Chapter 16 : Final

635 24 7
                                    

"Kamusta Amethyst?" Kinawayan nya si Amethyst at nagsmile. Nagulat padin sila sa nakita nila. Si Jann Saint, na inakala nilang matagal nang patay ay nasa harapan nila. Masiglang masigla ang katawan nito at kamukhang kamukha ni Vin.

"Pano? Pano ka nabuhay? Sabi nila namatay kana pagkatapos ng laban ninyo ni Count Dracula." Naguguluhan na si Amethyst. Imposible din kasing makaligtas sa isang laban na napakatindi.

"Isang babae ang nakakita ng katawan kong nakahandusay at walang malay. Nadala nya ako sa ospital at nagawa naman nilang isalba ang buhay ko."

"Sino yung babae?" Singit ni Guinsoo. Ngumiti si Jann. "Ang nanay ni Vin. Teka nga pala. Nasan nga pala siya?" Lumapit si Guinsoo kay Jann at ipinatong ang kamay nito sa balikat ni Jann.

"Ikinalulungkot ko pero, wala na sya. Pinapatay sya ni Count Vyse. Halos isang taon na ang nakakalipas." Napayuko si Jann. Napalitan ang ngiti nya ng luha. Hindi nya kase inaasahan ang narinig nya.

Kahit sino naman eh. "Nasan si Vin noong mga oras na yon?"

"Sa tingin ko, hindi sa bahay nila pinatay ang asawa mo. Dinala lang yata iyon sa loob ng bahay nila." Sabi ni Amethyst. Nakita nilang nagclose fist si Jann kaya medyo kinabahan sila.

Alam kasi nila na siya ang pinakamalakas na Vampire Hunter sa panahon ngayon. Pero nagulat sila nang sabihin ni Jann na, "Magpasalamat si Vyse at wala na sakin ang Grave of the Saint."

Nagtaka sila Guinsoo. "Bakit wala na?" Tanong ni Guinsoo. Pero masaya sya kase semi-ligtas na ang buhay nila. "Simula nang isilang si Vin, nalipat na sa kanya ang Grave of the Saint. Kaya hindi ko na maaaring maactivate iyon."

Nakahinga ng maluwag ang mga bampirang kasama nila Guinsoo at Amethyst. "Pero maituturo ko kay Vin lahat ng alam ko sa Grave of the Saint." Tuloy tuloy lang ang paguusap nila habang ang dalawa, naglalaban padin.

Sobrang tindi ng laban, nagiba na yung kalahati ng kastilyo sa tindi. Pero luging lugi na si Caleb. Hindi nya kayang manalo laban kay Omen. Masyado itong malakas para sa kanya. Pero sige padin sya sa pagsugod. Kahit no match sya.

"Kung mamamatay ako, isasama kita sa impyerno!" Gagamit sana si Caleb ng isang forbidden spell na sobrang lakas ng sabog. Kumbaga 20 energy ball ni Goku ang katumbas non.

Pero hindi nya na nagawang tapusin ito dahil tumusok na sa katawan nya ang Excalibur. Hindi pa nakuntento si Omen sa ginawa nya at iniangat pa ang espada nya na naging dahilan ng pagkahiwa ng katawan ni Caleb sa dalawa.

"Siya nga talaga si Omen." Sabi ni Jann. Hindi pa tapos ang problema nila kahit namatay na si Caleb. Dahil isang mas malakas na halimaw ang biglang lumabas. "Kailangan na nating tumakas. Gusto ko pang mabuhay."

Tumakbo ang isang bampira pero binato ito ni Omen ng Excalibur. Nasaksak ito at naglaho ng parang bula. Ngumiti lang si Omen. Parang natutuwa pa ito sa nakita nya.

Lalapit na sana ito kila Amethyst pero napalingon ito kay Ayesha. Sumigaw kasi ito. "Vin. Tama na. Wala na si Caleb."

"Ayesha! Hindi nga yan si Vin. Si Omen yan. Sinabi ko na kanina diba?" Sigaw ni Guinsoo. Kinuha ni Guinsoo si Ayesha, Marj at Maria at dinala sa tabi nila. Nagiisip sila ng plano para pigilan si Omen.

"Kung hindi yan si Vin, sino yan?" Tanong ni Marj. "Yan si Omen." Napalingon sya kay Jann. Pagkasabi nya non, dumating ang Order of the Blood. At syempre, kasama si Count Vyse. "Kamusta Jann Saint?"

"Anong kamusta? Hindi tayo magkaibigan." Natawa si Count Vyse. Lumingon naman sya kay Omen/Vin. "Ito naba? Ito naba ang sinasabi nyong bampirang babago sa kasaysayan ng mga bampira? Hahaha. Tignan nyo nga ang itsura nya."

Vampires do exists?! For real?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon