Chapter 6 - Chasing Erika.

7.5K 118 22
                                    

[ Erika ]

"Ate Esaaaaaaaaay!" sigaw ng kapatid ko.

"Tangina mo! Sigaw ka ng sigaw! Ano ba kailangan mo!!" responde ko, nasa baba kasi ako specifically nasa kusina ako, at siya naman nasa kwarto niya na nasa taas.

"Halika dito! Bilis!" sigaw niya ulit.

Binitiwan ko ang baso na nasa kamay ko at umakyat na sa taas.

"Ano na naman ba yan!?" sigaw ko sa gitna ng hagdanan.

"Bilis! Tignan mo! Ahhhhhh!"

Binuksan ko na ang pintoan ng kwarto niya at bumungad kaagad ang kapatid kong nakasout ng damit yung pang prostitute na damit.

"what the f----." i cursed pero he stopped me.

"Opps! Dont you dare cursed at me my dear sister." sabi niya. Piste! Bat hindi niya itinapon.

"Anong sinabi ko sayo ha!?" mahinang sigaw ko with pamatay na tingin.

"Itapon ang damit na ito?" ani niya at saka ngumiti.

"Oo, puta kang bakla ka!"

"Eeeh, ate naman eh! Ang ganda kasi eh! Tignan mo oh! Ang kintab ng damit. May diamond pa sa gitna, sa may boobs na part." tinignan ko kaagad ang diamond. Oo nga, ang kintab, pero sa panahon ngayon kahit makintab na hindi na totoo.

"Hindi yan totoo! Peke yan, PEKE!" sigaw ko kahit hindi ko naman alam ang totoo.

"weee? Ipa-kita kaya natin sa pawnshop." tanggol niya.

"bahala ka sa buhay mo, basta itapon mo yan." at tinitigan ko siya ng masama pa sa demonyo.

"heh! Ayoko nga." pisteng bakla talaga.

"Tsk, naloko na. Kadiri kang bakla ka." ani ko saka nag walk out. Puta, pati damit pang prosti, type niya. Tsk tsk, nasubraan na ata sa kabaklaan ang kapatid ko...

Bumalik ako sa baba at umupo sa sofa.

Tanggal na naman ako sa trabaho, ikapang tatlo na ito ah. Ba't ang malas ko sa trabaho?

Pero hindi dapat ako umaasa sa drag racing. Takte. Kung sana manager ako ngayon atsaka regular na din.

"Musumee!!!!" sigaw mula sa labas.

Babaliwain ko na sana ito pero parang ang pamilyar ng boses eh.

"Musumeee! Buksan mo ang putang pinto na ito!" napa-igtad ako sa lakas na ng sigaw. Di ako nagkakamali! Si Papa nga.

SOLD TO A MAFIA BOSS!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon