Chapter 1

60 3 0
                                    

Nasa hallway ako ngayon, sa locker ko. Kinukuha ang mga libro na kailangan ko para sa next period. At pagkabukas na pagkabukas ko sumulubong agad saakin ang isang itlog na bumagsak agad agad sa ulo ko. Pero hindi nalang ako rumeact. I still try my best not to show that Iwant everything changed. Never pa ako nagsumbong kahit kanino man even sa parents ko. Kasi alam ko magrereact agad sila mommy at susugod dito sa school, at ayoko namang mangyari yun. Ayoko na may makaalam sa true identity ko. Known as loner ako dito sa school, why? Because, I don't have any friends. Walang may lakas ng loob para kaibiganin ako, ewan ko ba sa kanila kumbakit iba ang tingin nila sa akin.

Hindi rin pala tong school na toh na as in private, tama lang.. Kaya yung ibang students parang mga walang discipline. I'm sorry that I said that but that's the truth. After ko kuhanin ang mga libro ko pumunta muna akong washroom to wash my hair and face at nagpalit narin ako ng uniform. Lagi na ako nagdadala ng extra uniform kasi alam kong mangyayari toh. Sanay na ako, ganyan naman ang lagi nilang ginagawa sa akin. Sa susunod nga pati shampoo at sabon magdadala na ako, tutal may shower room for girls naman dito sa school na ito.

At ito nanaman ako, nalate sa klase. Lagi nalang, kung hindi lang kasi dahil dun sa mga students na hilig ako ibully tsk.. Yan tuloy naikot na sa pambubully nila ang kwento na supposed to be happy and romantic. Pero pano nga ba magiging romantic, eh wala ngang may lakas loob para lapitan ako.

"S-sorry Ms. I'm late. May pinagawa lang po kasi saakin si Ms. Danica sa library"

"It's okay. Valid naman ang reason mo kaya sige, you may sit down."

Making excuses nanaman ako. Anong magagawa ko kailangan kong mag-isip ng valid reason para hindi ako mapasend sa guidance. Kasi once na napasend ako sa guidance office, diretso meeting agad ng parents.

Pero all in all, sa school na ito. Si Ms. Danica lang ang nakakakilala sa akin, siya lang kasi ang sa tingin kong mabait dito sa campus, at nag-apply narin ako na bilang asisstant librarian na ikinatuwa naman ni Miss. Danica. 

May duty pa ako mamaya sa library, pero tatapusin ko muna tong mga assignments.. Ay uwian na pala, ako nalang ang naiwan dito sa classroom.

"Hello ^___^ "

Wait, first time na may bumati sa akin ahh, for all of the years that I've been in this school. Dahan-dahan kong inangat yung ulo ko..

"Whoa, you look like sudako"

After I saw his face, yumuko ako agad, back on what I'm doing. Baka kasi kapag inentertain ko pa siya, madamay siya sa pambubully sa akin ng mga students dito. But he looks nice. 

Kumuha siya ng upuan at tumabi sa akin.. Nafefeel ko ang pagtitig niya sa akin. Ang wierd niya ahh, nakatitig lang siya sa akin as in.

"Ang ganda mo pala. Kaso yung buhok mo hinaharangan yang mukha mo, kaya ka naakala na wierdo ii. Atsaka kaya siguro walang naglalakas luob na lapitan ka kasi dahil jan sa buhok mo, nagmumukha kang sudako"

Napangiti ako dun ng unti nung sinabi niyang maganda daw ako pero yung mga sunod na sinabi niya, unti unti nawawala ang ngiti ko. Kaya naman tumingin ako sa kanya at binigyan ng evil look. Nakakabadtrip ba naman kasi. Kasi naman kung yun lang ang pakay niya ng pambubulabog sa akin dito, pwes mas mabuti pang umalis nalang siya. Panira pa ng mood eh..

"Alam mo kung wala ka nang sasabihin pwede ka nang umalis"

Sabi ko.

"Nagsasalita ka naman pala eh. Alam mo ang ganda ng boses mo, kaso antaray mo lang"

"Alam mo, kung puro pambobola at non sense lang naman ang sasabihin mo umalis ka nalang. Kasi hindi mo alam kung gano na kalaki ang naabala mo sa akin"

"Diba dapat nasa library kana ngayon?"

"oo"

"Bsakit nandito ka padin sa classroom?"

"Ano ba talaga ipinunta mo dito?"

"Wala naman. Naglilibot libot kasi ako, tapos nakita kita. Kaya hindi na ako nagdalawang isip na pumasok. Alam kong mabait ka naman ii.."

"Hindi mo ako kilala"

"Kilala kaya kita.. Ikaw si Fely"

"Pangalan ko lang naman ang alam mo, hindi ang buong katuhan ko. Kaya wag kang FC"

"Hindi naman ako FC eh.. Pakikipagkaibigan ang tawag dito. Baka naman wala pa sa bokabularyo mo ang pakikipagkaibigan"

"Wala nga. Kung ayaw mo pa umalis, sige mauna na ako"

"Ako na magdadala ng mga gamit mo. Sa library ka lang naman pupunta diba?"

Kahit papaano, ang kulit din nitong lalaking toh. Para tumigil na hinayaan ko nalang siya na dalhin yung mga libro ko. Pero, gentleman siya at mabait. Ayoko lang naman makipagkaibigan sa kanya kasi ayokong may madamay na tao na mabully din katulad ko. Ayokong may masaktan dahil sa akin, sinusugod ng kosensya ang buong katauhan ko ii..

"Salamat"

"Walng anuman. Alam mo sa susunod, itry mong iclip yang buhok mo para lalong lumabas ang kagandahan mo"

"Sige salamat ulit.."

"Sige, mauna na ako. Bye Fely, kita tayo bukas.."

Binigyan ko siya ng slight smile kahit papaano mapakita ko lang na thankful ako sa kanya sa pagtulong sa akin na buhatin yung mga gamit ko dito sa library. At binalikan niya naman ako ng ngiti.

Pagkasara ko ng pinto, nakita ko agad ang nakatayong Ms. Danica Perez na nakacrossarms pa at nakataas ang isang kilay. Nako, i-iinterviewhin nanaman ako nito. Everytime nalang na makita niya akong nakngiti at mukhang gloomy yan ang nangyayari, interview.

"Bakit?"

"Wala lang, sino yung naghatid sayo?"

"Ah yun, hindi ko kilala yun. Basta ang alam ko bigla nalang ako kinausap at nagsimulang tulungan ako sa mga librong dala ko papunta dito sa library"

"Hindi mo ba talaga kilala yun? Or baka naman may relasyon kayong dalawa na hindi mo sa akin sinasabi"

"Relasyon? tsk. Alam mo namang hindi mangyayari yun.."

"Sana nga, kasi ayaw kitang makita na tatakbo nalang agad dito sa library nang umiiyak"

"Don't Worry Ms. Danica. I will never let that happen."

"Sus, paenglish english kapa."

"Bakit, yun naman ang school policy ahh, speak in english"

"Pilosopo ka talagang bata ka. O, ito ibalik mo toh sa shelves.. "

"Sigii!! ^^"

Buti naman at hindi ganung nagtanong si Ms. Danica.. Hayy.. Hindi ko rin man lang nakuha name niya. Ilalagay ko toh sa diary. I mamark up ko pa ng color red na ballpen para sign na importante tong araw na ito. First day na may nagapproach sa akin. ^___^

-----------------------------------------**

Who wanted to see the teaser photos, and the outfits of the the story characters wearing? Just visit my twitter account, follow me then check out my pictures.. it's all there..

PLEASE COMMENT.VOTE.SHARE ^^

My Twitter account: 

https://twitter.com/marikim08

My Facebook page:

https://www.facebook.com/Yumyum08stories?ref=hl

**

Their UNIFORM                     ---------------------------------------------->>>>>>>>>>>>>>>>>

BAKIT BA?! (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon