Katotohanan sa Buhay 2 ---opo. Nagkaroon ng “2” kasi umabot na sa 50 reads kahit di naman gumagalaw yung votes at comments. Salamat sa mga silent readers. Sana makilala ko kayo at mapasalamatan ko kayo ng mas mainit pa at ng masunog na kayo. Thanks ulit.
Pansinin mo ha, pag galit ang mga magulang, ang daming mga utos. Kaya dapat lambingin mo para wag magalit. Pero kapag yan walang pera, wala ka ng pag-asa. Lahat napapansin. Kahit na ang pinakamaliit na klase ng alikabok na pinakilala ng mga scientists nung taong kupong kupong na makikita sa pinakasuluk sulukan ng bodega ng bahay niyo ay ipapaalis sa iyo. Halos lahat rin ng problema ay ibibintang sa iyo. Di ka naniniwala?
Halimbawa:
1. “Nag-aaral ka pa kasi, WALA NA NGANG PERA!”
2. "Ang galing mong kumain, WALA NA NGAnG BIGAS!”
3. "Nambababae na naman ang tatay mo, DI MO KASI BINABANTAYAN!”
Kitams? Sayo lahat ng sisi. Advice ko sayo, LUMAYAS KA NA! IKAW KASI EH!
Here, di ba nakakapag-init ng ulo yung mga taong head-over-heels sa mga taong mahal nila? Nahuli na ngang may kalaguyo ang syota, hahabulin pa nila. Halos ma-ngongo na nga sa kakaiyak sa taong mahal nila para bumalik lang ay di pa rin sila tumitigil. Yung tipong mugto na ang mga mata nila sa kaiiyak at halu halo na rin ang mga likidong galing sa mata, ilong at maging sa bibig nila ay wala pa rin silang humpay kasabay ng walang kamatayang litanyang “di ko kayang mabuhay ng wala ka.” Ang sarap lang ibaon sa lupa eh.
Get over na.
Nung mga bata naman tayo (pero di ko sinasabing matanda na ako kasi hindi talaga kundi kayo lang ang matanda. Uulitin ko, hindi ako matanda). O siya, heto nga, nung mga bata tayo, ang hilig nating maglaro ng snakes. Nakakaadik kasi lalo na pag first time mong makahawak ng cellphone na nagiging “selepun” pag binibigkas natin noon. Alam niyo yun? Yung snake sa cellphone na ang unit ay 3210 o 3310 o 3315 o di kaya’y 1100. Di nyo alam mga yan? Condolence. Kukunin ka na ni Lord bukas dahil masyado kang inosente sa mga kaganapan sa mundo. Basta yung snake na yun. Gusto mo pa ngang ibato ang cellphone pag naa-out ka or nage-game over. Sasabihin mo pang madaya yung cellphone eh. At malamang kung makakasagot lang yun, sinupalpalan ka na ng “di ka lang talaga marunong maglaro.”
Kapag naman nagsulat ka ng kwento dito sa watty, may authors note na either sa unahan o sa hulihan man na nagsasabing “comment lang po kayo. Kahit negative po, tatanggapin ko.” Pero kapag may nagsabing “mali ang ganito ganyan mo. Palitan mo ng ganun” eh hindi mo maiiwasang isipin na ‘pake nito?! Hmp!’ pero re-replyan mo pa rin sya ng “ah. Hehe. Thanks po! Papalitan ko po.” with matching smileys na kung di man :)))) ay :DDD. Pagkatapos mong gawin ang sinabi ni ‘critic’, pupuntahan mo yung story nya sabay isip na: "maghihiganti ako. Makahanap nga ng mali mo.”
Tama ba? Ikakaila mo pa ba? Sige lang! Pero sa likuran ng isipan mo ay umaayon ka sa akin.
Ma-try nga.
AUTHOR’s NOTE
Comment lang po kayo. Wag lang ang mga mali ko dahil sisiguraduhin kong maghihiganti ako. O di ba? At least vocal ako. Gorabels! PLUG! “Mr. Conceited Jerk” ni @GataSalvajeh , updated na po. Hanapin lang ninyo siya. At syempre, ang kakambal ng “Give Me A Reason To Live” ni @EijeiMeyou na “Peter’s Angel:Nutella Natasha’s Travel”, nakalabas na po. Ayos! Salamat sa pagbabasa.
BINABASA MO ANG
Katotohanan sa Buhay
RandomGusto mong basahin? Basahin mo! Ayaw mo? PAKEALAM KO SAYO?! ---FINISHED--- Genre: Humor