Chapter 2: Boyfriend?

1.6K 36 5
                                    

                Finally, tapos na rin ang second class. Buti na lang talaga at late ‘yung prof namin kaninang umaga and that means, malinis pa rin ang record ko. Hindi pa rin ako late. Kasama ko ngayon si Cheska, ‘yung babaeng weird kanina. I mean, ‘yung babaeng kasama ko kanina. Medyo makulit siya pero kaya ko naman tiisin. Siya kasi ‘yung unang kumausap sa ‘kin. Hindi pa nga lang ako sure kung friends na kami.

                “So, magkukwentuhan na ba tayo o kakain muna?” tanong ni Cheska.

                “We should eat first. Ayaw ko kasi nang nagugutom ako.” Well, pagdating sa pagkain, ayaw ko nang nalilipasan ako. Masama ‘yun.

                “Oh? May kilala akong katulad mo pagdating sa pagkain,” sabi niya pero hindi na ako kumibo. Nagugutom na kasi ako.

                Pagkabili namin ng pagkain, naghanap na agad kami ng empty table. Hindi naman gano’n karami ang kumakain dito kaya hindi kami nahirapang makahanap ng pwesto.

                “Ba’t ba hindi ka mapakali?” tanong ko kay Cheska. Kanina pa kasi siya patingin-tingin sa paligid na parang may hinahanap.

                “Millicent, 9 o’clock,” mahina niyang sabi. Napatingin naman agad ako sa kaliwa and I saw nothing unusual. Cheska’s really weird.

                Did I mention that my name is Millicent Faye Stefan? I told Cheska to call me Faye pero mas maganda daw ‘yung Millicent. She knows that I’m a half. Half-Pinay, half-Amazing. Just kidding, again.

                “I saw nothing,” sabi ko.

                “Seriously, my friend! You see the two guys sitting there?” Tumingin naman ako sa tinuro ni Cheska at tama nga siya, may dalawang lalaki nga na nakaupo doon. Hindi ko sila napansin kanina. Hindi naman kasi kapansin-pansin.

                Medyo napatagal yata ang tingin ko sa kanila kaya napatingin na rin sa ‘kin ‘yung dalawang lalaki. Kung gusto nila makipagtitigan, game ako pero nagugutom na talaga ako, eh. Food comes first, okay?

                “OMG! Nakatingin sila dito! Nakatingin sila dito!” paulit-ulit na sabi pa ni Cheska. Hindi ko na siya pinansin kaya kumain na lang ako dahil nagugutom na nga ako, kanina pa.

                “Millicent!” mahinang tawag sa ‘kin ni Cheska. Tiningnan ko lang siya para ipakitang narinig ko siya at nasa kanya ang atensyon ko.

                “I told you about Juan Ashley Madrigal, right? Siya ‘yung nakasagutan mo kaninang umaga. Si Prince Karl Jimenez naman ‘yung kasama niya.”

                She’s being a fangirl again. Kaninang umaga pa niya sinasabi ‘yung pangalan no’ng Juan Ashley Chuchu and kanina ko pa rin sinasabi na hindi ako interesado sa lalaking ‘yon. Nagtataka nga ako dahil sa dinami-rami ng pangalan ng lalaki, Juan pa ang nabigay sa kanya ng magulang niya. Pero may accent ‘yung pagbigkas ni Cheska ng ‘Juan’, like ‘Hwan/One’. Hindi siya ‘yung parang ‘Huwan’ for Juan Tamad. Gwapo siya at may dating naman talaga pero may attitude, eh. Dinaig pa ako.

                “Cheska, wala ka na bang ibang gustong sabihin sa ‘kin? Uhm. Tungkol sayo?” tanong ko para maiba naman ‘yung topic namin.

                Unang araw ko palang dito pero sawang-sawa na agad ako sa pangalang Juan Ashley Madrigal. Kung kanta lang siya, malamang LSS na ako.

                “Okay. That Prince Karl is my brother.”

                Napataas na lang ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Kuya niya ‘yung Prince Karl? How’s that possible? Tumingin ulit ako do’n sa table no’ng dalawang lalaki. Napatitig ako kay Prince Karl at saka ko tiningnan si Cheska. Magkahawig nga sila. “Paano naman nangyaring magkapatid kayo?” tanong ko.

Love Hate: Her Shaken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon