Chapter 1

26 2 0
                                    

Rougue's P.O.V

"Babe, san ka nanaman papalaot?" Naka pout na tanong ni Samantha.

"Dyan lang sa tabi tabi" sagot ko

"Sa 19 years munang ginagawa yang paghahabap sa mga serena na yan, di ka pa napapagod? At isa lang naman silang pamahiin."

Anak ako ng isang mermaid hunter na nakahuli noon sa dalawang magasawa sirena sa tinatawag nilang blue lagoon, kaya matagal ko ng hinahanap ang blue lagoon sa mga isla isla, subalit diko makita pero may isang lugar pa naman ako di napupuntahan.

Ako nga pala si Rougue Cervantes o sa alyas na "Rougue the Vougue" isang mermaid hunter at papatunayan ko sa ibang tao na makikita ko ang sirena.

Nagmamadali nako magayos ng aking gagamitin sa paghuli.Nagpaalam nako sa syota ko at agad akong pumalaot papunta sa Calibre island na di umano natatago ang paraisong "Blue Lagoon".

Ng makarating ako pumaroon ako sa may gitna ng gubat kung saan naroo ang kwueba. Ng asa dulo nako ng kweba , nadatnan ko ang isang lawa.

Nagtanggal nako ng shirt at binaba ang bag ko, tinanggal ko din ang mga sapatos ko at sabay talon sa lawa at sumisid, nang matanaw ko na ang liwanag agad akong umahon.

Sa pag ahon ko, bumulaga sakin ang isang paraisong, punong puno sa mga prutas,bulaklak,makukulay na isda at mapusyaw na tubig.Ito na siguro ang blue lagoon. San ko kaya makikita ang nasasabi nilang sirena? Maya maya may umanong gumalaw sa bandang likoran ko kaya agad napatingin.

May aninong sumisid papuntang talon kaya agad ko itong sinundan.

Nang asa loob nako ng kweba,inikot ikot ko ang paningin ko.May naramdaman ako na may nakamasid sakin hanggang may naaninag ako sa may sulok na anino at ito ay isang babae.Nilapitan ko ito napagmasdan ko ang kanyang wangis.

Na mala porselana ang kutis, kulay asul ang kanyang buhok.Ito na kaya ang sirenang matagal kunang hinahanaphanap?

Serene's P.O.V

Napahinto ang lalake at nakatitig lang sa akin. Hala nakita nya ko! Unti unti tong lumakad sa direksyon ko.

"Wag kang lalapit!" Sigaw ko

Nagulat sya kaya napahinto.

Lumabas ako kaya nagulat sya sa nakta nya Pinagmasdan nya ako mula ulo hanggang buntot.

"Wag kang lalapit kung ayaw mong may mangyari sayong di maganda!" Hiyaw ko!

May di umano kinuha sya sa likod nya.

Tinapat nya ito sakin.Inihampas ko sa kanya ang buntod ko yung hawak nya ay tumalsik kaya tumakbo naman ako sya padoon sa gamit nyang tumalsik at ako'y tumalon palabas ng kwueba.

Kaylangan ko magtago pero biglang may net na lumabas sa harap ko at nakulong ako sa may loob neto.

Unti unti tong umanggat , hanggang sa maka ahon sa tubig.Nakita ko ang lalaki na naka ngiting tagumpay at sinubukan ko makawala kaso maghigpit ang net.

"Pinagod mo pa ko" sabi nung lalaki at may tinurok sya sa aking balikat at agad agad akong nanghina at nawalan ng malay.

Nagising nalang ako na nakatali at hinang hina, nasa isang sasakyan ako na lumulutang sa tubig.Di ko alam kung ano tawag don. Tinignan ako nung lalaki at hinawakan nya ako sa baba.Nakita ko ang puot sa kanyang mga mata.

"Mapapahiya silang lahat sa pagmamaliit sa akin at dahil sanyo nawala sakin ang mga magulang ko" giid nya.

Huminto ang sinasakyan namin at pinasok ako sa isang sasakyan ata na may apat na bilog sa ilalim tapos malaki sya sa loob at maraming upuan.Nakatali parin ako at nilagay don.Sya naman sinara nya yung harang dun sa sasakyan at pumasok sya sa may harap at hinawakan nya yung bilog na diko alam at biglang umandar ang sasakyan namin.

Diko alam kung san ba nya ako dadalhin, nakasandal lang ako sa may gilid nito na nakikita ko ang labas, ang galing ba naman umaandar kame dito sa isang malaking kahon.Ngayon lang ako nakapunta sa lugar na ito. May matataas na di ko alam kung ano bayun. Tas may gumalay na tao sa may parihaba.

Tas andaming katulad nitong sinasakyan namin na iba't ibang hugis at kulay.Andaming tao, diko na ala kung ano na ang mangyayare sakin ngayon? Sya din kaya kumuha sa mga magulang ko.

Kaylangan kong maka alis at makabaik sa blue lagoon.Buti na lang naalala ko yung kwintas na binigay ng ina ko, hugis shell sya.Sinuot ko at laking gulat ko na.

Biglang umilaw ang buntot ko at naging kaparehas ng sa mga tao?

Blue LagoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon