JOSH P.O.V.
Napa buntong hininga na lang ako sa sinabi ng babae kanina. I know na hindi ganong tao si Jill. Kahit sa maikling panahon ko lang siya nakilala ay alam ko hindi siya ganon.
Kung pag babasehan sa panlabas na anyo, ito pa ang mukhang ganon. Buong mag hapon walang imik si Jill. Kahit kinukulit ko siya ay hindi pa rin niya ako pinapansin. Ni hindi nga siya pumunta sa pre-elementary building, para makita ang mga bata. Ni hindi nga siya nag lunch, kahit dinalhan ko na hindi pa rin niya kinain.
"Oy, anong nangyari sa inyo ni Marla? May LQ ba kayo ngayon?" Tanong nito sa akin, pero napa-iling na lang ako sa tanong niya.
"Eh, kung ganon, anong nangyari sa kaniya" tanong pa niya sa akin. Napa buntong hininga naman ako bago sumagot sa kaniya."May nakasalubong kasi kami kanina sa CR nong nag palit kami, sinabihan siyang maladi at mag ingat daw ako sa sakaniya, meron pa ngang nag sulat sa desk niya gamit ang red lipstick kanina" pag kwe-kwento ko pa dito.
"Sino naman ang naka salubong ninyo? At tsaka ano yung sinulat sa desk?" Tanong pa niya sa akin, at inalala ko naman kung ano yung naka sulat sa desk niya.
"Hello bitch ata yung naka sulat, yung babae naman hindi ko na ulit nakita eh, pero first time ko lang siya nakita kanina eh" sabi ko pa. Agad naman namula ang mukha ni Sophie sa sinabi ko.
"Ay walang hiya yang kung sino ang nag sulat ng ganon sa desk niya, wala silang karapatan sa sabihan siya ng ganon, hindi nila kilala si Marla!" Gigil na sabi ni Sophie. Mag sasalita na sana siya ng dumating na ang teacher namin.
Napatingin naman ako kay Jill, na naka yuko lang sa desk niya, sumula ng umalis yung teacher namin kanina. Napa buntong hininga na lang ako. Palihim ko namang hinawakan ang kamay niyang naka laylay sa gilid niya, at marahang pinisil. Napa lingon naman siya sa akin. Ngumiti lang ako sa kaniya, at ganon din siya, pero iba ang ngiti niya ngayon. Yung sa kaniya halatang pilit lang. Nilalaro ko naman ang kamay niya habang hawak ko pa rin.
"Ay ano ba yan, basa yung kamay mo" pang aasar ko dito. Kaagad naman niyang tinanggal ang pag kakahawak ko sa kamay niya.
"Che! Wag kang hahawak sa kamay ko ah" sabi pa niya sa akin. At tumutok na lang sa harap. Napa ngiti naman ako sa sinabi. At inabot ko ulit yung kamay niya para hawakan ko ulit, pero pilit niyang binabawi.
"Tsk! Wag kang magulo" sabi ko sa kaniya, sinamaan naman niya ako bg tingin, at mahigpit kong hinawakan ang kamay niya. Dinantay ko naman ang mga kamay namin sa nay hita ko, para hindi siya mangawit.
Gustong hindi na alisin yung kamay ko na naka hawak sa kaniya. Feeling ko, her hand was made for me to hold it. I know this kind of feeling, that starting to grow up inside me. Hindi ko na nga naalala si Allie dahil andito lagi si Jill. She become my comfort zone my sanity. Nilalaro ko naman ulit ang kamay niya, habang pareho kaming naka tingin sa harap at nakikinig sa teacher namin na nah di-discuss sa harap, wala akong paki kung mag kanda basa-basa na ang kamay namin, ang sa akin lang ay ayaw ko nang pakawalan ang kamay niya.
Naramdaman ko namang ginagalaw, galaw niya yung thumb niya sa palad ko, napa tingin naman ako sa kaniya, at bahagya na siyang naka ngiti. That make me smile too. At maya-maya lang ay itinigil na niya, at mag kahawak na lang ang kamay namin. Hagang sa tanong ang teacher namin.
"Who want's to answer this question?" Tanong naman ng teacher namin, nang nag taas ng kamay si Jill. At ang kamay na pinang taas niya, ay 'yong kamay naming mag kahawak.
"Yiiieeee!" Sabay-sabay na sabi ng mga kakalase namin. Nakita ko namang napa ngiti yung teacher namin. Napa lingon naman ako kay Jill ng ibaba niya yung kamay namin, pero tinaas ko pa. At nakitang pulang-pula na yung mukha niya.
"Oh, sinong sasagot sa inyong dalawa? Ikaw ba Mr. Evangelista o si Ms. Diaz?" Tanong ng teacher namin."Si Ms. Diaz Ma'am" sagot ko naman dito.
"Okay, answer the question, Ms. Diaz" tumayo naman si Jill, at sinagot ang question, habang pilit na tinatanggal yung kamay namin. Natatawa lang ako dahil hangang ngayon ay pulang-pula parin anh mukha nito.Hangang sa natapos na ang klase namin, ay tinutukso pa rin kami ng mga kaklase namin. Nag aayos na kami ng gamit namin, kaya kailangan namin mag bitiw ng kamay, nang nag salita yung isa naming kaklase.
