Chapter 2:
"Sigurado ka ito yung sa atin? Akala ko ba easy lang, bwisit naman. Icheck mo nga baka mali iyong nakuha ni Rux!
"Ikaw na! ikaw may gusto eh!"
"Duwag ka lang gago ka walang kwenta bwisit!"
"ha! Ako ah? Sige nga ikaw gumawa ng utos mo ewan ko lang!"
Kanina ko pa naririnig ang pagtatalo ng dalawang lalaki malapit sa akin kaya napagdesisyonan ko nang imulat ang mata ko. Sa paggala ng mata ko sa paligid ay nalaman kong nasa tent parin kami pero mas malaki ito. Ang dilaw na ilaw at dilaw na mga haligi nito at mga gamit na narito ay napakapamilyar, pakiramdam ko'y matagal na akong nandito.
"Ne! Nagising ka na pala!" Napatigil ang pagiisip ko at bumaling ako sa lalaki para tumango. Sila iyong kasama ni Rux kagabi.
"Ano? Ayos ka na ba? Gusto mo ba ng tubig? Matagal din ang itinulog mo ah!"
"ayos lang po ako. Salamat." Nagpasalamat ako uli sa lalaking nagabot sa akin ng tubig bago sumagot.
"gaano na po ba ako katagal natulog?"
"Halos tatlong araw na din. Hininhintay ka nga ni Rux gumising kaso akala niya matagal ka pa talagang gisingin kaya kumuha muna siya ng mission?"
"mission?" napapilig ng kusa ang ulo ko sa pagtataka. Anong mission?
"Oo, mataas na rin kasi ang pwesto ni Rux dito kaya may mga mission na di dapat niya palagpasin."
Nalukot nalang ang mukha ko sa masidhing pagtataka at pagkagulo ng isipan. Hindi ko talaga maintindihan.
Nagulat ako ng sinapak nang katabi niya siya at binalaan ng tingin. Nang humarap siya sa akin ay naging mabait uli ang itsura niya.
"huwag mo na pansinin ang sinabi ng isang to. O siya, gising ka na man din ay ihahatid ka na namin sa inyo, san ka ba nakatira?"
Umatras ang dila ko at gusto ko na lang magpakain sa lupa. Ang pansamantala kong tinakasang problema ay mabilis din pala akong nahabol. At sa tingin ko kailangan ko nang tuldukan ang pagtakbo dito pero hindi ibig sabihin ay magpapasundo na ako sa pagbalik sa dati kong buhay. Bahala na.
Kinalma ko muna ang sarili ko bago ngumiti at nagsalita. "lumayas po ako sa amin, wala rin naman po akong mapupuntahan at patutunguhan kaya naisipan ko pong magpakatamatay."
Tahimik lang silang matamang nakikinig sa akin kaya nagpatuloy ako.
"Nang makilala ko po si Rux narealize ko po na meron pa palang patutunguhan ang tao kahit kaonti. Kaya.. pwede po bang hayaan niyo muna akong manatili dito hanggang sa makabalik si Rux para makapagpasalamat ako sa kaniya?"
"O-oo naman neng... pasensiya na hindi rin namin naisip iyon." Nahihiya pa at halos hindi makatingin ang lalaki sa akin.
Aaluin ko sana siya para hindi na siya makonsensiya pa nang biglang magsalita ang kasama niya kaya napabalingin ako roon.
"Saan mo balak pumunta pagkatapos mong magpasalamat kay Rux?" nakakapagtakang masiglang masigla at mukhang excited na tanong niya.
"H-hindi ko po alam eh. Bahala n-" Nagitla ako nang hawakan niya ang dalawa kong braso at niyugyog ako.
"Sumali ka na lang sa society namin. Dito libre pagkain, tubig, titirhan, at iba pa. May pamilya at kaibigan ka pa ditong magmamahal sayo at masisisguro ko sayong pagsumali ka rito hinding-hindi na papasok sa isipan mo iyang paglalaslas na iyan." Masyadong maliwanag ang mukha niya para hindi makita ang kagalakan ng tono niya. Mga ganitong klaseng tao ang kahinaan ko at sa mga ganitong sitwasyon, ayoko ipagdamot ang kasiyahang hinihingi nila kaya napatango nalang ako. Mukha rin namang maganda ang inooffer niya kahit walang kasiguraduhan.
"Paano ba sumali?" Tumigil siya sa pag yugyog at kumalma. Inagaw niya ang folder na hawak ng kasama niya at ibinigay sa akin.
"yan lang. gawin mo lang yan. Kapag nagawa mo ang mission diyan na walang mintis., awtomatikong kasali ka na sa society." Ngiting-ngiting sambit niya pero napabaling ako sa kasama niyang parang nakokonsensiya at patagong kinukulit siya na bawiin ang sinabi. Kaya lalo akong naudyok na buksan ang folder na itim.
Tulad ng mga papel sa school pormal ito at may logo din
BloodLust Society
Hitter Department
Killer Division
Assigned Coastal
Sa tabi nito ay isang logo na ngayon ko lamang nakita sa tanang buhay ko pero pakiramdam ko nadedejavu ako sa pagtitig dito.
Ito'y bilog na may maliliit na tulis sa paligid, dalawang leon ang magkatapat sa likod ng naka X na dalawang espada. Ang isang espada ay gold ang isa ay silver ganoon din ang kulay ng mga leon ngunit magkabaliktad.
"Tawagin mo nalang akong Tony, siya naman si Allan. Tawagin mo nalang kami pag tapos ka na." tinapik ako ni Toni sa balikat bago umalis kasunod si Allan.
Hindi ko alam kung nasa tamang katinuan ba talaga ang dalawa dahil kahit ilang beses kong ulit-uliting basahin ang nakasulat dito, iisa lang ang pagkakaintindi ko- ang patayin si Mr. Lynthon Agua at ang iba pang mga kasama niya na nasa mataas na posisyon. May mga larawan pa nga ang bawat isa na nakalagay. Ito ba ang mission na sinasabi nila? Pagpatay ba talaga ang layunin ng society na ito?
Kinilabutan ako. Kung pagpatay lamang ang ginagawa dito paanong hindi dadaan sa isip ko ang paglalaslas? Mas pipiliin ko pa iyon kaysa pumatay ng kapwa tao.
Tumingin ako sa paligid bago sila tinawag pero walang sumagot. Pagbaba ko ng hinigaan ay hindi ko mahanap ang tsinelas ko, ipinagwalang bahala ko nalang iyon at nakayapak na tumapak. Damuhan nga pala ito kaya safe naman sigurong maglakad.
Malamlam lang ang ilaw sa loob kaya nang lumabas ako sa tent ay nasilaw agad ako sa sikat ng araw. Napapaligiran ako ng marami pang malalaking itim na tent at halos pareparehas lang ang itsura. Tiningnan ko ang tent namin para mabalikan ko ito mamaya. May nakalagay palang numero. K 47 ang nakaukit sa gold na plate sa taas lang ng pasukan, nang maitatak ko ito sa isipan ay nagsimula na akong maglibot.
Mas marami ang tao ngayon kaysa kagabi, sa palagay ko magaalauna pa lang dahil tirik na tirik ang araw. Katulad nang huling lakad ko dito, lahat ng nakakasalubong ko'y napapatitig sa akin. Siguro dahil iba ang suot ko sa suot nila? Iba-iba rin naman ang suot nila pero umiikot lamang sa itim, puti at dark colors ang kulay, karamihan ay pormal at ang iba naman ay pang military ang itsura pero nakapukaw ng pansin ko ang isang babaeng matalim na nakatingin sa akin, prente siyang nakaupo sa damuhan, sa parte kung saan wala ng mga tent. Nakaleather jacket siya at maikling itim na short, imbes na nakakatakot ay parang mas gumanda pa siya at nagmukha siyang model sa ekspresyon niya. Hindi ko alam ang sumaping espirio sa akin para ngitian ko pa siya at lapitan.
"Bago ka?" Salubong niya sa akin pagtabi ko.
Hindi pa naman daw ako member diba? Bagong salta ba o magong member?
Nagitla ako sa magaang pagkilos ng kamay niya at sa isang iglap, binabasa na niya ang folder na hawak ko kanina. Hindi naman iyon confidential diba?
Kinabahan ako nang dilaan niya ang itaas niyang labi at ngumiti ng bahagya. Binalik niya ang folder sa akin at bahagyang humilig palapit.
"Mataas pala ang posisyon mo? Bakit ngayon lang kita nakita? Ang saya ng mission mo. Goodluck!" Friendly ang tono niya pero matalim parin ang tingin. Natural na siguro iyon sa kaniya. Ngumiti muli siya sa akin bago tumayo at mabilis na nawala.
Hahanapin ko nga pala si Allan at Toni!
Patayo na ako nang mahagip ng tingin ko ang folder na ibinalik nang babae kaninang nakabuklat pa. Hindi ko maalis ang tingin ko sa brutal at madugong mga larawan na nakalagay. Hindi ito nabubuklat sa ibang pahina dahil nakaipit palikod ang ibang pahina, ito ang huling pahina at iba ang paraan ng pagkakasulat nito sa iba. Hindi ko rin ito napansin kanina.
Maiksi lang ang nilalaman noon pero tumatak ito sa isipan ko at ito ang nagtulak sa akin na gawin ang mission.
Plague: Killing almost hundred of children as guinea pigs....
Sinasabi ritong ang layunin ni Mr. Aguas ay ang makagawa ng gamot laban sa aids ibig sabihin ay pinagsasamantalahan din ang mga bata at ang iba'y pinipilit pang ipagtalik at kapag hindi sumunod ay bubugbugin o papatayin.
Gusto kong maiyak sa galit at inis pero naipon lang ito sa dibdib ko, alam ko ang tindi ng sakit ng buhay at ayoko na may makaramdam nito sa paraang mas magaan o mas Malala man.
Isa lang ang nasa utak ko ngayon. Ang patayin si Mr. Aguas at ang mga tumutulong sa kaniya.
"Kaya mo ba?"
