Chapter 9 His past and my.......

26 1 0
                                    

---------------------

Deither's POV

*FLASHBACK*

"Angeline wag naman ganito oh.. mahal mo naman ako diba sabi mo?" nakatayo kami dito ngayon sa park

"back off dude she's my property" sabi nung lalake na nakaakbay sa kanya sabay tulak sakin

"eto ba Angeline?" sabay duro ko sa lalake "dito mo ko pinagpalit?"

"o-oo Deither.. mahal ko si Elriel.. at di na kita m-mahal kaya lubayan mo na kami.." sabi niya

"yan ba talaga gusto mo Angeline?" sabi ko habang nakayuko

"oo Deither.. you deserve someone better" sabi niya

ang sakit shit! siya ang unang babae na minahal ko ng sobra sobra tapos ganito pa sa kanya pa nanggaling na layuan ko na sila..

"basta tandaan mo Angeline.. mahal na mahal kita at kung dumating man ang someone better na sinasabi mo sisiguraduhin kong hindi niya ako sasaktan katulad ng ginawa mo" sabay talikod ko at umalis na ako.. lahat ng makita kong bato sinisipa ko..

hanggang makarating ako sa isang lugar.. maganda siya para magrelax.. naupo nalang ako sa tabi ng puno at di ko na napigilang tumulo ang luha ko.. bakla na kung bakla eh pakelam niyo ba nagmahal ako eh.. sobrang sakit ng naramdaman ko..

*FLASHBACK ENDS*

"at sayo ko Shaine naramdaman ulit ang magmahal.. sana di ka niya katulad niya na basta na lang akong iniwan sa ere" harap ko sa kanya at binigyan siya ng matamis na ngiti..

"ah.. hindi mangyayari yun Deither.." sabay hawak nia sa kamay ko at pinatong ang ulo nia sa balikat ko.. "hindi ako naniniwala sa forever pero tayo ang gagawa ng forever.. gusto ko ikaw yung katabi ko sa altar at sasabihan ng 'I do' sa harap ng pari" nung sinabi niya yun.. gumaan ang loob ko..

"pangako Shaine.. ako lang ang lalakeng katabi mo sa altar at ikaw ang babaeng katabi ko" tumingin siya sa akin at nagkatitigan kami.. yung ngiti sa labi niya ang ganda niyang tingnan..

hinawi ko ang buhok niya at hawak ko ang pisngi niya.. 3 inches nalang ang agwat ng muka namin at ramdam ko na ang paghinga niya.. pumikit siya at ganun din ako..

3 inches

2 inches

1 inch

O_O

"hahahaha" tawa niya ng malakas.. paano ba naman kasi gumalaw yung ferris wheel.. ano ba yan eto na yun eh.. panira naman ng moment eh

-_-

"hon ang muka mo di maipinta hahaha" tinawanan niya nalang ulit ako.. kakainis naman kasi.. ayun na yun eh

"panira kasi ng moment.. malapit na sana eh" bulong ko dun sa pahuli

"haha ikaw talaga tara na nga may next time pa naman eh" nanlaki mata ko sa sinabi niya pero teka.. nabingi ata ako ano daw? next time?

"hon! tara na bahala ka nga diyan iwan kita eh" sabay alis niya..

natauhan ako at sinundan na siya

"hon sandali! intayin mo ko!" habang patuloy ko pa din siyang hinahabol.. mukang nakikipagtaya tayaan ata to eh..

hinabol ko siya ng hinabol hanggang sa nahuli ko siya

"huli ka!. di mo matatakasan ang isang tulad ko.. hehe" habang nakayakap ako sakanya..

"napagod ako sa pagtakbo.. sa bilis kong yun naabutan mo pa ako" saad niya

"siyempre ako pa!." tumunog ang cellphone ko at nagtext si tay icio na ayos na daw ang lahat kaya niyaya ko na siya sa parking

pagdating naman namin sa parking nakita naman namin ang hood ng kotse ko na nakaparada at may nakalatag na tela na may pagkain pa.. oh diba ang galing talaga ni tay hinanda na lahat..picnic lang? hehe

"sinong nagluto nito?" sabi niya habang manghang mangha sa nakahanda na pagkain.. at umupo na sa hood

"si tay icio siguro na tinulungan ni manang" sabi ko.. sila naman talaga siguro nagluto nito.. sino pa ba..

"ah kaya pala busy ka kanina sa pagtetext siguro pinahanda mo to kay tay icio?" ganun na nga hehe..

"oo hehe tara kainin na natin" at sinimulan na nga naming kainin yung nakahanda

pagkatapos namin kumain ay nakaupo lang siya sa hood at ako nakatalikod sa kanya.. tinitingnan ko kasi yung itsura ng perya pag nasa malayo at ang ganda..

"hon ang ganda pagmasdan ng perya ano? ang ganda ng pailaw nila" sabi ko

nag backhug siya sa akin

"thanks Deither.. thanks sa lahat ng ito and thanks na din kasi dumating ka sa buhay ko at pinasaya ako.." teka umiiyak ba siya?

humarap ako para tingnan siya at tama ako naiyak nga siya habang nakayuko

"b-bakit ka umiiyak.. m-may nag-gawa ba a-akong mali?" nauutal na sabi ko.. anong nagawa ko dito? bad ka deither bakit mo pinaiyak si Shaine

"hindi.. masaya lang ako kasi nakilala kita.. at pinaramdam mo sa akin ang ganitong pagmamahal.. yung walang ibang ginawa kung hindi ang pasayahin ako" sabi niya.. kaya pinunasan ko nalang ang luha niya

napatunghay naman siya sa ginawa ko at..... shit! ang lapit ng muka namin sa isa't isa..

"ah ganun ba? kulang pa yan para iparamdam ko sayo kung gaano kitang kamahal" sabi ko at ngumiti sa kanya..

nabigla nalang ako sa sunod na nangyari.. hinawakan niya ang batok ko at.... at.. nilapat ang labi niya sa labi ko.. di ko na napigilan at pinulupot ko na ang kamay ko sa beywang niya habang nakatayo ako sa harap niya at nakaupo siya sa hood..ginalaw ko na ang labi ko.. nung una di siya nagalaw pero nagrespond na din naman siya..

"you're my first kiss" sabi niya sabay hatak ulit sa batok ko at hinalikan ako ulit.. wow kamangha mangha din siya ha..ano daw? first kiss? pero mas mukang aggressive pa siya sa akin hehehe.. ako naman ngayon ang nagrespond sa kanya sa sobrang tensyon nakagat niya na labi ko habang nakasabunot siya sa buhok ko..

after that hingal na hingal kami.. para bang tumakbo kami ng pagkalayo..

tumayo siya at yinakap ako.. ganun din naman ako..

"tara na hon! hatid na kita" sabi ko sa kanya

"ah..e-eh.. p-... argh" sabi niya habang namumula siya.. ang cute niya tingnan na namumula.. "I mean paano si Kate at Stef?"

"umuna na daw sila.. ihatid na kita gabi na din naman eh"

"ah sige" sabi niya

inayos ko na yung kalat sa hood at nilikom ang mga ito sabay inihatid siya sa condo na tinutuluyan niya nakatingin lang siya sa bintana at mukang nahihiya sa nangyari kanina..

nakarating na kami at pingabuksan ko siya ng pinto.. lumabas na siya at nagpaalam na ako sa kanya..

"goodnight baby.. sweetdreams.." sabi ko at hinalikan siya pero smack lang

"nakakadalawa ka na baby ha"

"hehe ikaw eh nakakaadik ang labi mo.. sige na pasok ka na.. wag mo kong pagpantasyahan sa panaginip mo ha" natatawang sabi ko

tumingin siya sa akin ng masama..

"pero biro lang yun" dagdag ko

..

"sige una na ako.. goodnight din baby" sabi niya

pumasok na nga siya sa condo at umuwi na ako..

----------------------------

bored po ba story ko guys? comment naman kayo oh kung nagugustuhan niyo pa o hindi..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Love You For Being You / ILY4BYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon