JILL P.O.V.
Gosh! Ang awkward naman nito. Ito yung unang beses akong mapatawag sa guidance office dahil sa kasong PDA! Gosh! hindi ko akalain na sa apat na taon kong nag aral sa eskwelahan na ito ay ngayon lang ako pumunta dito ng dahil sa pesteng PDA! Seriously?! Public display of affection?! I am not aware na PDA na yung ginawa namin.
Pero wag lang sana ipatawag yung mga magulang namin naku! Lagot ako nito kila Lolo at Lola pag nag kataon. Baka grounded pa ang mangyari kapag ganon. Kaya heto kami ngayon, nasa harap ng guidance councilor namin at masamang nakatitig sa amin. Habang nasa harap ko naman si Steve na akala mo wala lang na napa tawag kami sa guidance.
Hindi ko nga alam kung paano niya nagagawang hindi mag panic sa sitwasyon namin ngayon, eh ako nga halos lumabas na ang puso ko sa sobrang kaba. Letsugas naman kasi eh.
"Ehem" agaw attention sa amin ng guidance coucellor naming, susme eto pa naman yung tipong hindi mabiro, lahat dina-dala sa pagiging psychology.
"So explain what is the commotion there earlier in the hallway huh?" Mataray na tanong sa amin ng GC (guidance councilor)
After ng ilang paliwanagan sa guidance councilor ayun, pinalabas din kami ng office niya, at i-nexplain naming na nag haharuatan at hind PDA yung nangyari kanina, susme! Ang lawak naman ng pag iisip ng guidance councilor naming para pag isipan kami ng ganon, ka stress.
Ni hindi na nga kami nakapag palit ng damit ni Steve dahil sa klase naming, mamaya na lang sigurong lunch time, tsaka ako mag papalit. Mag e-explain na lang ako sa mga teachers naming pag nag tanong.
Papasok palang kami ay naririnig na naming ang ingay ng mga kaklase naming, siguro ay wala pa kaming teacher.
"Hoy, 'bat ang tahimik mo diyan" sabi ni Steve na nasa tabi ko at siniko pa ako ng loko.
"Hindi hoy ang pangalan ko, at hindi mo kailangang sikuhin ako" sabi ko dito at umirap sa kaniya. Bad trip ako ngayon.
"Uy galit ka ba sa akin?" tanong nito sa akin at hindi ko siya pinansin, hangang sa inunahan niya akong buksan yung pinto ng classroom sa likod.
"Uy Jill sorry na, hindi na mauulit" sabi nito sa akin pero nilagpasan ko lang siya.
Napa-atras na lang ako ng bigla siyang humarang at lumuhod sa harap ko, susme! Ano nanaman 'tong trip niya sa buhay?!
"Sorry na kasi Jill, hindi na mauulit sorry na patawarin mo na ako" sabi nito, hindi ko siya sinagot at nilagpasan na lang at natigilan ako ng bigla siyang yumakap sa hita ko. Anak ka ng nanay mo!
"Asdfghjkl!" nasabi ko maski ako hindi ko naintidihan yung sinabi ko dahil mutikan na kaming nag face-to-face ng sahig.
"Sorry na kasi" sabi niya sa akin kaya napaharap na ako sa kaniya at pilit na tinatanggal ang kamay niyang naka-kapit sa hita ko.
"Oo na, tumigil ka na dyan sa ka dramahan mo diyan" sabi ko dito, para matigil na siya. Hangang sa makarating ako sa upuan ko at may nakita kong may naka sulat na 'hello bitch' gamit ang red lipstick, napa buntong hininga na lang ako. Nag sayang lang sila ng lipstick, sabagay marami naman siya 'non bakit pa siya manghihinayang?
"I guess she's back" sabi ko ng mahina. At tsaka kumuha ng tissue sa bag ko.
"Sinong bumalik?" Medyo napapitlag naman ako ng nag salita si Steve.
"Teka sino nag sulat nito?" Takang tanong nito sa akin habang naka tingin sa pinupunasan kong desk.
"Ewan ko" plain kong sagot sa kaniya kahit alam ko kung sino. Mga wala talagang magawa sa buhay.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil Sa Libro [ongoing]
Teen FictionLIBRO..lagi nating ginagamit yan lalo na sa mga estudyante ginagamit natin para matuto tayo minsan ginagawang pampalipas oras lang ng dahil sa libro nag tagpo ang dalawang puso si Marla na masasabi mong book worm ay nahanap niya ang kanyang first l...