Chapter 5

13 3 0
                                    

•~~~~~~ Keira's POV ~~~~~~•

"Ano ba nasasaktan na ako, tigilan niyo na ako sabi eh!!!" Sigaw ko doon sa mga babaeng nananabunot sakin.

"Ayan ang nararapat sayo malandi ka!!!" Sabi ng isang babae at binato ako ng itlog.

"Ano ba sabeng tama na eh!!" Sigaw ko ngunit di parin sila natitinag sa mga sigaw ko.

"Ang panget mo! Mangaagaw ito ang dapat sayo!!" Ihahampas niya ang baton niya sakin kaya pumikit ako at hinawakan ko ang ulo ko.

Mayamaya ang inaabangan kong hampas ay hindi na tuloy biglang tumahimik ang lahat.

'nasa heaven na ba ako???'

"Tumayo ka jaan" biglang may nagsalita.

Pagmulat ko........

Si Bryan pala, hawak hawak na niya ang baton at ang baton ay bali na.

Bigla nalang akong napaiyak.

'Hindi ko gusto ang mga nangyayari at wala sa plano ko ang maging girlfriend ni Bryan. Gusto ko mabuhay ng normal pero bakit kasi ngayon pa kung kaylan gagraduate na kami'

Umiyak lang ako ng umiyak, parang sa mga oras na yun di ko na maramdaman ang sakit sa anit ko dahil sa kakasabunot nila, ang mga pasa na natamo ko sa paghahagis ng mga matitigas na bagay.

Bigla nalang dumilim ang paningin ko at di ko alam kung bakit.

"Keira gumising ka, Keira!!" Yan lang ang narinig ko at bigla nalang naging madilim ang lahat.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Barbie wake up, wake up. Kailangan na nating umalis ngayon, gising na Barbie ko.." gising sakin ni Mommy.

"Hmmm mommy I feel sleepy pa eh." Sabi ko habang naguunat ako.

"We need to get out of here now, bago dumating ang Daddy mo." Bigla akong napabalikwas sa pagkakatulog ko.

"Mommy?! Tara na I hear something." May naririnig kasi akong mga yabag ng paa papunta dito sa room ko.

"Me too Barbie, go hide here muna ha okay. Ssssh dont make any noise Barbie ko." Inilagay ako ni Mommy sa isang drawer na tama lang sa size ko sa ilalim ng bed ko. Kahit nasa drawer ako nakikita ko parin ang labas dahil ito ay gawa sa cotton.

*Blaaag!!!

"Melinda!!! Ano toh? Bakit may luggage ka dito ha?!?! Nandito pa ang mga damit mo!!" Sigaw ng isang lalake kay Mommy at alam kong si Daddy yun.

"Wait Brandon let me explain please!" Pagmamakaawa ni Mommy.

*Paakk!!...

Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano sinampal ni Daddy si Mommy ng napakalakas at halos napahiga si Mommy sa sahig.

"Anong binabalak mo lalayas ka ha?!?! Where is my daughter??!! Asan siya?!!" Sigaw ni Daddy at kitang kita ko na galit na galit na siya.

Umiiyak ako ng tahimik sa tinataguan ko ngayon.

Gusto nanaming umalis ni Mommy dahil lagi nalang siyang sinasaktan ni Daddy, araw araw, bawat oras pagnandito si Daddy.

Hindi alam ni Daddy ang drawer na tinataguan ko dahil si Mommy ang bumili nito para sakin. Hinahanap ako ni Daddy sa bawat cabinet ko pero di niya parin ako makita.

War at First Sight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon