Prologue

1 0 0
                                    

Prologue

I felt the cold wind blow in my face as I rushed through the woods. Hindi ko na inalintana ang sakit sa aking mga paa.

Bilis, bilis, bilis, bilis!

Why did I ever agree to do this? Hinawi ko ang mga dahon at sangang nakaharang sa dinadaanan ko at tiniis ang mga sugat na natamo sa mga tinik ng mga ito.

Alam kong pagsisisihan ko ang naging desisyon ko, pero right now, there is no time for second guessing things. I can't even stop to hesitate. Andito na ako and there's no turning back. Ni hindi ko alam kung may humahabol pa sa akin o ano.

Ang naririnig ko lang ay ang magkatugmang ritmo ng aking pagtakbo at ng tibok ng aking puso. I did not even dare look back. All I thought about was that I had to keep pushing my legs as fast as I can until I reach the clearing. Pag makarating na ako doon, all will be well again.

Or so I thought.

Nakita ko na yung clearing kung saan naghihintay yung kotse na iniwan ko doon bago ako pumasok sa makapal na kakahuyan.

I'm not stupid, hindi ako sumugod agad sa clearing papunta sa kotse ko. I would totally reaveal myself to the people chasing me pag ginawa ko yun if they were nearby, yun ay kung hindi pa nila alam kung nasaan ako ngayon.

Kinalma ko muna ang sarili ko, nagtago sa likod ng isang malaking punong-kahoy, at pinakinggang maigi ang paligid ko.

Nanatili ako doon ng ilang minuto, listening for footsteps and any other movement. Once or twice, I heard a frog croak from a distance. Aside from that and the constant chirping of the crickets, wala na akong ibang narinig.

Siguro ay naiwala ko sila dahil sa paliko-liko kong pagtakbo kanina. Huminga ako ng malalim. Okay na.

Aalis na sana ako sa pinagtataguan ko nang makita kong may isang lalaking sumisilip sa loob ng Ford Focus ko. Saktong lilingon palang siya sa direksyon ko ay nakapagtago na ulit ako ng maayos sa likod ng puno.

Mariin akong pumikit at napaupo sa ugat ng punong sinasandalan ko. Ilang tanong ang agad na pumasok sa isip ko: Sino ang lalaking iyon? Nakita niya kaya ako? Kasama ba siya ng mga humahabol sa akin? May ginawa ba siya sa kotse ko? May gas pa kaya ako?

Bumilis ang tibok ng puso ko sa kabang baka nga hindi pa rin ako makaalis dito pag makapasok na ako sa kotse dahil maaaring ubos na ang gas nito.

Huhuhu. Kailan ba matatapos ang gabing ito?

Nowhere in the near future, apparently.

Akala ko mailuluwa ko na ang bituka ko nang pagkadilat ko ay nasa harap ko na yung lalaki sa may sasakyan ko kanina.

Madilim at hindi ko makita ang mukha niya but there's something about his frame, and his stance that's awfully familiar.

Gasp.

Ito na ba talaga? Nahabol na ba ako ng mga rapist kanina? Is this the end for me?

"Please. Please, maawa po kayo sa akin," pagmamakaawa ko sa gitna ng paghikbi.

"Pakawalan niyo po ako, h-hindi ako magsusumbong sa pulis. Promise!"

Tinitigan niya lang ako ng ilang sandali bago magsalita.

"What are you doing in this place?" Lumuhod siya para maglebel ang aming mga paningin.

"More importantly..." he trailed off.

In the moonless night, I willed myself to fade away.

"Who are you?"

Everything else faded instead.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Who Are You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon