Mina's POV"Mina bakit hindi ka pa nakaayos? Pupunta na tayo sa mansyon ng mga Chou!" bulyaw sakin ng bestfriend kong si Momo mula sa nakabukas na pinto ng kwarto ko.
"Momo nakakahiyang pumunta dun. Mayayaman lang ang nababagay na umattend sa ganong kagarbong okasyon" nakangiwing paliwanag ko rito habang nakaupong naghahalukipkip sa lumang kama ko.
"Ano ka ba naman Mina. Kasama mo naman ako dun kaya hindi ka maa-out of place. Tsaka karamihan satin dito sa baryo pupunta ron. Balita ko mababait ang mga Chou sa mga trabahante nila gaya natin kaya mag ayos ka na" mahabang pahayag ni Momo habang naghahanap ng maisusuot ko sa cabinet.
"Bakit ba kase kailangan pa nating pumunta dun?" iritableng pahayag ko bago dumapa at isinubsobang mukha sa unan.
"Dumating daw kase yung anak nilang si Xhiyu at Tzuyu at gusto daw nilang ipakilala ang mga anak nila na tagapagmana ng hacienda" rinig kong paliwanag ni Momo.
Nanatili lang akong nakadapa at nakasubsob ang ulo sa unan dahil wala talaga akong balak na pumunta dun para makilala o makita man lang ang mga anak nila Senyora t Senyor Chou.
"Hoy! Tumayo ka nga jan!" bulyaw sakin ni Momo kasabay ng pagpalo nito sa pwet ko.
"Aww. Momo naman" hiyaw ko habang tamad na tamad na umupo sa kama.
"Ito oh isuot mo para naman mapansin ka ng magkapatid na Chou. Xhiyu at Tzuyu ang mga pangalan nila kaya paniguradong mga lalaki sila at bet ko mga pogi yun" kinikilig na sabi ni Momo.
Napairap naman ako sa sinabi't ikinilos nito bago balingan ang hawak hawak nitong itim na damit. Nanlaki ang mata ko ng marealize na backless ang damit na iyon.
"Ayoko niyan masyadong revealing" nakangiwing sabi ko habang itinutulak palayo ang damit.
"Ano ka ba naman Mina. Bilis na kasii. Magsisimula na yung party eh" nagdadramang sabi ni Momo kasabay ng paghagis nito ng itim na backless dress sa mukha ko bago nagtungo sa may salamin para mag-apply ng make up.
Nagdadalawang isip akong suotin ang damit na hawak hawak ko ngayon.
Siguro kung buhay pa sila itay at inay paniguradong magagalit sila kapag sinuot ko ito..
Wala na akong nagawa kundi magtungo sa banyo para makapag ayos na.
"Momo uwi na lang kaya tayo. Nakakahiya" nahihiyang aya ko kay Momo habang nakahawak sa braso nito.
"Bakit ka naman nahihiya? Ang sexy mo kaya jan sa suot mo" takang sabi naman nito.
"Yun na nga yung nakakahiya. Masyadong revealing tong suot ko tsaka nakakailang yung tingin nila sakin" naiilang na sagot ko kay Momo.
Tumingin ito sa paligid na kung saan nagkalat ang mga taong nakasuot ng mayayamang kasuotan at yung iba naman ay gaya lang namin na simple lang ang suot.
Halo halo kase ang mga taong pumunta rito, may mga mayayamang kaibigan ng mga Chou at yung iba naman ay mga trabahante ng mga Chou dito sa hacienda nila.
"Hays hayaan mo sila. Maganda ka kase kaya sila ganyan makatingin sayo. Tara dun oh upo na tayo magsisimula na yung party" sabi sakin ni Momo kasabay ng paghila nito sakin patungo sa pinakaunahang upuan.
Ilang saglit pa ay lumabas na ang mag-asawang Chou.
"Maraming salamat sa pagdalo mga kaibigan. Siguro alam na nating lahat kung tungkol saan talaga ang seremonyang ito. Gusto lang sana naming ipakilala sa inyo ang dalawa naming anak na mula bata ay sa ibang bansa na lumaki at naisipan naming pauwiin sila rito para humawak sa pagpapatakbo sa iba naming mga negosyo dito sa Pinas dahil sa hindi na rin namin kayang patakbuhin lahat dahil nga sa tumatanda na rin kami ng Sweetheart ko" mahabang payahag ni Senyor Chou na ikinatawa naman namin.

BINABASA MO ANG
MiTzu OneShots
Fiksi PenggemarFilipino/ Tagalog GxG Story for all Filipino MiTzu Shippers💕