"Pagkatagpo"
By: Watashi04Sa hindi inaasahan,
Nag katagpo ang mga mundong nasugatan,
Na sa dating minahal ay nagawang iwan,
Kaya ang puso'y sakit ang sinisigawan.Sa tuwing naalala ang nakaraan,
Luha ang katumbas sa nararamdaman,
Ginawa naman ang lahat para maging matibay ang pagmamahalan,
Pero nagawa paring paglaruan ang nararamdaman.Pumunta sa lugar na kung saan mga tao'y iniwan,
At dun nakilala ang taong hindi inaasahan,
Na maging isang malapit na kaibigan,
Nahahantong sa ganitong nararamdaman.Pagiging masaya sa kanyang tabi ay hindi matutumbasan,
Natatakot sa una pero pinatunayan niya na hindi siya tulad ng na una,
Pinarama kung gaano ako kahalaga sa kanya,
Kaya hindi ako nag sisi nang nakilala kita
BINABASA MO ANG
Tula ni Ziang
Poetry100 Tula para kay Stella? O 100 sakit na hanggang ngayon ay hindi parin mawala? Ginawa mo naman lahat para makalimutan mo siya, Pero bakit pag nakita mo siya naalala mo parin ang mga sakit na ginawa niya? Ps: IDADAAN KO NALANG SA TULA PARA KAHIT PA...