Capítulo Dos

2 0 0
                                    

"Hindi ko akalain na masasabi iyan ng dalagang may dugong de Castro."

Nagtaka naman ako. De Castro? Sino ba ang tinutukoy niya? Ako ba? May dugong de Castro? Helena Villareal ang totoong pangalan ko.

"Wag mo nang isipin iyon. Ika'y bumalik na sa loob at maari ka nang magsaya... Ngunit bukas nasa ibang panahon ka na." Ang mga matatanda talaga mahilig bumulong.

Nginitian ko siya bago ako pumasok muli sa bar.

"Ang tagal mo grabe!" Sigaw ni Stefie.

"Ano bang pake mo?!" Tanong ko.

"Hindi dapat ako pinaghihintay. Mas maganda pa naman ako kaysa sayo." Sabi nito.

Nakapagsalita! Di naman hamak na mas maganda ako! Inilapag ko ang apat na bucket ng beer sa lamesa at agad naman silang kumuha. Hindi parin mawala wala ang tingin ko kay Stefie. Sarap sabunutan. Hindi manlang niya naisip na may pinagsamahan rin kami.

Apat na oras din kami sa bar at 1:00 AM na kaya napag-pasyahan naming pumunta na sa kanya kanya naming kwarto. Habang papunta ako sa kwarto ko nakita ko na naman si lola na nakatingin sa akin. Bakit ba ang creepy niya? Ugh.

"Tumingin ka *hik* sa dinadaanan mo baka sabunutan kiya diyan." Sabi ni Stefie sa akin dahil nabunggo ko siya.

Hindi ko nalang siya pinansin at pumunta sa kwarto ko. Sakto namang tumatawag si daddy.

"Hello?"

"How is Andy's birthday?" Tanong niya.

"Siyempre masaya." Sagot ko.

"Gusto kang kausapin ng mga kapatid mo." Sabi ni dad.

"Hi ate!" Napangiti naman ako dahil sabay na bumati sina Hans at Gino.

"Hello!" Bati ko pabalik.

"Kailan ka uuwi, ate? Hans keeps on teasing me and making me cry. He won't let me watch movies." Pagsusumbong ni Gino sakin.

"Hans bakit mo naman ginagawa sa kambal mo yan?" Tanong ko.

"I will let him watch if he'll learn something from the movie but he won't learn anything from the horror film! Cutting your wrist, killing people, seriously?" Sabi ni Hans.

Well may point siya doon.

"May point ka pero hayaan mo nalang siya. Alam mo namang siya ang pinakabata sa ating tatlo." Sabi ko.

"Ugh! Fine! Wag ako ang sisihin niyo kapag tularan niya ang pinapanood niya." Sabi ni Hans.

"Good boys." Sabi ko.

"Okay, ate! We'll go to sleep na! We're going to Enchanted Kingdom tomorrow. Goodnight!" Paalam ng kambal.

"Goodnight, sweeties." Paalam ko.

Pinatay ko na ang tawag. Dahil pagod ako at medyo nahihilo, hinayaan ko nang lamunin ako ng dilim.

Natatanaw ko mula sa malayo ang babaeng may maitim na belo. Nasa isang simbahan ako ngayon at nagdadasal ang babaeng iyon.

Lumapit ako hanggang sa tabi niya.

"Sa wakas nandito ka na. Handa ka na bang tuklasan ang iyong pinagmulan? Handa ka na ba sa mga paparating na delubyo?" Tanong nito.

Napailing lang ako dahil wala akong kaide-ideya kung ano ang mga pinagsasabi niya.

"Kung gayon, dapat maging handa ka na dahil sa pagpunta mo sa panahong iyon, may mga bagay kang uungkatin na hindi dapat inuungkat. May mga bagay na gagawin mo na hindi dapat ginagawa."

"Binibining Elena! Diyos ko! Gumising ka!" Napamulat naman ako dahil sa matinding pagyuyugyog sa akin.

May tatlong babae ngayon sa harapan ko. Sina Leah, Jaena at Andrea. Nakabihis sila ng pang-kasambahay pero luma ito. Parang ginagamit pa noong panahon ng mga ninuno namin.

"Leah? Jaena? Andrea? Nasaan tayo?" Tanong ko.

"Binibini, sinong Leah, Jaena at Andrea?" Nagtatakang tanong nila.

"Kayo!" Sabi ko.

Napailing naman sila.

"Binibini, ako po si Leanor, at ang babaeng nasa tabi ko ay si Julieta at ang nasa tabi niya ay si Alisya." Sabi niya kaya nagulat ako.

"What?! ARE YOU FUCKING JOKING?!' Sigaw ko.

"Binibini, huminahon ka. Ano po ba ang mga sinasabi mo? Anong lenggwahe?" Tanong sakin ni Jaena na ipinakilalang si Julieta.

"Nananaginip ba ako? NASAAN AKO?! BAKIT GANYAN ANG MGA SUOT NIYO? Anong taon ba ngayon?" Sunod sunod na tanong ko.

Nakakapagtaka dahil pati itsura ng kapaligiran iba narin. May mga karwahe at kutserong nasa paligid. May mga naglalakad na naka-baro't saya. Walang mga matatas na building! Malinis ang kapaligiran at hindi amoy usok. Anong nangyari?!

"Binibini, 1883 ang taon ngayon." Sabi ni Alisya.

Para akong nababaliw ngayon. Hindi ko alam kung ano ang nangyari at bigla nalang akong napadpad sa panahong ito.

"Binibini, nandiyan na po sina Ginoong Andres at Binibining Delia." Sabi ni Liza.

Napatingin ako sa dalawang taong nakangiti ngayon habang papunta sa akin.

"Buen día mi amigo!" (Good day my friend) Sabi ng ginoo.

Napakunot noo naman ako. Hindi ko naiintindihan ang wika nika na sa tingin ko ay wikang espanyol.

"Binibining Elena! Nagagalak akong makita ka muli!" Masayang sabi ng binibini.

Isa lang ang alam ko ngayon. NASA PANAHON AKO NG AKING MGA NINUNO.

"Kanina ka pa nakatulala, binibini. May problema ba?" Tanong ng ginoo sa akin.

"Ipagpaumanhin niyo na po ang binibini. Tiyak na wala pa siya sa kanyang sarili dahil nawalan siya ng ulirat kanina." Magalang na sabi ni Julieta sa ginoo at binibini.

"Maaari ko bang makausap si Binibining Elena?" Napalingon kami dahil may nagsalita.

Mi Amor Del PasadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon