[ JADE'S POV ]
"Ang boring naman" bulong ni Lani habang nagsusulat. Kahit 'di naman notes ang sinusulat niya. Kundi ang name ng crush niya.
Jusko, may pa flames pa.
Napailing nalang ako, nagtatap nalang ako sa desk dahil sa boredom. Gusto ko na umuwi at manuod ng vlogs ni ate Pham Swing! Argh, ang ganda niya kasi sobra!
"I'm sorry, I'm late"
Napahinto ako kakaisip kay ate Pham Swing. Nanlaki mata ko nang makita ko kung sino nasa pintuan. Pawisan 'to dahil siguro natanghalian 'to ng gising at walang masakyan.
B-bakit ang gwapo niya?
Ipinilig ko ang ulo, what the hell, are you thinking, Jade? Napabuntong hininga nalang ako.
Sinundot naman ako sa tagiliran ni Lani tsaka nginisian. "Crush mo Jade, oh" turo pa nito.
"Siraulo!" Pabulong sigaw ko. Mamaya pagsumigaw ako, mapalabas ako eh.
"Oh, Mr. Carpio after how many days of absents, pumasok ka din" saad naman ng teacher namin.
Napakamot nalang 'to sa ulo niya tsaka ngumiti. Napailing nalang Sir namin at tsaka pinaupo ito. Bago ito umupo may hinanap ang mga mata ito. Napadako ito sa'kin kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ngumiti ito tsaka kinindatan ako.
Maraming napatili dahil sa ginawa niya. Pati si Lani napatili at sabay hampas sa'kin.
Ang harot.
Pero...
Bakit ako kinikilig?
YOU ARE READING
Eyeliner
Humor[ t r o p a s e r i e s #1 ] 💌 Basti: Yung eyeliner kong brown ibalik mooooo! Highest rank: #364 Inspired by pandauthot. ✦ ✧☾.·:·.*═══ ☪︎ ⋆ Beautiful cover made by MOCHHYU