Chapter 3

0 0 0
                                    

LOST

Ella P.O.V

"Ineng ,Ineng"Nagisimg ako sa yugyog at ingay na narinig ko

Inimulat ko ang aking mga mata.Nakatatulog pala ako.Nagulat ako nang tignan ang paligid at nakita na ako nalang ang tao dito sa loob ng jeep

"Naku ineng! Buti nalang napansin kong May nakasakay pa sa jeep ko kung hindi ay baka nailagpas kita sa iyong pupuntahan"sabi ng driver

"Nasan na po ba tayo?"pagtatanong ko sa kanya

"Nasa San Vicente na tayo.San ba ang baba mo ineng?"Pagtatanong ni manong

"Pasensya na po.Hindi ako pamilyar sa lugar.May alam po ba kayo ditong paupahan or hotel"Nahihiya kong tanong

"Naku naman ineng! naliligaw ka ba ? mukhang di ka naman tiga dito.Mukha ka namang anak mayaman!Sa Maynila ka yata nakatira.Hala sge.Sa San Carlos pa may Mauupahan .Dun na kita dadalhin"sabi sakin ni manong

Nagpatuloy kami sa pagbyahe.Mga 30 minuto.Nakarating din kami

"SAN CARLOS"pagbasa ko sa Arko ng bayan

"Naku! Di na kita maihahatid dahil kailangan ko nang umuwi.Deretsuhin mo ang Baranggay na iyan.At magtanong ka sa may kanto.Mag-ingat ka ineng"bilin ni manong nang makababa ako

"Bayad po"Sabay abot ng isang libong piso

"Napakalaki naman nito ineng.Wala ka bang barya dyan?"Pagtatanong niya

"wag nyo na po akong suklian,Nakakahiya at naabala ko pa po kayo sa byahe nyo.Salamat po"Sabi ko.

Nagpasalamat naman ang matanda ng una ay ayaw pang tanggapin dahil sa malaking halaga daw ito.Ngunit sinabi ko na tulong ko na rin sa kanya

Naglakad na ako may nadaanan akong isang tindahan kung saan maraming nakatambay na mga kalalakihan.
Gusto ko mang magtanong pero natatakot ako

Nagulat ako ng biglang lumapit ang apat na lalaki sa akin

"Miss,Mukhang hindi ka tiga dito.May hinahanap ka ba?"Pagtatanong nang isa

Patuloy akong tinitigan nang tatlo na may halong pagnanasa

Nakakapagsisi dahil nagsuot lang ako ng short ngayon dahil inaasahan kong sa palawan ako makakarating

Hindi ko sinagot ang tanong nang lalaki at nilagpasan lang sila.Nagulat ako ng hinila ako ng lalaki palapit sa kanya .Dahilan para ma-out of balance ako dahil narin sa bigat ng maletang dala ko

"Bastos ka ah.Kinakausap pa kita"Pasigaw nitong sabi sa akin

Patuloy kong iniinda ang sakit ng pagkakabagsak ko.

Naluluha nalang akong napayuko.
Patuloy na umaagos ang luha ko sa aking mga mata

Natatakot na ako

"anong nangyayari dyan?"narinig kong pagtatanong ng isang baritong boses

Inangat ko ang ulo ko at tinignan kung sino siya.
Hindi katulad nang mga lalaking ito.Mas maayos ang papanamit ng lalaking ito.Mukha ka syang may lahi dahil narin sa kulay niya na maputi.Matangos na ilong.

"Nanggugulo na naman ba kayo?Umayos kayo.Kung ayaw nyo na damputin ng baranggay"utos nya sa mga kalalakihan

Wala naman silang nagawa at umalis nalang

Ibinaling nang lalaki ang tingin nya sa akin

"Tumayo ka dyan at wag lang umiyak.Kasalan mo kung bakit ka Nabastos"sabi nya

Laglag panga ko syang tinignan.umiwas naman sya ng tingin.Pinunasan ko ang luha at tumayo.

"Salamat ha!"sarkastiko kong tugon

How dare him para sabihin na kasalanan ko pa kung bakit ako nabastos.

Sa tingin ko ay namumula na ako ngayon sa galit.

"Sa tingin ko ay bago ka.Hindi naman pwedeng taga ibang bayan ka .Mukhang nanggaling ka sa maynila.O di naman kaya ay mula ka sa mayayamang pamilya dito"Pagtatanong nya.

"yeah.I'm lost."Simple kong sagot

"Sa lahat yata ng taong nakilala ko ikaw lang ang kampate lang pagkatapos maligaw,Kung naliligaw ka bakit hindi ka pa naghanap ng masasakyan"Pang-aasar nya

"Hindi na kailangan.Kailangan ko lang nang Matutuluyan ngayon.San ba merong hotel dito?"Pagtataray ko

"Hotel?AHHAAHHAHAHAH"Patuloy lang sya sa pagtawa

Napataas nalang ang kilay ko sa naging reaksyon nya.Bwiset.

"wait.Haha......,Sorry. Nakakatawa ka kasi .Mukha bang may hotel dito? May alam akong pinapaupahan na apartment na pinapaupahan dito .Pwede naman kitang samahan kung gusto mo?"pagmamalaki nya

Iniisip ko kung dapat ba akong magtiwala sa lalaking to.Alam kong niligtas nya ko kanina.Pero hindi dapat ako basta bastang magtiwala sa kanya

"inisip mo ba na may gagawin akong masama sayo?"nakangisi nyang tanong

Inirapan ko lang sya

"Wag kang mag-alala may taste naman ako sa babae.Hindi kita type"Natatawa nyang sabi

What the!

My jaw dropped.
Feeling ko mas lalong humangin dito.
How dare him na sabihin sakin yun.

"Fine"Naiinis kong sagot

Nakangiti lang syang tumalikod at Naglakad.
Wala man lang taglay na kagentleman sa katawan ang lalaking to.
Hindi nya ba alam na mabigat ang maletang dala ko?

Hays.Nakakabwiset na araw to.
Naligaw na nga ako .
May nakilala pa kong hambog!

Watch Out ,Mr.StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon