Chapter 5 - Introducing Me

78 8 14
                                    

"Isang order pa po ng takuyaki then paki-refill po ng ice tea ko. Salamat po."

*Chapter 5 - Introducing Me :)

"Saan mo ba nilalagay yang kinakain mo? Panglima na yan oh!"

"Paki mo? Ako naman magbabayad nito. At gusto ko pa. Baka nga maubos ko lahat ng takuyaki nila dito. Hangshalap shalap kashi." sabi ko habang nakangisi sa kanya. Alam nyo naman siguro kung sino 'yung kausap ko?

"Hahaha. Ang takaw mo ha. Kanina kwek kwek at fishball, tapos pizza, then nag-burger ka pa, ngayon takuyaki naman? Grabe, naaawa ako sa nanay mo. Ubos siguro lahat ng pagkain niyo 'pag pinabayaan ka niya sa kusina noh?" tatawa-tawa niyang sabi habang tinutuhog yung takuyaki sa maliit na tinidor at sinubo. Grabe, ang sarap niya tignan. Bagay siyang model ng takuyaki. Nakakaakit siyang tignan.

"Hmmp, di naman. Grabe ka. Di kasi ako nakakain ng maayos ngayong araw na 'to. Technically, ito pa lang yung matino kong pagkain since a pack of Hershey's Treats I ate kaninang umaga nang dumaan ako sa Mercury drug."

"What? Bakit di mo sinabi? Aish." Biglang nagshift ang mood niya. Parang annoyed siya na frustrated.

"Ok lang. Busog na naman ako. Ang dami ko na kayang nakain. Tingnan mo oh!" Tinapik ko pa yung busog kong tiyan na siyang kinatuwa niya at pinagtawanan ako. Tch. Bipolar.

After naming kumain, naglakad-lakad kami at napadpad kami sa seaside ng park. Kumpara sa sentro ng park, mas konti lang ang mga tao dito. May mga taong nagkekwentuhan, mga batang nagtatakbuhan at mga magkasintahang naglalambingan at may isang banda na nagpapatugtog ng mahinang musika na naaayon sa ganda ng gabi. 

"Ang ganda ng view!" sabi ko sa kanya. Nakatingin ako sa kalmadong dagat na hinahalikan ng magandang sinag ng buwan. Dahil di naman ganoon ka liwanag sa parteng ito ng park, the stars are visible and they are twinkling! Kinuha ko ang phone ko at kinunan ng picture ang magandang tanawin.

Bumaling ako sa kanya, only to find his phone focused on me, (or not?) and his eyes on mine. "Yeah, ang ganda." Napahawak ako sa dibdib ko. May mga sumasabog na paputok! Super Lolo yata! Stupid teenage hormones. Damn! Behave, will you?!


"May wifi kaya dito? Makapag-instagram nga." Tumalikod ako sa kanya at naupo sa seawall, facing the calm sea.

"You know what, it's amusing na 'di tayo nagbabangayan ngayon. I mean, not that I want to, pero nakakapanibago lang. It seems... awkward." Umupo siya sa tabi ko. At tama siya.

"Eh ikaw kasi! Daig mo pa ang babae kung magtaray!" 

"Kasalanan ko ba kung bakit ang slow mo?" At heto na naman kami.

"Tse! Bipolar!"

Summer RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon