Chapter 6

1 0 0
                                    

SAN CARLOS

Ella P.O.V

Inabot ako nang gabi sa pag-aayos nang gamit ko at di ko namalayang umaga na pala

Naligo ako at pagkatapos ay lumabas ng bahay .Balak kong magpunta sa mall para makabili nang gamit para sa kusina namin.

"Magandang umaga po aling Luz"Bati ko nang madatnan si aling luz na nagwawalis sa labas

"Magandang umaga din naman.Maayos ba ang naging tulog mo?Ang aga mo naman yatang magising?"pagtatanong nito

"Balak ko po sanang pumunta nang mall para mamili ng mga stocks at gamit po sa kitchen"Paliwanag ko

"Naku iha .Mahihirapan ka pa yata.Malayo ang byahe papuntang bayan.Mas mabuti kung may sarili kang sasakyan .Mga 2 hours ang byahe papunta doon"Paliwanag naman nito

"Ganun po ba .Wala na po bang malapit mabibilhan dito nang gamit"Tanong ko

"Naku iha .Kung sa palengke ka lang bibili ay di ka rin makakahanap ng mga kumpletong gamit duon"Sabi nya

Napabugtong hininga nalang ako kaya pala mahal ang mga tinda dito.Sabagay at malayo talaga ang San Carlos sa Pinakabayan.

pumasok ako muli nang bahay at mabilis na nagbihis .Suot ko ang isang simpleng sleeveless shirt at short pati narin rubber shoes .Nagdala rin ako ng cap.Para safe dahil baka may makakilala sakin

"Aalis ka na ba?"Tanong ni aling luz nang makita akong palabas

Tumango lang ako at nagpaalam na.

Nag-antay ako ng masasakyan sa labas pero mahirap palang mag antay ng masasakyan dito.

Tumigil ang isang sasakyan sa tapat ko.

"San ka pupunta?"Sabi ni vincent nang maibaba ang salamin nanbg bintana.

"Sa mall"Tamad kong sagot

"pwede kang sumabay sakin.Dun din naman ang punta ko"alok niya

Wala na akong panahong tumangi at sumakay sa passenger seat.tinitigan nya naman ako.

"what?"Inosente kong tanong

"Mukha ba kong driver?Dito ka sa harap"Irita nyang sagot

Nakakainis ,Eh sa hindi ako sanay

"Bakit ba ang layo ng kabihasnan sa lugar nyo?"Di ko mapigilang magtanong

Hindi sya tumingin sakin at deretso ang tingin sa daanan

"Ang San Carlos ay isang dating pribadong lupain"Pagsisimula niya

"Pribado ,You mean private property?"Tanong ko

"oo.Ang San Carlos ay dating pagmamay-ari ng Pamilyang Carlos .Una palang ay wala nang naninirahan sa kanilang lupain.Pero kalaunan ay napagdesisyonan nilang Magpatira dito ng libre"Dagdag niya

hindi naman ako naimik at pinapakinggan lang sya

"Dahil narin sa dami ang tao ay Nakumpleto ang lugar at naging bayan.Ospital,Mall at mga bangko ay kumpleto ang bayang ito.Pero hindi din nagtagal ay bumagsak ang lahat...
Napag-Alaman nang pamilyang Carlos na Ang pamilya na kanilang kaibigan ang may pakana nang lahat.Pinilit nila ang tao na magpalit nang pinuno at siniraan ang pamilyang Carlos"Seryoso nya kwento

"Sinong pamilya yun?"Tanong ko

"ang pamilyang Ramirez"Seryoso nya sabi sabay tingin sakin

Napaiwas nalang ako nang tingin.Kaya nya ba ako pinagdududahan nang lumipat ako sa apartment ay dahil akala nya .Parte ako nang pamilyang Ramirez na sumira sa bayan ng San Carlos.

Napatahimik nalang ako.Masyado pang mahaba nag byahe kaya di ko kayang pigilin ang sarili kong magsalita

"Wag kang mag-alala,Hindi ako kagaya nang iniisip mo.Sabihin na natin na Wala ako dito para sirain ang bayan o kung ano mang meron ang San carlos"Paliwanag ko na di tumitingin sa kanya

Ramdam ko na sumusulyap sya sakin dahil sa mga sinabi ko

"Iba ako sa Ramirez na kilala mo.Nandito ako para sumagip.para sagipin ang sarili kong istorya "dagdag ko pa

Alam kong nagmumukha akong tanga.Pero wala na kong pakialam .kailangan kong tumagal at para tumagal kailangan ko ng tiwala ng mga tao sa paligid ko

At



Isa na dun Si Vincent.
Kailangan ko si Vincent

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Watch Out ,Mr.StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon