Prologue

36 1 0
                                    

Pag ako'y umaawit sumasabay ang kapaligiran sa king himig.Ang hangin ay humahaplos sa king balat, Ang buhok ko'y winawagayway sa lakas nito.Ang mga ibon ay sumasabay at humuhuni sa bawat salitang nababagkis ko.

Habang ako'y umaawit, sinusuklay ko ang aking mala dagat sa asul kong buhok gamit ng aking kamay.Ang mga puno'y wumagayway na parang gustong sumayaw sa aking awit. Habang nakaupo ako malaking tipak na bato sa may pangpang.

Ang lugar na ito ay tago sa mga tao. Kaya ang mga likas na yaman ay makikita mo nakakalat lang dito.Dahil sa mala asul na langit ang tubig kaya't ito tinawag na "Blue Lagoon."

Nang matapos ko ang aking awitin winagayway ko ang aking mala gintong buntot at tumalon sa ilog.

Matagal na ako nakatira dito, simula nung napadpad rito ang aking mga magulang.Hanggang sa dito na rin ako pinanganak.Nung ako'y mga nasa limang taong gulang may mga taong nakadiskobre ng lugar na to.

Nahuli nila ang aking mga magulang, naitago ako ng aking ina kaya't ako ay naiwan rito at dito na lumaki.

Nanirahan ako dito kasama ang mga isda,ibon at iba pang hayop.Ngayon labing pitong isdangtaon ko na.

Magpapakilala muna ako. Ako po si Serene labing pitong isdang gulang, may asul na buhok at gintong buntod. Mahilig sa isda lalo na yung sardinas.

Matiwasay naman ang pamumuhay ko rito nang dumating ang araw na may isang tao na naka pasok sa liblib na lugar nato.

Dali dali ako'y nagtago sa kwueba.Pero natagpuan rin nya ang kweba na nasa likod lang talon.Nagtago ako sa isang sulok nito at pinagmasdan ang lalaki.

May mapuputing balat, matanggos na ilongg na may katamtaman ang laki ng katawan nya tas ang buhok nya ay tila gulo gulo. Kulay kayumanggi ang buhok nito Tas bilugan ang mga mata nya.Napahinto ako ng nakatingin sa direksyon ko.

Blue LagoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon