Chapter 2: Yabag

42 10 11
                                    

Dedicated to: @Jhazler_BITCH


Brij's POV

Pagpasok ko pa lamang dito sa lumang bahay ay di ko maitatangging may iba akong naramdaman. Parang may mabigat na bagay akong dinadala sa katawan ko. Nakita ko rin kung paano ang naging reaksiyon ni Alex pagpasok niya dito. Alam kong naramdaman niya rin ito. Dagdag pa sa misteryo ay ang mga librong pang-ritwal kung kaya't umaapaw ang aking kuryosidad. Alam kong mayroong kababalaghan ang nangyayari dito at aalamin ko kung ano man ito.

Naunang pumunta sa ikalawang palapag ng bahay sina Zed at Sab upang makahanap ng kwarto na paglilipasan ng gabi mamaya. Ilang minuto lang ang itinagal namin ni Sab sa baba at tuluyan na ring sumunod sa dalawa sa itaas.

Pagkatapos nga naming inayos ang kaniya-kaniyang gamit ay nauna nang magpaalam ni Alex na siya'y magpapahinga muna. Samantalang si Zed ay sumama kay Sab patungong banyo. Bodyguard niya raw. lol

Ilang minuto rin ang nakalipas simula ng pumunta bg banyo ang dalawa. Si Alex naman ay mahimbing na natutulog. Nang ...


"AAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!"
Napaigtad ako sa narinig kong sigaw mula sa banyo. Boses yun ni Sab.

"Anong nangyayari?!" Bumalikwas ng bangon si Alex matapos na marinig ang malakas na sigaw ni Sab. Nakapaskil sa mukha ni Alex ang pagkagulat habang nakakunot-noong nakatingin sakin.

Agad kaming napatayo ni Alex mula sa aming mga higaan at agad na tinungo ang banyo. Mula sa pinto natanaw naming pumasok sa loob si Zed.

"Anong nangyayari?!" Mabilis na naitanong ni Alex sa dalawa. Nakita kong mabula pa ang buhok ni Sab senyales na kaka-shampoo lang nito.

"M-may daga! Tsa-tsaka ang daming ipis. Yuck! Eew! Ahhhhh! May isa pa! Patayin niyo, patayin niyo!" Diring-diring sabi ni Sab at halos mapatalon na sa inosenteng si Zed. Para itong tarsier na nakasabit sa puno. Halatang nagpipigil ng inis at hiya itong si Zed dahil namumula na ito.

"Sab! Ano ba! Nasasakal ako sayo. Bitaw, bilis!" Napabitaw naman ng mabilis si Sab kay Zed ng mapagtanto ang kaniyang ginawa.

"Ang liit ng ipis at daga para katakutan mo, Sab." Mukhang nainis din si Alex sa inakto ng kaibigan. Bakas sa kanyang mukha ang pagkadismaya. Namali ata ang paggising nito kung kaya't iginaya ko na siya sa kanyang higaan upang maituloy na ang kaniyang pagpapahinga.

"Ikaw na bahala kay Sab, Zed." Pagtango lang ang naging sagot nito.

"Pasensiya na, Alex!" Pahabol na sigaw pa ni Sab sa kaibigan. "Itong mga ipis na ito kasi e, nagfi-feeling kabute. Kung saan-saan lang sumuslpot." Rinig kong sambit nito mula sa banyo.

--

Alex's POV

Pagkatapos nga nang naging eksena kanina sa banyo ay iginaya ako ni Zed papunta sa aking higaan. Hayst. Si Sab kasi e. Pero okay lang dahil mabilis naman akong nakatulog. Mga apatnaputlimang minuto din akong tulog ng makarinig ng mga yabag mula sa aking paanan. Pabalik-balik ito ngunit hindi ko pinagbigyang-pansin. Naulit ng naulit ako hanggat hindi ko na natiis.

" Sab, Zed, Brij. Please naman ang ingay-ingay ng mga yabag niyo. Pwedeng pakihinaan naman?" Pagsasabi ko sa aking mga kaibigan nang hindi binubuksan ang aking mga mata. Sumunod naman ito at tuluyan ng nanaahimik ang paligid. Buti naman at sinunod nila ako. Pagkaraan ng ilang minuto ay may kumalabit sakin. Hindi ko ito pinansin at naisip kong si Zed lang ito at pinagtitripan na naman ako. Umulit nang umulit ito hanggang sa nainis na ako. Binuksan ko ang aking mga mata sabay salita.

"Zed, ano ba? Kita mong natutulog 'yung tao e." Kasabay ng pagtapos ng aking pagsasalita ay ang pagtingin ko sa paligid. Wala namang tao. Hayst. Pinaglalaruan na naman ako ni Zed. Yung lokong 'yun talaga. Hinanap ko ang aking celphone at chineck kung anong oras na. Mag-a-alas diyes na pala. Napag-desisyunan kong bumaba na muna upang maghapunan. Naramdaman ko kasing kumukulo na ang aking sikmura.

Pagbaba ko ay natagpuan ko ang mga kaibigan ko na nakaupo sa sari-sarili nilang upuan sa lamesa habang kumakain. Napansin nila ako at agad na inimbitahan ako upang kumain.

"Buti naman at gising ka na. Kain ka ng marami at mukhang napagod ka kanina." Ani Brij sabay abot sa akin ng kanin na dala-dala nila mula sa kanilang bag. Tanging ngiti lang ang iginawad ko sa lalake.

"Hoy, ano yan?" Turo ni Zed sa pagkain ni Sab habang nakakunot ang mga noo nito. "Hindi ko akalaing may lahing kambing ka pala. Hahahahaha." Malakas na tawa nito habang hawak-hawak pa ang tiyan nito. Nagsisimula na namang mag-asaran ang dalawang ito. Hayst. Kahit kailan talaga.

"Baliw! Tawag dito vegetable salad, gunggong. Palibhasa kase lumaki ka sa babuyan, ayan tuloy nagmukha ka na ring baboy!" Duro nito sa mukha ni Zed sabay labas ng dila nito. Narinig kong tumawa ng kaunti si Brij kaya agad na nalipat sa kanya ang mga atensiyon namin.

"What? Bawal bang tumawa?" Nakita kong sumimangot si Zed ng napagtanto niyang siya ang pjnagtatawanan ni Brij.


"Wala kang support, bro. It's now a friendship over! Hmp!" Sabay flip hair nito. Hahaha. Nakakatuwa ang mga eksenang 'to.

"Ang drama mo, Zed. Bakla!" Tukso ni Sab kay Zed.

"Aba. Kota ka na ah! Ako? Bakla? Sus, kita mo 'to?" Sabay pakita ng abs nito kay Sab. Halos mamula na nang tuluyan si Sab sa pinaggagagawa ni Zed sa harap niya. "Oh. Ano ha? Halikan kita diyan e." Ngisi nito kay Sab. Ginalingan. May nanalo na.

"A-ano? Yuck! K-kadiri. Eew! La-layo ka nga!" Nauutal na sambit ni Sab kay Zed sabay tulak nito sa kanya. Halata namang nahihiya na e. Hahaha. Ang cute nila kapag nag-aaway.

"Nga pala." Tinaasan ko sila ng kilay. Hah! Akala niyo nakalimutan ko yung pang-iistorbo niyo kanina sakin? Lagot kayo ngayon.

"Ano?" Sabay nilang tanong sakin.

"Anong-ano? Inistorbo niyo kaya pagtulog ko kanina?" Nakapameywang kong sabi sa kanila.

"Ah, 'yung sa banyo. Sorry na beshieee." Nagpuppy-eyes pa ni Sab.

"Hindi 'yun. 'Yung kani-kanina lang. 'Yung palakad-lakad kayo sa harap ng higaan ko. Tas yung pangangalabit mo sakin, Zed. Huwag na nga kayong magkunwari!" Tumahimik ang grupo. Wait. Parang may kakaiba. Tama ba 'tong iniisip ko?

"Alex, mahigit 1 hour na kaming nandito sa baba. Walang pumunta sa taas sa mga oras na 'yon." Pagpapaliwanag sakin ni Brij. Pero, kung hindi sila. Sino?

"Guys, huwag kayong magbiro ng ganyan." Halos nanlamig ako sa nalaman ko. Hindi ko akalaing ganito.

"Alex naman. Huwag mo nga kaming takutin!" Nangingilabot na sabi sakin ni Zed habang si Sab naman ay halatang kabado. Si Brij naman ay kalmado pa rin.

"Hindi ako gagawa ng kwento, guys. Totoong may mga yabag akong narinig at may kumalabit sakin!" OA na kung OA. Gosh. Ako pa talaga ang unang nakaranas.

Nasa gitna kami ng pag-uusap ng may malakas na kalabog kaming narinig mula sa taas.

"Shit." Sabay-sabay kaming napamura.

HAUNTEDWhere stories live. Discover now