🌸POETRY🌸

8 0 0
                                    


"Kaibigan"
  By:Watashi04

Simula noong nakilala kita,
Nag dulot ito sakin ng saya,
Na hindi ko inakala,
Magiging malapit tayo sa isa't isa

Lahat ng gusto at ayaw ay alam ko,
Dahil ni isang sikreto wala kang tinatago,
Pinagkatiwalaan mo ako,
Sa mga problemang napagdaan mo

Pero lahat iyon nag bago,
Simula nung nalaman kung may pag tingin na pala ako sayo,
Pilit kung itinago ang nararamdaman ko,
Dahil natatakot masira ang pagkakaibigang nabuo

Sadyang hindi mapigilan ang nararamdaman,
Kaya hindi na nag dadalawang isip na sabihin ang pagmamahal,
Pero nung araw na ako ay umamin,
Sinabi mo nalang na "Pasensya pero ako'y walang pagtingin"

Masakit para sa akin nung nalaman kung may iba ka nang minahal na higit pa sa akin,
Hindi ko naman mapipigilan ang nararamdaman ng iyong damdamin,
Kaya hinayaan at sinuportahan nalang kita kahit masakit para sa akin,
Dahil na pag tanto ko na KAIBIGAN LANG PALA ANG TURING MO SA AKIN.

Tula ni ZiangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon