1

2.8K 113 32
                                    

"Congratulations Ms.Wright napaka-success ng Romance Novel na sinulat mo out of stock na sa mga bookstores..."nakangiting wika sa kanya ng kanyang editor na si Mrs.Lopez.

"Thank you po ma'am...at may another story na po ulit akong isusulat kaya i need to go the quiet place para ma-feel ko ng husto ang new story na sinusulat ko..."wika niya habang inililigipit niya ang kanyang mga gamit.

Matagupay ang last novel na sinulat niyq kaya naman humingi siya ng isang buwang bakasyon sa publishing house na pinagtatrabahuhan niya.At habang nasa bakasyon isusulat na niy ang bagong story na naglalaro sa kanyang isipan.

At kating-kati na ang kanyang mga daliri na magtipa sa keyboard ng kanyang laptop para simulan ng naturang story.

"Ganun ba,gusto mo ba talaga ng tahimik na lugar?may alam ako Farah at siguradong magugustuhan mo doon.."

"Talaga saan po yan Mrs.Lopez?"excited na tanong niya.

_____________

Sakay ng isang pampasaherong bangka nasa kalagitnaan siya ng karagatan upang tunguhin ang islang sinasabi ni Mrs.Lopez sa kanya.Isla sa pagitan ng mindoro at palawan.

Pinapayid ng hangin ang kanyang mahabang buhok. Habang ang mamang bangkero ay nakaupo sa likurang bahagi ng bangka.

Sabi ni Mrs.Lopez pili lang ang pinapapasok sa isla na pag mamay-ari ng isang kilalang pamilya at dahil sa kapatid ni mrs.Lopez ang caretaker ng isla napakiusapan nito ang kapatid na hayaan siyang Makapasok sa naturang isla.Sa pagkakatanda niya ay  Montillano ang apliyedo ng pamilyang nagmamay-ari ng isla.Na malaki daw ang naging bahagi ng islang ito sa buhay pag-ibig ng mag-asawang Montillano.

Nakardam siya ng excitement mukhang masma-iinspire siyang magsulat dahil pugad ng pag ibig ang islang ito.

"Malayo pa ba tayo manong?"tanong niya sa mamang bangkero na medyo may edad na,maitim ang balat nito na alam niyang bilad sa sikat ng araw.

"Malapit na po ma'am nakikita nyo po ba ang maliit na islang iyon?pagkalampas po natin diyan matatanaw nyo na ho ang isla...."magalang na sagot ng bangkero.

Isang malawak na ngiti ang itinugon niya dito.Lalo niyang naramdam ang excitement pero may bumundol na kaba sa kanyang dibdib.Na hindi niya mawari kung anong dahilan.

Tumingala siya sa langit tirik na tirik ang haring araw,kanina ng umalis siya sa inuupahan niyang apartment sa manila pinuntahan niya ang kanyang landlady at sinabi niyanh mawawala siya ng isang buwan.

Binayaran narin niya ang isang buwang upa niya para sa katapusan.Para pagbalik niya wala na siyang problema.Nagmula siya sa legazpi albay at nang matapos niya ang kanyang course na Literature and writing course nagtungo na siya manila para maghanap ng publishing house na pwede niyang aplyan.

Pangarap niya talaga ang maging isang sikat na manunulat at ngayon nga unti-unti na niyang naabot ang kanyang mga pangarap.Nasa kanilang probinsya ang kanyang mga magulang at nag-iisang kapatid na babae.Nagtatrabaho sa munisipyo ang kanyang papa at teacher naman sa public school ang kanyang mama.At Ate naman niya ay may sarili nang pamilya na sa ibang bansa na ngayon naninirahan.

Last na uwi niya sa kanilang probinsya ay noong nakaraang pasko at walang ibang bukang bibig ang kanyang mama at papa kung kilan siya mag aasawa.Sabi ng mga ito nasa hustong gulang na daw siya para lumagay sa tahimik.25 years old na siya kaya lang wala pa sa isip niya ang pag aasawa.Dahil hindi pa niya nakikita si Mr.Right.

At alam niya pag nakita na niya si Mr.Right writer siya ng mga romance novel kaya kung ano yung nararamdaman ng girl character niya pag nakita nito ang kapareha ganoon din yung mararamdaman.Kuryente,kabog ng dibdib at mga paro-parong nagliliparan sa sikmura.Kung lahat ng yan maramdaman niya pag nakita na niya ang guy nayon,tiyak ito na si Mr.Right.

Cold Heart[MONTILLANO SAGA B10]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon