Nakakapanloko talaga ng itsura ng siang tao. Kapag wala na ang mga camera at mga fans, si Kit na kilala sa kanyang ngiti ay pawang isang panaginip lamang. Ang hindi alam ng nakararami, mas gusto ng tunay na Kit ang katahimikan ang pag-iisa. Tanging ang kanyang matalik na kaibigan at manager na si Beam ang nakakaalam ng katauhan niyang ito.
"Pagod ka na?", tanong ni Beam sa kanya. Katatapos pa lamang ng fanmeet event na kung saan kasali si Kit bilang cast.
Hindi maiwasang umirap ni Kit para ipakita kung gaano na siya kapagod at ginamit ang kanyang mga daliri parang suklayin ang kanyang buhok. Nandiri siya nang maramdaman niya kung gaano kalagkit na ang kanyang buhok sa pawis. Mainit ang spotlight sa entablado na may parte na kung saan gusto na lang sana niya umalis ng walang paalam. Napakainit talaga. "Napakaraming taong dumating. Grabe talaga."
Tumawa si Beam at sinapak ang kanyang likod sa simpatiya. Kahit noon at hanggang ngayon ang hindi pa rin masanay ang kanyang kaibigan sa malalaking kumpol ng tao kahit na bilang isang aktor, dapat na siyang masanay sa ganito.
"Pwede ka ng magpahinga. Tapos na ang event." Sinubukan ng best friend ni Kit na mabawasan ang kanyang pagod ngunit pagtapos niyang sabihin ang mga salitang iyon, may tumawag sa pangalan ng akto.
"Kit!" Sigaw ni Mingkwan, kasamang aktor ni Kit at mas kilala sa palayaw na Ming, patakbo sa kanilang direksyon.
Nakatalikod si Kit habang si Beam ang nakaharap sa direksyon ni Ming. Hindi umimik si Beam at tinignan niya lang umirap si Kit. Halatang na asar si Kit sa istorbong dumating at sumira sa katahimikan. "Yeah, right. Lagi niya talaga akong ginugulo."
Hindi tulad ni Kit, nakangiti si Beam habang papalapit ang aktor na kanilang pinag-uusapan. Si Ming kasi ang dahilan kung bakit pinilit ni Beam mag-audition sa series na ito. Narinig kasi ng manager na susubukan din ng aktor na sumali sa nasabing series.
"He's not so bad. Adorable kaya siya.", sagot ni Beam. Alam naman ni Kit na patay na patay ang best friend niya sa co-stat niyang si Ming. Hindi niya maintindihan kung bakit kahit ilang beses sabihin ni Beam ang mga dahilan. Yung mga rason niya, hindi niya talaga makita. Annoying para sa kanya si Ming.
"Ang mga agay na ginagawa ko talaga sa best friend ko oh." Nagbuntong hininga si Kit. "May utang ka sa akin Beam. Sa susunod gusto kong maging parte ng drama ni Forth."
Kilala si Forth sa mga action dramas. Hindi ito ang specialty ni Kit pero dahil nagmakaawa si Beam noon para subukan makasali sa series at tanggapin ito para sa kanya. Gagawin ni Beam ang lahat para matupad ang pangarap ni Kit na makatrabaho si Forth.
After all importante na magtulungan ang kapwa fanboys.
"Hello Ming" Humarap si Kit kay Ming na may ngiti, kabaliktaran ng tunay niyang nararamdaman.
Ngumiti pabalik si Ming na walang kamalay-malay sa tunay na ugali ng aktor.
-------
Parang kailangan kasi talaga ng Filipino version nito. Pasalamat tayo kay inang reyna for the inspiration.
QM I love you
Plus, practice na rin magsulat in Filipino. I really suck at it as you can see :)ciao.
![](https://img.wattpad.com/cover/122781061-288-k425749.jpg)
BINABASA MO ANG
FANBOYS | Filipino ver. [ON HOLD]
FanfictionFilipino Version of Fanboys. Stand tall and proud fanboys.