Chapter 2

0 0 0
                                    

AIRPORT

Ella P.O.V

Nakuha ko na lahat ng gamit ko .Madaling araw ng umalis si Camille para pumunta sa bahay.Dahil paniguradong nasa office pa si Dad o nasa business trip nya.

"Ella.Naayos ko na ang lahat"Sabi nya habang sinasara ang maleta

tumango naman ako sa kanya at patuloy na sinusuklay ang buhok ko sa harap ng salamin.Ito ang unang pagkakataon na lalayo ako Kay Dad .Simula ng mamatay si Mommy ay nawalan na ng oras si Dad sa akin at patuloy lang na tinuon ang oras sa kanyang trabaho.Mas nalulungkot ako dahil feeling ko lumalayo ang loob nya sakin.

"Ella.Okay ka lang ba?"Bigla pagtatanong ni camille na ikinagulat ko

Naramdaman ko nalang ang luhang patuloy na pumapatak sa mga mata ko.

Isang pilit na ngiti ang ginanti ko sa kanya.Sabay pahid ng kamay ko sa pisngi ko

Binigyan nya lang ako ng isang alangan na ngiti

"Hays.Tara nga .Baka dito ka pa magdrama" Sabi ko sabay tawa

Naglakad na kami palabas ng Condo nya.
Mamimiss ko talaga ang manila

"Sa airport na kita ihahatid .Hindi na kita masasamahan sa Palawan.Baka magtaka pa si tito.Ito ang phone Mo.Tawagan mo ko kung nandun ka na.Si yaya josefina ang mag aabang sayo.Sa resthouse ka muna namin Tutuloy"paliwanag nya

Tumango naman ako.

Nasa byahe kami at tahimik lang ako.Nalulungkot ako at patuloy ba nagdadalawang isip.Pano na si Dad?

"nandito na tayo"Pagtigil ni camille nang sasakyan

Bumaba ako at Naglakad papasok ng airport.Hindi ko na pinasama si Camille sa loob at sinabing umuwi nalang para di magtaka si daddy kung magkasama kami.

Naglalakad ako sa loob ng makita ko ang mga tauhan ni dad

"Anong ginagawa nila dito?"Hindi ko sinasadyang maibulalas

Lumapit ako sa gwardiya para magtanong.

"kuya,Bakit po parang maraming Men-in- black dito?"Painosente kong tanong

Tumingin naman sya sa pwesto ng mga men-in-black

"Yun ba ineng ,Ah,May memo kaming natanggap na kailangan daw magbanta sa airport .Baka daw kasi umalis ang anak ni Mr.Tan"sagot nya nang hindi tumitingin sakin

Aalis na sana ako nang bigla akong nilingon ni kuya guard

"parang pamilyar ka miss.Teka! Ikaw si Mikaella tan di ba?"Pasigaw niyang tanong

Sa tingin ko ay nakuha namin ang atensyon ng mga tauhan ni daddy.

Mabilis akong tumakbo palabas ng airport.At kita ko sa kasunod ko na ang mga tauhan ni dad

"Shit"Napamura nalang ako nang malalaglag ang phone ko

Wala na akong oras para pulutin yun.Kaya patuloy akong tumakbo

Hindi ko na alam kung saan ako nakarating dahil sa pagtakbo ko.Nakalabas na ko ng airport at nakarating sa terminal ng mag jeep.

"O,Isa nalang aalis na,Isa nalang"Sigaw ng barker sa isa sa mga terminal

Napatingina ko sa likuran ko at nakita na paprating na sila

"kuya.Sasakay na po ako"Sabi ko nang makalapit sa barker

Tinulungan nya kong iakyat ang maleta ko
Kahit masikip ay di ako nagreklamo .Kailangan kong tumakas

Nag-simula nang umandar ang jeep.patuloy parin ang kaba sa aking dibdib.

Sana.Sana makaalis na ko dito.

Watch Out ,Mr.StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon