First Kiss

113 6 0
                                    


Nagmamartsa akong naglakad palapit sa pinto ng kabilang silid  kung saan patuloy na nag-iingay ang lalakeng  sarili lamang yata ang iniisip.


 * Tok tok tok*

Ilang malalakas na katok ang kaniyang ginawa pero walang nagbubukas ng pinto habang patuloy ang maingay na ginagawa nito. Halos umusok na ang kaniyang ilong sa sobrang inis. Halos naka-sampung katok na yata siya pero hindi parin  ito binubuksan ang pinto.Galit na galit na siya at wala siyang pakialam kahit sobrang gwapo nito at may abs ito  ,basta wala na siyang pakialam. Hanggang sa sumakit na ang kaniyang daliri sa pagkatok pero hindi parin nito iyon binubuksan. Naiinis na tumalikod siya at sumandal sa dahon ng pinto, gusto na niyang magpapadyak sa inis sa lalake. Hangang sa biglang bumukas ang pinto na ikinagulat niya, at dahil nga nakasandal siya sa pintoo nawala ang kaniyang balanse at parang kahoy na natumba. Isang tili ang kumawala sa kanyang bibig at hinintay niyang bumagsak ang walang laban na kawatan sa sahig, pero hindi iyon nangyari dahil ngayon ay may matigas na bisig ang sumalo sa kaniyang balakang, nakalutang sa hangin ang kaniyang likod habang ang braso nito ay nakapulupot sa kaniyang bewang, bahagya itong nakayukod kaya naman namimilog ang mga mata niyang nakatingin sa mapangakit na mga mata ng nagmamay-ari ng maskuladong braso at ang seste pa'y magkalapit na makalapit ang kanilang mga mukha na halos isang dangkal na lamang ang agwat sa isat-sa, kita niya ang kakaibang emosyon na dumaan sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniyang mga mata. At dahil hindi niya matagalan ang titig nito, iniwas niya ang kaniyang tingin at dumako iton sa mapupula nitong mga labi. Gusto niyang mag sign of the cross dahil magkakasala siya sa kaniyang imahinasyon na ngayon ay nabubuo sa kaniyang isip, iyon ay ang matikman ang mga labing iyon.


" Erhm..." 

Isang tikhim ang kumawala sa lalamunan nito na nagpabalik sa katinuan ng kaniyang isip at dahil sa pagkataranta bigla siyang umaktong tatayo  na hindi manlamang iniiwas ang mukha sa mukha nito kaya ang seste tumama ang kaniyang labi sa labi nito, mas lalo pang namilog ang kaniyang mga mata ng ngayon ay magkaop na ang kanilang mga labi. Maging ito'y nagulat din sa nangyari dahil maging ang mga nito'y namimilog rin habang nakatingin sa kanya. Pakiramdam niya isang libong paro-paro ang nagliliparan sa kaniyang sikmura ng mga sandaling iyon, idagdag pa ang halos bulta-bultaheng nanulay sa bawat himaymay ng kaniyang balat at ang nakakabinging tikob ng kaniyang puso na gustong kumawa mula sa kaniyang dibdib. Halos may tatlongpong minuto rin sila sa ganung posisyon bago parang napapaso sa isa't isa na naglayo. Mabilis siyang  binitiwan nito at bahagyang lumayo.

" What do you want.?" maya-maya'y tanong nito na parang walang nangyari.

"Ah-e ano.." 

Hindi niya alam kung anong sasabihin aaminin niya nawala siya sa katinuan dahil sa halik na'yon. Wala siyang masabi, pakiramdam niya mababaliw siya, nagsalubong ang mga kilay nito. Habang hinihintay ang kaniyang sagot.

" Ano... ah sige mag-ingay ka lang, goodnight!" wala sa sariling sabi niya saka mabilis na ang lakad na bumalik siya patungo sa kaniyang silid. Nang maisara ang pinto ng kaniyang silid nanghihinang napasandal siya roon at namalayan nalang niyang nakadampi na pala sa kaniyang mga labi ang kaniyang palad. Nararamdaman parin niya ang labi nito sa kaniyang mga labi. 

" Oh my god, it's my first kiss!!!" wika niya na hindi maitago ang kilig. Namalayan niyang malawak na pala ang kaniyang ngiti hindi niya mapigilang hindi kiligin. Parang baliw na naglakad siya sa kaniyang kama na pakiramdam na lumulutang, malakas parin ang tibok ng kaniyang puso.

" Ehhhhh.." irit niya na dumaba sa kaniyang kama.Kilig na kilig siya kasi naman hello ang hunk ng nagnakaw ng kaniyang unang halik! Hangang nawala na sila sa delima ng storyang kaniyang sinusulat at lumawak na ang imahinsayon na sana ay mas malalim na halik pa ang namagitan sa kanila. 

"Tsk  Farah, baliw kana trabaho ang ipinunta mo dito hindi kalandian.." wika ng munting tinig sa kaniyang isipan.

Pero bakit may nabanaag siyang kalungkutan  at sakit na bumabalot sa maganda nitong mga mata. Parang may lihim doon na nais kumawala, namimisteryosohan siya sa lalake pakiramdam ba niya'y may mabigat itong pinag-dadaanan. Tumutok ang kaniyang mga mata sa kesama habang nakadampi parin sa kaniyang mga labi ang kaniyang palad. 

Gusto niyang malaman kung anong itinatago ng lalake kung anong lihim ang bumabalot dito. 



******

" Good morning Farah.." Bati ni Mang Berting sa kaniya.  Pumasok siya sa kusina dala ang kaniyang laptop. Hindi niya namalayan na nakatulugan na pala niya ang pag-iisip sa misteryosong lalake. At ito nga  gusto niyang kumuha ng mainit na kape upang dalhin sana sa dalampasigan, nais niyang doon ituloy ang kaniyang pagsusulat na naudlot ng nagdaang gabi.

" Good morning Mang Berting..."nakangiti niyang bati , kasalukuyang nakaupo ito sa harap ng isang hapag kaninan habang umuusok ang kape nito na nalalanghap niya ang mabangong aroma na nagmumula roon. Gusto sana niyang itanong dito ang tungkol sa Lalake sa kabilang kwarto pero nahalinhan siya ng hiya.

"Kumusta naman Hija and iyong unang gabi dito sa isla..?" tanong nito.

Sobrang nakakakilig Mang Berting at dito ko lang pala sa isla matitikman ang aking unang halik. Syempre hangang sa isip nya lang ito kayang  sabihin.

" Ahm, maayos naman po nakatulog ako ng ayos.." wika niya na itinago ang pamumula ng pisngi.

" Mabuti naman kung ganoon ay siya gusto mo ba ng kape ,halika t ipagtitimpla kita.." wika nito 
agad tumayo at kumuha ng tasa mabilis itong nag timpla ng kapeng para sa kanya, nagpasalamat naman siya dito ng iabot nito sa kanya ang tasa ng kape.

Maya-maya pa'y binabagtas na ng kaniyang hubad na mga paa ang puting buhangin dala ang tasa ng kame at kaniyang laptop, kumikislap ang dalampasigan dahil sa sinag ng haring araw. Inilinga niya ang paningin upang maghanap ng magandang pwesto para masimulan na niya ang kaniyang pag-susulat. Hanggang mamataan niya ang isang buli na duyan na nakatali sa halos patumba ng puno ng niyog. Gumuhit ang ngiti sa kaniyang mga labi.

Nice one!

Nang makalapit sa may Duyan nakita naman niya ang isang putol na katawan na bagay pagpatungan ng kaniyang kape. Umupo siya sa duyan at tinantya kung kakayanin ba siya niyon. At masiguro niyang kaya siya ng duyan at hindi mapuputol ang tali niyon, excited siyang sumakay, ipinatong niya ang laptop sa kaniyang kandungan at nagsimulang mag tipa. Nang maka-isang estansa ay dimapot naman niya ang tasa ng kape at sumimsim. Tumanaw siya sa dalampasigan at muntik na siyang masamid ng tumambad sa kanyang mga mata ang misteryosong lalake.

Nanaksuot ito ng puting long sleeves na hindi nakabones kaya naman napapayid ng hangin.

Gusto niyang isang lagukin lahat ang laman ng kape ng mapadapo ang  kaniyang mga mata sa  mala-greekgod nitong katawan. Nanglalakad ito habang may hawak na bote sa kanan nitong kamay. Kumunot ang kaniyang noo ng mapagmasdang mabuti kung anong hawak nito may kalayuan ang kaniyang pwesto kaya hindi niya masyaong maaninag ang hawak nito, well matalas lang ang kaniyang mga bata pagdating na maganda nitong katawan.

" Alak!bote ng tequila!" bulalas niya sa isip. Alak ng ganito kaaga? nagpapakamatay na ba ito?"

Patuloy itong naglakad habang panay ang tunga ng alak, hangang huminto ito at ibinato ang alak sa dagat. Nagulat naman siya sa ginawa nito." Ubos na ba..?'' mahina niyang tanong.

Hangang nakita niyang naglakad ito patungo sa dagat hangang umabot na sa dibdib nito ang tubig hindi parin ito tumitigil, palalim na ng palalim ang kinaroroonan nito, na kanyang ikinabahala.

Gosh magpapakamatay ba siya, delikado ang ginagawa niya, hindi siya si Aquaman!

Napatayo siya bigla ng unti-unti itong lamunin ng tubig na muntik pang ikapatak ng kaniyang laptop, ilang segundo ang lumipas at hindi ito umaahon, segundo na naging minuto. Hinalinhan ng takot ang kaniyang puso. Kaya naman walang pagdadalawang isip na inilagay niya sa duyan ang kaniyang laptop at nagtatakbo patungo sa dalampasigan,sasagipin niya ang lalake marahil nalulunod na ito at hindi niya hahayaang may mangyari ditong masama!








********

Well, hello guys long time no update!!sana napakilig ko kayo sa chapter na ito hahhhhaha excited na ba kayong malaman ang susunod na mangyayari???? don't forget to comment/follow and votes guys! and share narin to your friends itong mag story ko, super appreciated much!!!! love you all

Albenia<3

 




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cold Heart[MONTILLANO SAGA B10]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon