Chapter 3

23 0 0
                                    

Tumango nalang ako pero hinila ako nung babae at ipinasok dun sa sasakyan nya at sya naman ay pumasok narin at hinawakan yung mahiwagang bilog nayun kung saan nakokontrol nila yunh sasakyan.

"Miss wala kabang sugat?" Alalang tanong nya.

Umuling ako

Pumunta kami sa isang malaki parisukat na kulay puti.

Pumasok kami, ang galing biglang bumukas yung harang kaya kami nakapasok tas pinaupo ako sa isang bagay.

May kausap yung babae na kasama ko kanina tas yung kausap nya naka puti sya tapos may nakalagay sa ulo nyang pa may sign na cross. So sya ang reyna dito? So ganito pala ang palasyo sa mundo nila?

Palapit na sila sa direksyon ko.

Agad akong tumayo at lumuhod sa harap ng reyna. Ganito daw kase ang pagpapakita ng galang sa mga reyna?

"Sorry, inang kamahalan di po ako nakapagbigay pugay sanyo"

Habang nakayuko parin ako.

Tumawa lang sila at pinatayo ako at maypinag dalhan sakin na isang lugar na malawak naman sya pakahon tas puro puti tas pinaupo ako sa may malambot na ewan. Pwede daw humiga! Talon talon pa nga ako ehh.
Narinig ko yung paguusapan nila na.

"Balikan ko nalang sya mamaya may appointment pa kasi ako" wika nung nagdala sakin dito.

"Sige po madam senadora" sabi nung reyna.

Kaybait naman pala nung reyna nila.

Madam senadora?!?!?!?!

Ano yun?

Tas umalis na ang babaeng sinakay ako kanina.

"pahinga po muna po kayo at babalikan ko po kayo mamaya"

paalam nya at umalis narin.

Abay ang bait naman ng reyna na yon pinagpapahinga pako.

Drake's P.O.V

Nang lapitan ko ang babae kanina, may naramdaman ako kakaiba sa kanya, pagtingin ko sa kanya kulay abo ang mga mata niya, yung kanyang porselanang kutis, tas buhok nya kulay asul.Napalingon ako sa kanyang mga paa ang kinis at kumikintab ito.

Aaminin ko maganda sya, maamo ang mukha niya,ewan ko kung sang lupalop nakuha ni rougue to. I need to find this girl or before someone does.

Pagkatapos lumabas ni rougue tinanggal ko ang lab gown ko

"Oh Drake san mo balak pumunta?"
tanong ni kupal allen.

"May pupuntahan lang" kinuha ko yung bag ko tska lumabas.Kaylangan ko makita yung babaeng yun.

Rougue's P.O.V

Bwiset! bwiset! taena yung babaeng yon sang lupalop kaya pumunta yon.
Nang biglang tumunog ang cellphone ko, kaya sinagot ko agad.

"Hello?"-ako

"Babe? asan ka naba? kala ko ba saglit kalang dyan tas magdadate tayo? ano na?" pagreklamo nya.

Naiirita ako kaya pinaba ko nalang at pinatay ang phone ko para wala istorbo.

Hay asa kamay ko na ang sirena kanina aish!!!!!

diniinan ko ang kapit sa manubela.

Serene's P.O.V

Nagising ako nang may pumasok sa pahabang butas na animoy isang vortex o ano. Kasya ang tao dito maya maya may isang babaeng niluwa ang butas at yun yung nagdala sakin dito tas may lumabas din na babaeng naka puti pero may kakaiba na nakasabit sa leeg nya na diko mawari kung ano ito.

May pinaguusapan sila, Umalis yung babaeng may ahas ata sa leeg nya tas lumapit sakin yung babaeng nagdala.sakin dito.

"Alam ko na di ka ordinaryong babae" ika nya

"Po?" tanong ko

Nagbuntong hininga sya bago ulet magsalita.

"Na isa kang sirena"

Nanlaki ang mata ko sa mga sinabi nya.

Paano nya nalaman? pagkakatiwalaan ko ba sya?

Blue LagoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon