Ahy ang galeeeng! May part 4 na ako?? sinong nagbabasa? Ewan. Iilan lang kasi ang mga MABUBUTING nagcocomment.
Dumako naman tayo sa mga cartoon characters ngayon. (Mga Producers po na nandyan,best of friends po tayo ha?)
May tanong ako na matagal ng nagi-invade sa utak kong polluted: “kailan ba mahuhuli ni Tom si Jerry para naman magkaroon na ng ending ang Tom and Jerry?” kakawindang lang kasi. Hindi pa nagdidikit ang sperm at egg cell ng mga magulang ko ay hinuhuli na ni Tom si jerry. At knock knock? Madami namang ibang daga na mamaaring habulin kung bakit mas gusto pa niya si jerry. Tom ha, umayos ka.
Si Mickey Mouse naman, bilog pa rin ang tenga kahit saang view. Promise! Cross my loving heart! Mamatay man lahat ng langgam ng kapitbahay namin. Front view. Back view. Top view. Rear view. Side view. Whatchever view. Gagawa sana ako ng slide show bilang patunay kaso tinatamad po ang kapita-pitagang author niyo.
Eh si Hello Kitty kaya? Gagawan ko rin sana kaso isipin ko pa lang na marami siyang fans ay iniisip ko na kung saang meteorite ako dapat magtago. Pero shet na malagket! Ano nga banag meron kay Hello Kitty? Putting unan na dinadamitan ng blue or pink at kinakabitan pa ng ribbon sa ulo, dalawang tuldok para sa mga mata, isang bilog sa ilong at huwag kakalimutan ang anim na linya para sa whiskers. Oooppppps. Buti na lang pala at wala akong sinabi tungkol kay Hello Kitty. Pangako po! Wala di ba? Wala talaga!
Sino namang may gusto kay Spongebob? Ilabas ang bituka! Aye aye! Itaas na rin ang kaliwang paa! Good dog. Sit! Chenes. Sinong may gusto sa isang kwadradong dilaw na panghugas na nakatira sa hindi nabubulok na pinya at may alagang suso na kulay pink? Spongebob talaga. Trying hard mag-drive para lang makakuha ng lisensya. Like dito, Spongebob, punta tayo sa Recto. Kuha tayo ng license. Mas gusto ko si Patrick. Pareho silang walang Jutak ni Spongebob. Nakatira kasi siya sa isang baton a may compass sa itaas. Well, wala akong masasabi kay Patrick. Tanong, meron : kailan pa nagshorts ng floral ang starfish?
I really blank blank blank blank Sandy. Yung squirrel na akala ko noon ay astraunot (di ko alam kung tama yung spelling). Kasi naman, saan ka makakakita ng squirrel na nakatira sa ilalim ng dagat na may fish bowl sa ulo? At heto pa ha, taga-Texas daw sya.
Teka teka lang. here na muna. Ayoko na. may nagwa-wang wang kasi sa labas ng bahay namin. Mental hospital daw, hinahanap ako. pano ba yan, pa-check up muna ako ha? lumalala yata ang sakit ko eh. Pssh. Istorbong mental yan!
-eijeimeyou
BINABASA MO ANG
Katotohanan sa Buhay
RandomGusto mong basahin? Basahin mo! Ayaw mo? PAKEALAM KO SAYO?! ---FINISHED--- Genre: Humor