[ JADE'S POV ]
Break time na! Palabas na kami ni Lani nang may pumunta sa gilid ko, napatingin ako rito at napagtanto na si bakla pala.
Ayaw ba ako tantanan nito dahil lang sa eyeliner?
"Hoy" pagtawag sa'kin nito. Tinaasan ko naman siya ng kilay "Kailangan mo?" Sagot ko naman rito.
"Huwag mo na ako agawan ng eyeliner hah?" Sabi nito at sinamaan ako ng tingin.
Aba, nakakagigil na ah.
"Jusko, dahil lang sa eyeliner nagkakaganyan ka na? Hindi naman bagay sayo!" inis kong sabi tsaka hinila si lani palabas na tulala.
"H-hoy! Close kayo?" Tanong nito.
"Hindi, siya lang naman kasi laging nangaaway sa'kin dahil lang sa isang eyeliner" napairap nalang ako nang maalala mga pinagsasabi niya sa'kin.
"Hindi nga? Siya kasi close ng bebi ko eh" nakanguso nitong sabi. Napataas naman ako ng kilay, bebi niya? Si Elliot ba 'yung tinutukoy niya? Yung masungit?
"Jusko, wala kang pag asa don"
"Sml"
Aba, siraulo 'to.
××××
Tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang klase. Kahit na naiinis pa rin ako dahil kaklase ko si bakla, may masaya rin namang nangyare ngayong araw na 'to. Nakita ko kasi crush ko! Si Cash! Ang gwapo niya talaga, nginitian niya ako!
Kinikilig ako buset.
Hindi pa rin maalis sa aking labi ang ngiti. Kinuha ko 'yung bag ko tsaka inaya si Lani na umuwi na. Close naman ni Lani sila Niq kaya okay lang na sumabay siya sa'min.
Tumunog namna ang cellphone ko. Kinuha ko kaagad ito at tinignan kung sino ang nag text.
From Yana:
Dito kami sa waiting shed
Kaagad kong sinabi kay Lani na nasa waiting shed na sila. Tumango naman ito bago nagpaalam sa kausap niya.
"Sino 'yon? Kaibigan mo?"
"Oo, si Haze 'yon"
Napatango nalang ako sa sagot niya. Medyo kilala si Haze dahil sa ganda niya at sa talino niya rin, 'yun nga lang daw masungit daw ito pag maninigil. Nakarating na kami kaagad sa waiting shed.
"Jade!!"
Tatawid na dapat kami para makapunta sa milktea house na malapit sa school namin nang marinig ko na may tumatawag sa'kin. Liningon ko 'to, napakunot noo ako nang makita ko si bakla 'to.
Ano naman ba problema niya?
"Bakit na naman?"
"Ang sungit mo naman" walang gana niyong saad.
"Ano ba kasi 'yon?"
"Naiwan mo" sabay lahad ng panyo at compact mirror ko. Nanlaki mata ko at kaagad na kinuha 'to.
"Bakit nasa iyo 'to?"
"Naiwan mo nga"
"A-hh" iyon nalang ang lumabas sa bibig ko tsaka mabilis na hinila ng mga kaibigan para tumawid.
YOU ARE READING
Eyeliner
Humor[ t r o p a s e r i e s #1 ] 💌 Basti: Yung eyeliner kong brown ibalik mooooo! Highest rank: #364 Inspired by pandauthot. ✦ ✧☾.·:·.*═══ ☪︎ ⋆ Beautiful cover made by MOCHHYU