Chapter 13 : Don't You Dare Lay Your Hands On Them!

416 16 2
                                    

Isang linggo na ang nakalipas at nandun parin nakatira si Maria sa kastilyo ni Count Vladimir. "Ang boring naman dito. Makapaglakad lakad nga muna."

Lumabas sya sa kastilyo at naglakad lakad. Gustong gusto nya kasing lumilibot sa kagubatan. Hindi pa sya nakakalayo sa kastilyo, napansin nyang parang may sumusunod sa kanya.

Inakala nyang isa iyon sa mga kasamahan ni Count Vladimir kaya hindi nya na pinansin. Pero syempre, akala lang yon. Pumunta bigla sa harapan nya yung lalaking sumusunod sa kanya.

Nakita nya ang pangil nito. Nakangiti ito na parang may masamang balak. "Aaaaaaahhhhh!" Pag sigaw ni Maria ay bigla syang pinatulog at saka binuhat ng bampira.

Narinig ni Guinsoo ang sigaw ni Maria. Sinundan nya agad agad ang kung san nang galing ang tunog ngunit huli na sya. "Lagot ako kay Vin nito." Sabay facepalm ni Guinsoo. Pagbalik ni Guinsoo ay nandoon na si Vin. "Vin may masamang balita ako."

Nilingon sya ni Vin na nanlilisik ang mata. Kinabahan si Guinsoo dahil nakakaramdam sya ng isang nakakakilabot na aura na nagmumula kay Vin. Naramdaman din iyon nila Count Vladimir, Amethyst at ang iba pa nilang kasamahan.

"Isang nakakakilabot na nilalang ang nandito sa loob ng ating kastilyo. Pakiramdam ko ay isa itong Vampire Hunter."

"Parang kilala ko kung sino ang meron ng aura na ganito kalakas. Pero hindi ko maalala."

"Papatayin ko sya Guinsoo." Nagulat si Guinsoo dahil alam ni Vin ang nangyari, pero gumaan ng konti ang loob nya. Naisip din nya na pano nya mapapatay yung kumuha kay Maria kung hindi nya alam kung sino ito.

"Vin, nakikilala mo ba ang may gawa nito?" Inihagis sa kanya ni Vin ang isang papel. May nakalagay ditong address, crest ng Order at ang pangalang Caleb Critters.

"C..C..Caleb..Critters.." Laking gulat ni Guinsoo nang malaman nya kung sino ang may gawa. Narinig din ni Count Vladimir at Amethyst ang pangalang binanggit ni Guinsoo. Nalaman ni Amethyst na kay Vin galing ang aura na naramdaman nilang lahat.

"Kilala mo sya Guinsoo? Ituro mo sakin kung san nagtatago tong hayop na to. At ilalagay ko na din sya sa hitlist ko." Biglang sumingit si Count Vladimir at Amethyst sa usapan ng dalawa. "Si Caleb ang isa sa mga makapangyarihang bampira sa panahon ngayon. Nahigitan nya na si Vyse pero nagsisilbi parin sya dito."

"Wala akong pake kung malakas sya. Dudurugin ko ng pinong pino yang sira ulong yan." Aktong aalis na si Vin pero pinigilan sya ni Guinsoo gamit ang Gift nitong Hex. Isang Aid-type Gift na may kakayahang gawing isang hayop ang kung sino mang gamitan nito.

Vampires do exists?! For real?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon