"Mahal kita pero Taposin na natin To"
By: Watashi04Masaya ang pag mamahalan,
Na para bang sing tamis ng asukal na pati ipis ay matatablan,
Walang nakakapigil sa nararamdaman,
Dahil parehas ang pintig ng pusong kawalan.Umabot sa punto na nag seselos at nag tatampo,
Mga senyales lang naman yan na mahalaga ako sayo,
Kaya itong si puso ko
Hindi mapigilan na mahulog ng husto.Isang araw umabot sa punto ,
Na hindi mo muna ako papansinin kaya ito ,
nung sinabi nalungkot ng husto,
At hindi napigilan ang pag iyak nito.Isa, dalawa, tatlo
Kahit anong bilang ko
Hindi parin nararamdaman mga presensya mo,
Kaya ito, nalulungkot dahil namimiss na ang kakulitan mo.Umabot na sa ilang araw, linggo , buwan,
nag aasam na babalik aking inaasahan,
Pero hindi kinaya sa aking napagmasdan,
Na may iba kang kasama at ika'y nakikipaghalikan.Gusto kung tumakbo pero nabato ako sa kinatatayuan ko,
pilit hindi umiyak sa harapan niyo,
Para hindi ako mag mumukhang tanga at gago,
Sa harap ng mga demonyong ito.Napaisip tuloy ako,
tiniis ko ang hirap at sakit na napagdaan ko na wala siya sa tabi ko,
Pero siya?! Nagawa pangmangaliwa at manloko,
Ano kaya ang nagawa ko? Ginawa ko naman lahat para sa taong mahal ko.Mahal kita ,pero nasaktan mo ako,
Maha kita , pero naging tanga ako sa pag ibig na ito,
Mahal kita, pero ito na ang huling masasabi ko
MAHAL KITA PERO TAPOSIN NA NATIN TO
BINABASA MO ANG
Tula ni Ziang
Poesía100 Tula para kay Stella? O 100 sakit na hanggang ngayon ay hindi parin mawala? Ginawa mo naman lahat para makalimutan mo siya, Pero bakit pag nakita mo siya naalala mo parin ang mga sakit na ginawa niya? Ps: IDADAAN KO NALANG SA TULA PARA KAHIT PA...