BFF (On Going)
FanficPAANO MO KAYA MASASABI SA CRUSH MO NA CRUSH MO DIN SYA, HANGGANG TINGIN KA NA LANG BA, MABUBUHAY KA NA LANG BA SA PASILAY SILAY O LALAKASAN MO ANG LOOB MO AT AAMININ MO SA KANYA ANG TUNGKOL SA NARARAMDAMAN MO O BAKA NAMAN HIHINTAYIN MO NA LANG NA MA...