Chapter 7

13 1 0
                                    

•~~~~~ Lloyd's POV ~~~~~~•

Kasalukuyan akong nagdrive kasama si Keira, ihahatid ko na siya sa kanila para tulungan narin siyang magpaliwanag sa magulang niya kung anong nangyare sa kaniya.

"Uy ang tahimik mo ata. May problema ba?" Tanong ko sa kaniya at para mabasag rin ang katahimikan.

"Tanong ko lang bago ako mahimatay kanina anong nangyare? Bakit di ko naramdaman yung pagpalo ng baton sakin? Sinong nagdala sakin sa clinic?" Sunod sunod na tanong niya.

Di ako makaimik dahil naiinis ako sa mga nangyare kanina.

•~~~~~ Flashback ~~~~~•

"Girls narinig niyo ba yung balita? Si Keira binubugbog nila Alicia dahil nilalandi daw ni Keira si Bryan. And ang alam ko sila daw nila Keira at Bryan eh." Sabi nung isang babae dito sa campus.

Kaya napatigil ako sa paglalakad at nilapitan sila.

"Excuse me? Tama ba yung narinig ko tungkol kay Keira at Bryan?" Tanong ko sa kanila, at laking gulat nila nung tinanong ko sa kanila yun. Di sila makasagot dahil natatakot sila. "Sagutin niyo ko totoo ba?" Mahinahon ko na tanong.

"Ye-yes, sa may fo-forest park pa nga da-daw yun eh. Sigeh aalis na kami hehehe." Sagot niya at dali dali silang umalis.

Tumakbo na ako pababa ng building patungo sa forest park, nadaanan ko ang isang restroom dito sa building at nakita ko si Bryan.

"Bryan!!!!!" Padabog kong binuksan ng mas malaki ang pintuan.

"Oh anong problema?" Gulat na tanong.

"Diba kasama mo si Keira kanina?! Alam mo bang binubugbog siya ngayon nila Alicia sa forest park?!?!" Galit na galit na sabi ko sa kaniya.

Biglang nagiba ang itsura niya at tinabig ako, bigla siyang tumakbo patungong forest park at sumunod narin ako kaso sa sobrang bilis ni Bryan di ko na siya maabutan.

" Ang panget mo! Mangaagaw ito ang dapat sayo!!"  Sigaw ni Alicia kay Keira at akmang hahampis na ni Alicia si Keira ng baton niya.

Nagulat ako sa nakita ko. Sinangga ni Bryan yung baton at binali niya ito habang nakatingin kay Alicia.

Kita sa mukha ni Alicia ang pagkagulat dahil hindi niya inaasahang mangyari iyon.

"Tumayo ka jaan." Malumanay na utos ni Bryan kay Keira. Kaya lumapit na ako sa kanila dahil naiinis ako sa pagutos ni Bryan kay Keira.

Nilapitan ko si Keira, paglapit ko eksaktong matutumba na siya kaya sinalo ko siya. Hinawi ko ang buhok at nakita kong nakapikit siya.

"Keira gumising ka, Keira!!"
Sigaw ko sa kaniya kaso di parin siya gumigising at tinapik tapik ko pa siya. Binuhat ko siya para dalhin sa clinic. Pinigilan ako ni Bryan sa paglalakad.

"At saan mo siya dadalhin?" Walang reaksyong tanong ni Bryan.

"Malamang sa Clinic Bry! Nakita mo nang hinimatay ang tao oh!" galit na galit na sigaw ko sa kaniya.

Yumuko na lang siya at tumabi para bigyan niya ako ng daan.

Tumakbo na ako sa clinic buhat buhat si Keira.

•~~~ End of Flashback ~~~~•

"Si Bryan ang sumangga sa baton." Pagamin ko. Ayaw ko man sabihin ang totoo pero nakokonsensya ako. Di ko alam kung bakit ayaw kong sabihin, parang may kakaiba sakin ngayon.

"Kaya ba may benda siya sa kamay. May pa sekreto sekreto pa siya hmp." At nagpout lang siya.

Bago makarating sa kanila eksakto madadaan muna namin ang favorite pizza parlor ko. Ang calda pizza.

War at First Sight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon