Tumakbo sya ng tumakbo hanggang sa marating nya ang lugar kung saan sila unang nagkakilala ni Vin. Halos di na matigil ang pagpatak ng mga luha nya.
"Bakit ka nga ba umiiyak ha Maria? Nagseselos kaba? Wala naman kayong relasyon diba?" Tinakpan nya ang mga mata nyang basa ng luha. Maya maya pa ay may kumatok sa bahay na iyon.
Tumayo sya at pinunasan ang mga mata nya at saka binuksan ang pinto. Nang malaman nyang si Vin ang kumakatok ay sinara nya agad ang pinto. Hindi nya na inantay pang magsalita si Vin.
Napasandal sya sa pintuan at nagwalling habang si Vin katok padin ng katok sa pinto. Tumayo sya at lumayo sa may pintuan. Pagkalayo nya ay biglang tumilapon ang pintuan nya.
Nagulat sya dahil sa pagkakaalam nya, matibay ang pintuan ng bahay na yon. Nilapitan nya si Vin. "Ikaw yung gumawa non?" pumasok sa loob ng bahay na pinuntahan ni Maria si Vin at umupo sa upuan.
"Pano kung oo?" Nagbuntong-hininga si Maria at saka lumapit kay Vin. "Alam mo ba na pwede kitang idemanda ng tresspassing? Sinira mo pa yung pinto." Tiningnan ni Vin si Maria.
"Eh ayaw mo kase akong pagbuksan eh. Kaya sinira ko nalang para makapasok ako." Inirapan ni Maria si Vin at tumalikod. "Nakakainis katalaga kahit kelan!"
Bulong nya sa sarili. Tumayo si Vin at nilapitan si Maria. Kinalabit nya si Maria. "Oy, bakit kaba tumakbo kanina?"
"Masama? Nagmadali lang naman akong umuwi kase nakalimutan ko yung...Sinaing ko. Kase nasusunog na. Oo tama yung sinaing ko nasunog na."
Nilapitan sya ni Vin. "Talaga bang nasusunog yung sinaing mo?."
"Oo naman. Baket may problema kaba don?"
"Wala naman. Pero kase Maria, hindi ito yung bahay mo. Kaya bakit ka tumakbo? Nagseselos ka noh?"
"Hala ka? Selos? Napakafeeler mong panget ka!" Tinalikuran ulit ni Maria si Vin. Naalala nya kase yung nakita nya.
"Kaya pala..."
"Anong kaya pala?" Humarap ulit si Maria. Nagtaka sya sa sinabi ni Vin.
"Bakit moko sinusundan kanina? Pakiexplain." Nagulat si Maria dahil nalaman nya na alam ni Vin na sinusundan sya ni Maria.
BINABASA MO ANG
Vampires do exists?! For real?!
VampireSi Vin Saint ay isang 16 year old student na gamer na may pagkabadboy at walang pakealam sa "LOVE". Pero isang "Friend Request" lang ang nakapagpabago ng lovelife nya. Syempre, walang LOVE na hindi pwedeng hindi ka masasaktan. Iniwan sya ng babaeng...