"Ay, hindi na sila mag ka holding hands" panunukso nito. Kaagad namang yumuko si Jill dahil doon, at lumapit naman si Sophie sa amin, na may nakakalokong ngiting naka paskil sa labi.
"Kayo ah, kayo na pala pero hindi niyo sinasabi sa amin, ayan tuloy na huli kayo" sabi pa niya, mag sasalita na sana ako ng naunahan ako si Jill.
"Tumigil na nga kayo sa kaka-asar, hindi na nakakatuwa" seryosong sabi nito. Napa tawa naman ng kaunti si Sophie.
"Ikaw talaga bes, hindi mabiro, o siya una na ako, nag aantay na ang love of my life ko sa labas" sabi pa nito sa amin at nag paalam na.Naka ngiti naman akong humarap kay Jill, at kaagad kong hinawakan ang kanang kamay niya, para sabay na kaming umalis.
Jill P.O.V.
Ayoko nang pumasok! Grabeng kahihiyan ang nangyari sa akin ngayong araw. Sa sobrang pag kahiya gusto ko nang maiyak. 'Bat ko ba kasi nakalimutang magkahawak pala kami ng kamay Josh?! Nakakainis! Gusto kong sabunatan ang sarili ko.
Inaasar tuloy kami ng buong klase. Grrr... mas lalong nasira ang araw ko dahil doon. Hangang sa mag uwian ay tinutukso parin kami ng mga kaklase namin, at naki sabay pa doon si Sophie. Hindi ko alam kung tunay ko bang kaibigan ang isang 'yon o hindi eh.
At eto naman kami ni Josh, mag kahawak kamay nanaman tsk! 'Bat ba gusto niyang hawakan ang kamay ko ngayong araw?! Anong meron sa kamay ko seriously?
"Tamad ka siguro" sabi niya sa akin, habang nag lalakad kami sa hallway, unti na lang ang mga estudyante dahil mga atat na umuwi.
"At paano mo naman na sabi huh?" Sabi ko pa dito.
"Ang lambot kasi ng kamay mo eh, wala ka sigurong ginagawa sa bahay niyo no?" Sabi pa nito sa akin.
"For your information, may ginagawa naman po ako no, makapag husga ah, baka ikaw ang tamad no" sabi ko pa dito.
"Ouch! Makapag husga ka rin naman ah" sabi niya sa akin. At bag tatampo pa ata ang loko dahil sumimangot ito.
"Naku, Josh hindi mo ako madadala sa ganiyan mo, tumigil ka nga diyan, hindi bagay sayo" sabi ko pa dito.
"Eto naman, masyado, tinitignan ko lang kung effective o hindi eh" sabi pa niya sa akin."Pwes hindi effe--" naputol ang sasabihin ko ng biglang sunod-sunod na bumisina sa likod ko. At laking gulat ko isang kotseng paparating sa kinaroroonan ko ito papunta. Hindi ako maka kilos, pakiramdam ko ay na super glue yung paa ko sa kalsada. Napa pikit na lang ako at narandaman kong may humila sa akin, dahilan para mapasubsub ako sa sakaniya.
"Wag kang harang-harang sa daan bitch!" Sabi pa nito sa akin.Hindi ko alam, kung bakit bigla na lang akong naiyak. Siguro dahil sa takot na muntik na akong ma sagasaan o yung sa pag salitaan niya ako ng hindi maganda. Napapikit na lang ako ng wala sa oras.
"Okay? Ka lang? May masakir ba sayo? Na hagip ka ba? Sabihin mo lang, uy Jill, mag salita ka naman, ano bang nangyari sayo?" Natatarantang sabi niya habang tarantanv sinusuri kung may sugat ako sa katawan.
"Shh...shh..., tahan na, I will make sure that you'll be safe, I'll protect you from them" sabi niya sa akin, napa tango-tango naman ako sa kaniya.
Napa yakap naman ako sa kaniya ng mahigpit dahil sa sinabi niya at naramdaman ko namang gumanti siya ng yakap sa akin. Maya-maya lang ay lumuyo siya sa akin, at pinunasan ang mga luha ko gamit ang likod ng palad niya.
"Wag ka nang umiyak, papangit ka niyan sige ka" sabi pa niya habang nasa mukha ko pa rin yung palad niya.
Na palo ko naman siya sa balikat niya, at natawa ng ka-unti. Dahil ginawa niya akong bata na madaling mapaniwala.
"Loko, hindi ako maganda" sabi ko sa kaniya. At nag pout naman siya sa akin.
"Sinong nag sabi na hindi ka maganda? Bubugbugin ko" sabi pa niya at lumingon-lingon aa paligid."Loko, tumigil ka nga diyan mukha kang engot" sabi ko sa kaniya.
"Ouch, mukha pala akong engot sa paningin mo" sabi niya at lumungkot ang mukha.
"Tss..tumigil ka nga, tara na nga" sabi ko sa kaniya. At pinag buksan naman niya ako ng pinto ng kotse niya.-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-
Naadict na sa COC =_____=!
BINABASA MO ANG
Nang Dahil Sa Libro [ongoing]
Roman pour AdolescentsLIBRO..lagi nating ginagamit yan lalo na sa mga estudyante ginagamit natin para matuto tayo minsan ginagawang pampalipas oras lang ng dahil sa libro nag tagpo ang dalawang puso si Marla na masasabi mong book worm ay nahanap niya ang kanyang first l...