One

7 0 0
                                    


Wow ice cream, come to momeeehhh, ang sarap. Mmmm, hala! bakit may kumakatok sa loob ng kinder na chocolate. Ba't nawawala yung mga pagkain halaaa mga pagkain koooo wag niyo ko iwan.

*tok tok* "Ma'am Lina gising na po. Mala-late po kayo sa flight niyo" Sabi ni Nay Maria habang ginigising ako. Leche kaya pala may kumakatok dun sa kinder na egg, si Nay Maria pala. Haaayyy kailangan ko na mag ready.

"Opo Nay Maria, gising na po" sagot ko naman. Bumaba na naman si Nay Maria after ko gumising.

I checked my phone June 10, 4:10 A.M. Hala sheyyyttt malalate na ako sa flight ko. Alarm naman ba't hindi ka namn tumunog

After 40 mins...

"Lina, dear tapos kana ba kumain? Are your stuffs ready? Yung luggage mo nilagyan mo na ba ng padlock?" Mommy dear.

"Mum hinay-hinay lang po sa mga questions niyo. And yes, yes and yes" I replied. Pumunta na kami sa labas ng bahay kung saan nag-park at nag-hihintay si Manong Driver sa amin.

"Hi po Manong Jojo, goodmorning!" Bati ko sakanya.

"Goodmorning din ho Ma'am Lina, tara na ho at baka ma late pa kayo sa flight niyo"

Tinulungan na ako ni Mang Jojo sa mga gamit ko. Pagkatapos non ay nag drive na si Manong papunta ng Airport. Di pa naman traffic ngayon kasi maaga pa, to be exact 5AM pa. New York PUPUNTA NA AKOOOOOOOOO!!!

***

"Anak kailangan mo ba talaga pumunta dun? Dito ka nalang kay mommy huhuhu" sabi ni mommy na para bang pinipigilan ako. Haaays si mommy talaga.

"Mommy naman, para namang hindi kayo susunod saakin after 2 months. Naiiyak tuloy ako sayo eh"

Habang nagyakapan kami ni mommy at nagfe-feel sa moment eh si Kuya Alex naman ay tinatawanan pa kami, langya panira ng moment. Sinabihan pa kami na ang OA daw namin kasi after 2 months magkikita naman daw kami ulit.

"Aysusss para namang hindi mo ako mami-miss noh. Kunware pa"

"Ako? 'Ndi talaga. Ok na yon kasi wala ng Elepanteng tenga na naglalakad sa bahay for 2 months. Tsaka ayaw mo non? Kinukuha kana ng mga ka specie mo kasi uuwi na daw kayo. Akalain mo, may specie talagang ganyan na napadpad dito sa mundo ng mga tao HAHAHAHAHA kaya babush gurlalush" Sinuntok ko nalang sya kaya napa aray. Ito talagang kuya ko.

"Hoy pag ikaw natuluyan maging bakla ewan ko nalang" Sabi ko na natatawa.

"Hahahaha joke lang sis, basta mag ingat ka dun ha and call me if you have problems love you my elepante sister" pinakyuhan ko naman

"Oh kuya, si mommy ha. Alagaan mo sya. Sige na pupunta na ako sa plane baka maiwan pa ako. Bye mommy, bye kuya iloveyouuu! Bye po Manong Jojo"

"Bye po Ma'am Lina! ingat ho kayo"

***

Pumunta na ako sa plane at nagha-hanap nalang ng seat number ko.
Jackpot! nakita ko na hehehe at window side pa yesshhh. Napangiti nalang ako at umupo na dun sa nakita kong upuan.

Maya-maya ay nag sabi na yung babae sa speaker na lilipad na raw ang plane. Haaays maka tulog na nga lang. Zzzzzzz~

After 12345678910 years...

Ahhhh nagising ako dahil gutom na pala mga alaga ko sya tiyan ko. Ano ba ang mga pagkain dito sa plane? Sana may roasted chicken at spaghetti, masarap kasi yun haha.
Maya-maya may nakita akong babae na nag str-stroll ng table na may wheels.

"Uhmm excuse me, miss?" Tawag ko.

"Yes Ma'am, may kakainin ba kayo?" Tanong niya.

"Yes kakain po ako. Umm do you have roasted chicken and spaghetti?" I asked.

"Yes po Ma'am"

"Ok pa order ng chicken at spag, at isang coke. Thank you" after non umalis na si ate flight attendant. Haays sana mabait lang ang mga tao doon sa New York. Mabait kaya ang boss ko? While nagiisip ako about my work sa New York, hindi ko namalayan na nandun na pala si ate flight attendant. Binigay na nya saakin ang mga inorder ko. Ano ba tong mga iniisp ko, hays gutom lang to, makakain nga lang.

After how many hours nagising ako dahil sabi na naman ni Ate gurl sa speaker na magla-landing na daw ang plane any minute.

Lumabas na ako ng plane at pumunta na don sa kung saan ka lalabas sa airport. Nung nasa hallway na ako yung part kung saan mag hihintay yung mga tao sa mga tao na galing sa plane. Habang nagla-lakad ako may naririnig akong tao na tumatawag sa pangalan ko.

"Angelina! Angelina! Angelina Collins!" Sigaw nung tao. Saan ba yun? Hinahanap ko pa kung san nanggagaling yung boses nang may nakita akong cardboard na may naka-sulat na "Welcome back to New York, Angelina Collins!!!" Nasobraan yata sa exclamation mark si kyah hahahaha! Pinuntahan ko na yung lalaki.

"Hi Angelina, I'm Joseph. But call me Joe, I'm your fathers driver" sabi ni Joe. Mukhang nasa early 50's pa sya. Wowex dugo ilong ko Kyah, pwedi ka nman mag filipino besh eh. "Well Angelina let's go, your father is already waiting for you"

Hays ganon naman talaga si Daddy eh, hindi nya ako sinusundo dahil sobrang busy sya sa business namin pero kung si Kuya Alex kahit gaano sya ka busy susunduin talaga niya. Hindi din kami gaano ka-close ni Dad because bata pa lang ako umuwi na kami ni mommy sa Pinas, visit-visit lang kami dito sa New York kapag summer na o sa December. Kaya umuwi si Mommy sa Pilipinas kasi halos wala na syang time para sa kanya at saakin.

Lumabas na kami ni Joe at pumunta na kami sa parking lot kung saan naka park yung sasakyan. After that nag-start na syang mag drive. Ang inittt! Summer na kasi dito, woooh! Summer feels part 2 hahahaha

Unexpected FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon