✒ 12

59 8 0
                                    

[ JADE'S POV ]

Ayoko na talaga! Bakit ko kaklase 'tong baklang 'to?! Kala ko pa naman magiging maganda school year ko, shet 'di ko talaga 'to inaasahan.

"Girl ang gwapoooo!" Kinikilig na sabi ng kaklase ko. Anong gwapo sa baklang 'yan? Mukhang unggoy nga eh.

Ang sama ko na grRrr.

Naghanap ito nang mauupuan at dalawa lang naman ang mapagpipilian niya. Nasa harapan o nasa tabi ko. Napatingin ito sa tabi ng upuan ko tsaka tumingin sa'kin. Napangisi ito at mukhang nakilala ako nito.

Ako lang maman ang kaagawan niya sa eyeliner niya.

Uh-oh

Nasaan na ba si Lani?! Jusko.

Pinagpapawisan ako at kinakabahan. Shet, ba't ba ako kinakabahan?! Papunta na sana siya rito nang may nagmamadaling umupo sa tabi ko. Pawis na pawis 'to at 'di makahinga ng maayos.

"H-hoy!" Tawag nito sakin. Tinaasan ko 'to ng kilay at nagpeace sign naman ito sa'kin. Tumingin ule ako kay bakla, sa may unahan na ito nakaupo.

Yes.

EyelinerWhere stories live. Discover now