Ewan ko sa inyo kung ano ang isipin niyo dito sa mga pinagsusulat ko dito sa watty. Basta malinis po ang konsensya at budhi ko. Kayo, malinis din ba?
Sa part three nitong Katotohanan sa Buhay (Yes. May part 3 na due to public insistent demand. Di ka naniniwala? Basahin mo mga comments sa part 2) , pag-usapan naman natin ang tungkol sa wattpad. Sabagay, may mga sinulat naman na ako tungkol kay watty sa Katotohanan sa Buhay 2. Kunti nga lang.
Reminder: ANO MANG MABASA NIYO DITONG MAY PAGKAKAPAREHO SA IBANG AKDA, WAG NIYONG IKUMPARA! EH ANO KUNG SA TALAGANG PAREHO KAMI NG OBSERVATIONS NG IBANG AUTHORS?!
Para po ito sa mga baguhan------gaya ko. wag kang aangal kung reader ka lang naman pala dito sa watty, okay? WRITERS only! Pero kung talagang etchusera ka naman, basahin mo na lang. baka sakaling may SEGMENT ka dito.
Nga po pala, ano man pong mababasa niyo dito ay GAWA-GAWA lamang. Uulitin ko! GAWA-GAWA lamang!
Yan lang. umpisahan na.
*Titulo
Sa pagbibigay po ng title sa story niyo, ito ang pinakacommon na advice---“ORIGINALITY”. Yung tipong nakakapang-agaw ng atensyon. Yung tipong unang mabasa mo pa lang, “WOW! SINONG AUTHOR NITO? MABASA NGA!” na ang reaksyon ng mga mambabasa. Opo. Yung medyo OA na reaksyon. Pero hindi dahil sa sinabi kong nakakapang-agaw ng atensyon ay uulanan mo na ng @!%$#*) quotation marks ang title mo.
-Eg. Mahal Ko Siya?!$@#@*!
Ganyan po. Ang common na nga, keh dami pang churva.
Hindi rin maganda ang titles na:
-Eg. Si Procorpia Malandi (hayan po. Ang ginawang title ay ang pangalan ng bida. Duh.)
I Love You (gets naman na siguro ninyo kung bait hindi maganda di ba?)
Oy, Mahal Kita (gaya din ng pangalawa. Tinagalog lang at sinabi kay “oy” sino si OY?)
Kapag tagalog lang din ang story mo, mas thrilling ang title na English. O di kaya’y wikang banyaga.
Gaya ng:
-Eg. Aishite Imasou (I love you sa wikang Japanese.)
Taming The Wild (kung ang story mo ay tungkol sa isang bratinellang spoiled. Oh diba? Unique ang title. Parang panghayop lang. pero ewan ko lang kung maging unique pa ngayong sinabi ko na.)
pero hindi dahil sinabi kong English ay gagawin mo na. kung talagang di mo kaya, wag mong pilitin. I-check mo rin kung grammatically wrong ka na pala.
-Eg. I’m in Love TO you (mali. Malaking ekis ng purple na vevelet na ballpen! Dapat IM IN LOVE WITH YOU.)
Nakakainis din yung titles na:
-Eg. LuV u (text lang dre? Tapos taas baba pa! buti sana kung : LuV u (a text love story) hayan. Mas gets pa ng mga readers kung bakit ganun ang title.)
*Prologue
Wala po akong masasabi dito sapagkat ako rin ay isang sira-ulong tagagawa ng prologue. Para sakin wala ng prologue-prologue. Diretso agad sa story! And so?! Ganun din naman yun ah!
Oooooooooooooppppppppppppsssss!
Meron pala! Meron!
Kapag magsusulat ka ng prologue, AHERM! Iwas iwasan mo ang paggamit ng “ASKING TACTIC” sa first sentence pa lamang. At pinakagamit pa kasi dyan ay ang katanungang “what if’.
BINABASA MO ANG
Katotohanan sa Buhay
RandomGusto mong basahin? Basahin mo! Ayaw mo? PAKEALAM KO SAYO?! ---FINISHED--- Genre: Humor