[Chapter Twelve] Such a Good Pretender

64 6 0
                                    

Chapter Twelve: Such a Good Pretender

Kristhana's POV

Another day, syempre may pinaplano ako ngayon. Alam kong nakakahalata ang lahat sa biglang pagbago ko. Pero hindi ito ang dahilan para bumalik ako sa dating ako, syempre magpapanggap lang ako. Sa ngayon nandito lang ako sa classroom namin. 

'You make me go insane

She gave me so much pain

I won't be back again~´

"Oi. May tumatawag sa'yo" Singit ni MishaLyn

"Hayaan mo na lang" Sinagot ko siya pero walang halong coldness

"Aba, himala nagsalita ka ulit" Tuwang - tuwa naman tong si MishaLyn

"Tsk" Biglang tumayo si MishaLyn saka sumigaw sa classroom

"MGA TOP 10 CLASSMATES, DAPAT TAYONG MAG - CELEBRATE ! NAGSASALITA NA ULIT SI TOP 1." Kailangang sumigaw ? Ganun na ba ako katahamik dito sa classroom namin

Nga pala, yung classroom namin for the Ten of us lang. Meron mga lockers sa likod nitong classroom namin. Whiteboard ang meron kami at may isang malaking slide window dito. Katabi ng room namin ay ang CR na sobrang linis at sa kabilang side naman ang Section 1. 

Nahiwalay kami kasi kami ang mga dakilang alaga ng mga teachers namin pagdating sa Competitions. Lalo naman ako kasi Top 1 ako. Hindi ito ang school na pinasukan ko last year, ibang school ito at pagmamay - ari nila Michael at nung Kambal itong school na toh. Humiwalay lang ako ng school sumama naman si Jicelyn sa akin pero sa Section 1 siya at ako sa Top 10 Students' Section. Magkaibang magkaiba Schedules namin. Si Kuya ? Dun parin sa school namin. Siya bida dun eh =_= di naman ako nakaramdam ng respeto sa mga estudyante dun. Tingin nila sa akin parating bagong transferee. 

'You make me go insane

She gave me so much pain

I won't be back again~´

Putek, tawag ng tawag naman toh.

"Hello ?" Syempre hindi coldly, kasama sa plano ko yun noh. 

(Oi Mary, umuwi ka kaagad, wag kang magpapagabi)

"Tsk. Hoy Mark, hanggang gabi klase namin at pupunta pa ako sa mall para sa immediate project namin"

(@#$% naman Mary)

"Aba, @#$% ka rin. Wag na wag mo kong minumura Mark"

(Ito naman naglalambing lang eh)

"Kuya talaga"

(Hehe. Kamusta buhay estudyante dyan ?)

"Syempre ganun parin"

(Edi mabuti, aba himala yata at nakakausap ka ng matino)

Ganun na pala ako naging tahimik sa pagdrarama ko ? 

(Aba, ano naman yang dinadrama mo ?)

"Hala. Narinig mo pala yun ? Wala, wag mo nang pansinin"

(Ikaw talaga, mood swings palagi. Wala ba kayong teacher ngayon ?)

"Wala, kaya nga maingay yung 9 kong kaklase eh" 

(Siyam lang kaklase mo pero sobrang ingay)

"Syempre di yun mawawala sa bokabularyo nila"

"TOP 1 ! CELEBRATE TAYO MAMAYA ! OVERNIGHT TAYO KILA NATHAN" Sigaw ni Rose, yung Top 5 na sobrang kulit

(Aba, sigurado akong tatanggi ka sa alok nila)

"Sino nagsabing tatanggi ako. Sige Kuya Mark mamaya na lang ulit"

The Unpredictable Flow of Life (The Unexpected Thing) [O N H O L D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon