Katotohanan sa buhay (minsan)
Minsan kala mo nag-iisip ka, yun pala, wala ka naming isip. Naisip mo yon? Malamang,hindi.
Nagawa mo na to siguro minsan, yung pupunta ka sa simbahan hindi para makinig sa sermon ng pari kundi pagtingin tingin lang naman sa mga taong nasa paligid mo. At hindi lang yan, nanlalait ka pa sa kasuluk sulokan ng isip mo. Pumapasok ka din dun pag bago damit mo, fashion show lang tayo, teh? Rampa lang, ganun? Aminin mo, wag mong ideny. Totoo yun.
Err. Minsan din di ba, pag sumakay ka jeep, grabe ang siksikan. Iba-ibang klase ng tao ang makikita mo sa jeep, rather iba ibang klase ng pagtulog ng tao. May nakalupaypay lang yong ulo, mayroon din naman yung conscious na nagtatakip ng mata… pinakamasagwa, yong naglalaway pa. Kalerki talaga. Ngayon, mamaya pag matutulog ka na, i-video mo sarili mo tapos tignan mo kung panu ka nga ba matulog.
Sa jeep pa rin, naiinis ka na nga sa katabi mo, di mo pa rin masabi kasi nahihiya ka. Ang lawak lawak ng inuupuan, di man lang makapag-adjust. Ang sarap batukan. Para namang pag-aari nya yong jeep ha. May iba pa na ang ingay ingay por que grupo sila. Anong pinagtatawanan? Di mo alam kung sa kwento ba nila o ikaw na... maghahanap ka ng salamin para makita mo reflection mo pero syempre, di mo papahalata. Nakakainis talaga. Mag-he-headset ka na nga, dinig mo pa rin yung boses nila. Parang nakalunok lang sila ng microphone. Parang autistic lang, may sariling mundo.
Eto naman, sa school, nung elementary ka, game na game kang makipaglaro... kahit na nahuhulog na yong sipon mo pero wala ka pa ring pakealam... nanonood na nga yong crush mo oh, pero parang nagpapasikat ka pa.
Nung highschool ka na, natuto ka ng gumamit ng face powder. Aminin mo man pero nahihiya ka sa crush mo pag nakita ka nyang oily ang mukha mo. Tapos natuto ka na ring maglagay ng kolorete sa mukha, feel na feel mo naman. Kala mo ang ganda ganda mo, he-he. Kala mo lang yun noh!
Hayan.nabasa mo tong walang kwentang kwentong barbers na ito. Salamat sa pagtitiis. Gagawa pa nga ako ng kasunod nito pag mejo sinaltik na naman ako sa ulo. Salamat!
-EijeiMeyou
BINABASA MO ANG
Katotohanan sa Buhay
RandomGusto mong basahin? Basahin mo! Ayaw mo? PAKEALAM KO SAYO?! ---FINISHED--- Genre: Humor