Chapter 4: We found Sabrina

25 4 0
                                    

Dedicated to @aymsochildish

Alex's POV

Nag-umpisa na naming hanapin si Sab habang bitbit ang kanya-kanya naming flashlight. Hindi namin halos maaninag ang isa't isa dahil na rin sa sinakop ng kadiliman ang bawat pasilyo ng bahay.

Halos magkadikitan na kami ng aking mga kaibigan upang hindi maghiwa-hiwalay. Ramdam naming lahat ang kaba at takot ngunit pinipilit na pinapatatag ang aming sarili para sa aming kaibigang nawawala.

Naramdaman kong may kumalabit sakin. Nang lumingon ako ay wala namang tao dahil ang mga kasama ko ay nasa aking harapan. Siguro dahil sa dala na rin ng takot at napaparanoid na rin ako ay kung anu-ano na ang aking iniisip. Ilang segundo lang ang nakaraan ay may kumalabit na naman sakin. Sa oras na iyon, napatigil na ako ngunit ang mga kaibigan ko ay patuloy lang sa paglakad na waring wala silang naramdaman. Natandaan ko ang nangyari sakin sa kwarto. Halos manindig at tumaas ang balahibo ko nang may maaninag na nakaputing bestida sa dinaanan naming pasilyo kanina. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya ngunit nagbaka-sakali akong si Sab iyon. Inipon ko ang sapat na lakas ng loob at buong tapang akong humakbang paharap habang bitbit ang maliit na ilaw na dala-dala ko.

"S-Sab, i-ikaw ba 'yan?" Hindi ito sumagot sakin bagkus nanatili ito sa kanyang kinatatayuan. Nanginginig man ngunit pinagpatuloy kong humakbang papunta sa kinaroroonan ng babae. Palapit ako nang palapit nang narinig kong tinatawag ni Brij ang aking pangalan.

"Alex!" Malakas ito kung kaya't di ako nag-atubiling lumingon. Pagkaharap ko'y nakita ko ang aking kaibigan na waring takot na takot na tumitingin sa aking likuran.

"Bumalik ka na dito at kahit na anong mangyari, wag kang lilingon!" Alam kong sa pagkakataon na 'yun ay may nakita sila. Hindi ako lumingon ngunit naramdaman kong may humawak sa likod ko. Ang lamig ng mga kamay nito na waring inilublob sa timba ng yelo, malagkit, inuuod ang mukha at amoy nabubulok na karne. Patuloy ito sa paghagod sa likod ko hanggang sa umabot sa aking batok. Wala akong magawa, para akong naestwata sa aking pwesto. Umiiyak ako at di natiis na lumingon. Ganon na lang ang aking pagkagulat ng makita ang isang babaeng halos bugbog ang mukha at puro sugat.

"AAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!" Takot na takot man ay sinikap kong tumakbo palayo sa babaeng multo. Palingon-lingon ako at halos madapa-dapa na kakatakbo. Hinila ako nina Zed at Brij sa kung saan at nagpatangay lang rin naman ako.


--

"Alex? Alex! Fuck! Alex, okay ka lang?" Ramdam ko ang pagyugyog sakin ni Brij pero hindi ko magawang magsalita, nakatulala at inaalala ang nangyari kanina at hindi mapigilang umiyak.

"Alex naman. Please, talk to me! ALEX!" Para akong nagising sa sigaw ni Brij. Hindi ko mapigilang mapatingin sa kanya. Bakas sa mga mata nito ang takot at pag-aalala. Sinubukan ko ang pigilin ang luha at mga hikbi ko at nagtagumpay naman ako pero hindi ko pa rin maitatagong na-trauma ako kanina.

"O-okay na ako, B-Brij." Sabi ko kasabay ng aking mga hikbi. Niyakap niya ako at hindi ko maiwasang mapasinghap. Agad naman akong nakabawi.

"Huwag mo nang uulitin 'yun ah? Sabi ko namang sabay-sabay tayo e." Inis na binalingan niya ako ng tingin.

"S-Sorry. Akala ko kasi si Sab." Umiwas ako ng tingin.

"Hindi. Ako dapat ang nag-sorry. Pasensya na talaga, guys. Ako ang may kasalanan nito." Nakayuko man ay kita ko kung gaano ka-sincere ang mga sinasabi nito. Inaamin ko, nainis ako kay Zed sa hindi pagsabi nito na dito kami pupunta pero wala na kaming magawa dahil nandito na kami. At ang tanging paraan lang na makakalabas kami dito ay ang hintayin ang pagsikat ng araw.

"Okay lang, Zed. Andito na tayo e." Tumayo ako at huminga ng malalim. "Hanapin na natin si Sab." Napakunot-noong tinignan ako ni Brij at Zed.


"Teka, hindi ka pa okay." Nag-aalalang sabi ni Brij sa akin.


"Hindi. Okay na ako. Hanapin na natin si Sab at baka natatakot na ito." Pagpoprotesta ko sa lalake. Nakita ko namang nakunteto ito sa isinagot ko kung kaya't binuhat na naming muli ang aming mga gamit.


*boggggssshhh*


Nagulat, napasinghap at napako kami sa aming kinatatayuan ng muli na naman kaming makarinig ng isang malakas na kalabog. Sa puntong ito, sa baba nanggagaling ang tunog. Ilang segundo din ang nagdaan ng tumahimik ang buong bahay. Akala nami'y natapos na ang lahat, hindi pa pala.


Bigla kaming nakarinig ng pagtunog ng maliit na kampana na lumilikha ng kilabot sa buong lugar. Para itong sumasabay sa isang nakakatindig-balahibong kanta. Nakarinig din kami ng orasan na bigla-bigla na lamang tumunog ng mag-isa. Sumilip kaming lahat sa aming mga telepono at saktong alas tres na ng madaling araw. Mas tumindi ang aming takot ng makarinig ng isang palahaw na nanggagaling sa kung saan. Palahaw na para bang humihingi ng tulong. Unti-unting nagiging malakas ang mga ito't nakakakilabot na pakinggan. Kasabay ng mga di maipaliwanag na pangyayari ay ang mga sumusunog na yabag na wari'y nagtatakbuhan.


Hindi ko namalayang nanginginig na pala ako. Umiiyak na rin si Zed at pinagpapawisan ng malamig si Brij. Kung siguro nakita ko ito sa isang ordinaryong araw ay matatawa ako ngunit nasa ibang sitwasyon kami. Sitwasyon na parang nakasalalay ang buhay namin at ng kaibigan namin sa aming mga kamay.


Hinawakan namin ang mga kamay naming nanginginig at tahimik na nagdasal. Sa isang iglap, natahimik ang buong paligid.


Ngunit ilang minuto lang ang nagdaan nang nakarinig na naman ulit kami ng isang iyak. Para itong totoong-totoo. Nanggagaling ito sa isang kwarto sa dulo ng pasilyong ito. Nagkatinginan kami ng aking mga kaibigan at sabay-sabay ng tumango. Nagsimula kaming  maglakad ng dahan-dahan. Nauuna sa paglalakad si Brij, sunod ay ako at nasa huli si Zed na kapit na kapit sa damit ko. Ewan ko ba. Siya itong lalake pero kung makaasta ngayon, daig niya pa ang babae. Di ko naman siya masisisi. Nakakatakot ang lugar at ang dilim ng dinadaanan namin. Nakakadagdag pa sa kilabot na ang lamig-lamig kahit na di wala namang malakas na hangin na pumapasok sa bahay.


Habang papalapit ng papalapit kami sa nasabing kwarto ay papalakas ng papalakas ang naririnig naming pag-iyak. Dahan-dahang binuksan ni Brij ang pinto at saka sumilip sa maliit na siwang nito.



"Pasok na tayo, Alex. Bilis. Natatakot na ako dito." Angal ni Zed na halos gusto ng punitin ang damit ko.


"Huwag ka ngang duwag, Zed." Naiinis na talaga ako dito e. "Gusto mo ipapain kita sa matandang babaeng multo dun?" Biglang nanlaki ang mata nito at dali-daling pumasok sa kwarto. At dahil sa nasagi niya ang paa ni Brij ay nadapa ito.


"Pfft. Ayan kase, gustong-gusto na mauna e." Pigil ang naging tawa ko ng makita siyang gustong maiyak.


"Ang sakit ng kamay ko. Huhuhu. Nabali ata." Umiiyak na sabi nito.


"A-Alex?" Mula sa pinto, may narinig akong tumawag sa pangalan ko na nanggagaling sa gilid ng kama. Nang itinapat ko ang flashlight na hawak ko ay may nakita akong tao na nakaupo at umiiyak. Kilala ko kung sino ito!



"S-Sab!" Pasigaw kong banggit sa kanyang pangalan. Nilapitan ko siya at agad na niyakap. Nanginginig ito at nanlalamig ang mga kamay. Nang malaman nga din nila Zed at Brij na si Sab nga ito ay patakbo silang lumapit dito.


"Okay ka lang ba? Anong nangyari sayo? Nasaktan ka ba?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Tango lang ang tanging naisagot nito. Niyakap ko siya ulit bg mahigpit. Sumali na rin sa pagyakap ang dalawa. Panatag na kami na kasama na ulit kaming magkakaibigan. Nagpapasalamat kami sa Diyos na ligtas si Sab.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 31, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HAUNTEDWhere stories live. Discover now