AN://
Dedicated sa kanya kasi mahal niya si Benben XD Ang bait niya kasi ehh ...
" Ellaaaa !! Bumangon ka na !! " sigaw ni mama habang niyuyugyog ang katawan ko . Kinuha ko yung unan malapit sa akin at tinakpan ang tenga ko . Ang aga pa ata eh .
" Inaantok pa ako Mama , " sabi ko . Mas nilakasan niya pa ang pagyugyog sa akin .
" Anuu ka bang bataa kaa !! Papasok ka pa , " sigaw ni Mama .
" Ella ! Bumangon ka na ! " sigaw naman ni papa .
" Opo , " mahina kong sabi at dahan dahang bumangon . Huminto si mama sa pagyugyog sa akin at tinignan ako ng masama .
" Bilisan mo ang kilos ! " sigaw niya . Ano ba to si mama sigaw ng sigaw ke aga aga . Umalis na sila sa kwarto ko . Kasi bakit ang aga ng pasok sa nilipatan ko !
* ligo ~ toothbrush ~ bihis ~ ayos ng buhok *
Pagkatapos ko mag ayos bumaba na ako at dumirecho sa kusina .
" Ella , ito na ang baon mo , " sabi ni mama sabay abot sa akin ng baunan ko at pera . Kinuha ko iyo at nilagay sa bag ko . Psshh ! Masyado namang maiksi itong palda ko .
Susubo na sana ako ng hotdog ng pigilan ako ni mama .
" Aba't kakain ka pa ! Lumayas ka na at baka malate ka pa , " sigaw niya .
" Sa daan ka na kumain , " sabi naman ni papa sabay abot ng sandwich . Yung tataa ?! Kainis naman eh !
Lumabas na ako ng bahay at naglakad na papuntang school habang nakain .
Nakakainis ! Bakit kasi kailangan ko pang maglakad papasok . Bakit kasi walang bus dito sa nilipatan namin !
" Kawawa naman yung sandwich , "
Tumingin ako sa likod ko at nakita yung lalaking nagsalita . Yung uniform niya kakulay ng uniform ko . Schoolmate ko siguro . Tskk Pakialam niya ba ?!
Inisnab ko siya at nagpatuloy sa paglalakad . Nakakita na rin ako ng ilang estudyante na kaparehas ng uniform namin .
Ilang minuto lang naaninag ko na sa wakas yung gate ng school .
Okay Ella , tandaan mo ang rules na ginawa mo tuwing lilipat kayo .
Dont talk
No Friends
Stay Invisible
Bago pa man ako makapasok ng gate ay may biglang humatak sa damit ko . Pagharap ko isang teacher lang pala .
" Ella Banania , kanina pa kita iniintay . Sumama ka sa akin , " sabi niya tapos naglakad na . Sinundan ko lang siya . Nakarating kami sa isang classroom . Siya siguro yung magiging homeroom teacher ko .
Pumasok kaming dalawa sa loob ng classroom . Huminto yung mga estudyante na nagkakagulo kanina bago kami pumasok .
" Ang gugulo niyo talaga ! " sigaw nung teacher . Naupo lahat ng mga estudyante .
" Siya ang bago niyong kaklase . Siya si Ella Banania . Maging mabait kayo sa kanya , " sigaw nito . Nakatingin silang lahat sa akin na parang may hinihintay .