Chapter 3: Missing

37 6 4
                                    

Zed's POV

Annyeong lupa, tubig! Andito na ang korean hearth throb niyo. Introducing, Lee Min Ho. De. Loko lang. Wews. Eto na talaga. Ehem ehem. I am Zed Ian Llamada, ang hearth throb sa grupo. Kagwapuhan ko pa lang, nakakalaglag na ng panty este panga, paano pa kaya kapag pinakita ko na abs ko, hubad ka na? Hahaha. Loko lang.

Magsimula tayo sa panahon ng mga Kastila. Biro lang ulit. Eto na talaga. Magsimula tayo kung saan nagsimula ang lahat. Dun naman talaga nagsisimula ang lahat diba? Sa Simula? Sabi ko nga.

Ilang araw ko ding pinagplanuhan itong Ghost hunting namin. Yes, you heared it right not left. Ghost hunting. Sa una, ang plano ay dapat hiking lang. Pero dahil mahilig ako sa adventure, nilagyan ko ito ng twist. Ang twist, eto na nga. Nagsaliksik ako (tagalog ng research)  ng mga makalumang bahay o mansion na may mga nababalitaang kababalaghan, misteryo at katatakutan.

Pagkatapos ng ilang araw ay may naka-agaw pansin sa aking isang bahay. Isang dating hacienda sa San Ildefonso, Bulacan. Ito ay ang Bahay na Pula. Tinawag itong Bahay na Pula nang dahil na rin sa panglabas na kulay nito. Pagmamay-ari ito ng pamilya ng mga Ilusurio. Pagkatapos nga ng ito ay nagpadala ako ng mensahe sa aking mga kaibigan. Sinabihan ko silang magdala ng kanya-kanyang damit, pagkain at iba't ibang mahalagang bagay para sa hiking. Hindi na ako nag-abala pang sabihin ang tungkol sa bahay dahil alam kong ang ke-kj ng mga kaibigan ko. Alam ko naman kasing kapag nalaman nila 'yun ay hindi na kami matutuloy.

Kinabukasan, Sabado ng madaling araw ay napagpasiyahan na naming magkita-kita at sabay na magcommute papuntang Bulacan. Hindi na kami nag-abalang magdala ng sasakyan dahil magiging hassle lang ito sa paglalakbay namin. Ilang oras din ang nagdaan bago namin narating ang daan patungo sa Bahay na Pula. Napagtanungan din namin ang mga tao roon para sa direksiyon. Ilang oras din ang ginawa naming paglalakad sa sementadong daan hanggang sa puro lupa at damo na lang ang aming nakikita. Pakaunti ng kaunti ang dinadaanan naming mga bahay senyales na napapalayo na kami sa lungsod. Hindi rin nakatiis ang aking mga kaibigan sa pagrereklamo ngunit tinawanan ko lang sila.

Pagkatapos pa ng ilang minutong paglalakad ay natatanaw ko na ang bahay. Kasabay ng aming paglalakad papalapit sa bahay ay ang papalubog na araw na nagpabago sa tanaw namin sa bahay. Ibang-iba ito sa nakita ko sa mga litrato kumpara sa personal. Mas nakakatakot at nakakapanindig balahibo lalo na at tanaw mo ang panlabas na kulay nito. Kulay dugo.

Hindi maitatangging natakot din ang aking mga kasama dahil narinig ko pa ang pagdadalawang-isip na pumasok ng mga ito. Sa huli ay wala rin itong nagawa kundi ang pumasok dahil na rin sa lumubog na ang araw at madilim na sa labas.

--

"Shit." Sabay-sabay kaming napamura udlot ng narinig naming malakas na kalabog sa itaas.

"Wait. Don't move. Ako na ang titingin sa itaas." Matapang na nagboluntaryo ang binata upang silipin ang nangyari sa itaas. Tumayo si Brij mula sa kanyang kinauupuan at humakbang tungo sa hagdan papunta sa ikalawang palapag ng bahay.

"Teka. Sasama ako, Brij." Nilingon ni Brij si Alex at tumango dito. Sumunod naman ito kay Brij.

"Wait! Iiwan niyo kami dito? Sasama na lang kami. Pleaseeee?" Pagmamakaawa ni Sab kina Brij.

"Andito naman ako e. Matapang kaya ito." Sabi ko habang sinuntok ang dibdib ko. Inikutin lang ako ng mata ni Sab. Tsk. Tignan mo 'tong babaeng ito. Tinatapangan ko na nga sarili ko e kahit sa loob-loob ko ay natatakot na rin ako. Hindi ako bakla pero hindi ko maitatangging natatakot ako lalo na at hindi ordinaryong bahay itong pinuntahan namin.

"Ikaw kase may kasalanan nito e. May pa-hiking ka pang nalalaman e ghost hunting naman pala ito. Kagigil ka e." Halata namang inis si Sab sakin e. Napa-pout na lang ako.

"Mukhang bibe." Dagdag pa nito.

"Sorry na kasi. Hindi ko naman alam na ganito kalala itong bahay na 'to e." Paghingi ko ng tawad sa kanila.

"Wala na naman tayong magagawa e. Andito na tayo. Let's pray that this wouldn't be at it's worst. At tsaka mas mainam na maging alerto tayo. Huwag na rin muna tayong mag-solo. Kapag may gagawin ang isa dapat may kasama. Tara na sa taas." Nagpagpasiyahan na lang namin na limitahin ang mga sarili namin upang hindi kami mapahamak.

Nauna nang umakyat sa taas si Brij. Sumunod sina Alex at Sab at ako ang huli.

Dahan-dahang binuksan ni Brij ang pinto ng kwarto saka sinilip ang maliit na siwang sa loob nito. Nakita naming napaatras ng bahagya si Brij dahil na rin siguro sa gulat?

"B-Brij? Okay ka lang? Anong m-meron sa loob?" Nanginginig na tanong ni Sab habang kagat-kagat ang kuko nito.

"N-Nothing. Hangin lang. Tara na sa baba. Bilis." Nauutal na sagot ni Brij habang nakatungo. Hindi naman ganito itong lalaking ito ah? Ang weird ng inaakto nito at nagmamadaling pumunta sa baba.

"Hindi ba tayo papasok sa loob?" Akmang bubuksan na ni Alex ang pinto ngunit mabilis ang ginawang pagpigil ni Brij dito.

"Wag! I mean, huwag. Dun na muna tayo sa baba." Sigaw nito kay Alex. Bahagyang nagulat naman ang babae kung kaya't di na ito natuloy sa pagpunta nito sa loob.

"Guys." Nabaling ang atensiyon namin kay Sab sa dulo ng hallway. Hindi ito makagalaw ng mabuti at waring napako ito sa kinatatayuan. Sinundan namin kung saan ito nakatingin ngunit wala kaming makita.

"Sab, anong n----" Naputol ang pagtatanong ni Alex kay Sab nang biglang namatay ang mga ilaw kasabay ng malakas na ihip ng hangin at ang nakapangingilabot at nakakatakot na sigaw ni Sab.

"AAAAAAAAHHHHHHHHH!"

"Fuck!"
"Shit."
"Sab!"

Kanya-kanya kaming mura habang pilit na hinahanap si Sab sa gitna ng kadiliman. At ngayon mas nakadagdag pa ang nakakakilabot na nararamdaman namin dahil sa tunog na nagmumula sa isang lumang orasan. Para itong musika ng kamatayan. Nakakatindig balahibo. Gusto man namin na lumabas, ngunit hindi pwedeng maiwan si Sab dito. Nanganganib ang buhay ng kaibigan namin at dapat namin siyang tulungan.

"Pasensiya na, guys. Kasalanan ko ito." Hindi ko mapigilan ang sarili kong isisi ang lahat ng ito sa akin. "Nilagay ko sa pahamak ang buhay natin at ngayon nawawala si Sab. Pasensiya na." Oo nga at lalake ako, pero di ko maitatangging hindi ako umiiyak. Oo. Umiyak ako sa harap ng kaibigan ko.

"Pasensiya na, guys. Sorry." Nilapitan ako ni Alex at saka kinausap.

"Alam kong may kasalanan ka sa mga nangyayari ngayon, Zed. Pero hindi ito ang panahon para magsisihan. Patatagin mo ang sarili mo dahil baka hindi lang ito ang aabutin natin. Natatakot din ako. Sobra. Pero para kay Sab, maging matapang tayo." Kahit kailan talaga bilib ako sa tibay ng loob ni Alex. Hindi niya kayang mang-iwan ng kaibigan.

"Let's go now. Sabay-sabay nating hanapin si Sab. Hindi tayo pwedeng maghiwa-hiwalay. Kunin niyo ang mga gamit niyo at ang flashlight. Hindi tao ang mga kalaban natin dito. Kaya please, stay safe." Pagkatapos ng pagligpit namin ng gamit ay saka kami nagdasal para sa konting gabay.

"Tara na. Hanapin na natin si Sab." At nag-umpisa na kaming naglakad sa dilim hawak-hawak ang kanya-kanya naming munting ilaw na nanggagaling sa aming mga cellphone at flashlight.

HAUNTEDWhere stories live. Discover now