ARA P.O.V
NAPAHINTO ako sa may pinto ng CR nang madinig ko ang pinag-uusapan nina Joanne at Crystal. "No! Di pwedeng bumalik ang babaeng yun! Hindi pwedeng magkabalikan sila ni Jeff!"
Nangunot ang noo ko, sino kayang babae ang sinasabi nila?
"Di naman sila nag-break di ba? Pumunta lang si Mia sa ibang bansa para magpagamot and now she's back. Jeff's girlfriend is back."
Di ko maintindihan pero parang may sumipa sa dibdib ko sa huling sinabi ni Crystal. Parang naparalyze ang buo kong katawan, pakiramdam ko sumikip yung dibdib ko.
"That bitch! Sa kanya na naman lahat ng atensiyon ni Jeff nito! Damn it! Bakit kasi di nalang siya natuluyan sa sakit niya sa puso eh!" lantarang pahayag ni Joanne. Bakit parang ang sama ng babaeng 'to? Pinaglihi ba 'to ng Mama niya sa sama ng loob?
Umalis na ako, di ko na kakayanin pa ang iba ko pang madidinig tungkol dun sa nobya ni Kuya. Hindi naman niya nabanggit 'yun sa akin. Napabuntong-hininga ako, baka tsismis lang. Parati naman kasing topic si Kuya ng mga highschool students dito sa campus.
Wala ako sa sarili nang pabalik sa classroom nang matigilan ako sa kalagitnaan ng hallway nang makita ko si Kuya sa dulo na may yakap na babae. Lalo akong nanghina, yun na nga yata ang sinasabing Mia nina Joanne. May iba ding nakatitig sa kanila, parang napakalaki talagang issue na bumalik na yung babae.
Tumulo na ang luha ko, agad akong tumalikod kasi parang pinipiga ang puso ko. All I know, wala siyang girlfriend kasi wala naman siyang kwinekwento sa akin. Di din naman ako nagtanong. Bumalik nalang ako ulit sa CR, pasalamat nalang ako nang wala na dito sila Joanne.
Napasandal ako sa pinto, bakit ba ako nasasaktan? Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, yung halos di ako makahinga sa sobrang sakit? Iyak lang ako ni iyak, I don't know what to do. Ano ba dapat ang gawin ko?
Lumapit ako sa lababo at naghilamos, nang tila huminahon na ang emosyon ko ay bumalik na ako. "Hoy, anong nangyari sayo? Bakit para kang zombie diyan?" Puna ni Dina.
Tulala lang kasi ako habang nasa upuan. Kanina pa sila nag-uusap pero di manlang ako sumasabat sa usapan. Ewan ko ba, I feel so frustrated. I feel so tired that I don't even want to open my mouth. "H-Ha? Wala. Just continue talking."
"Wierd nito. Pumunta ka lang ng CR, nawala ka na sa huwisyo." Iling ni Emy.
"Alam ko na, may nangyari no?" tanong ni Dina.
Oo, may nangyari. Nasaktan ako. Tinitigan ko lang siya.
"Walanghiya talaga yang sina Joanne eh! Saglit nga—" Sabay tayo na sana ni Dina pero agad ko siyang pinigilan.
"No. Walang ginawa sina Joanne sa akin."
"Eh sino? Anong fans club na naman ng Kuya Jeff mo ang nambully sayo?" matapang na tanong ni Dina.
Si Kuya mismo ang nanakit sa akin.
"Wala, okay? Sumama lang yung pakiramdam ko."
"Sigurado ka?" Dina asked. I just nodded.
"By the way, bumalik na daw ang girlfriend ng Kuya Jeff mo?" tanong ni Emy.
Bumigat pang lalo ang pakiramdam ko, tumango lang ako.
"Ang ganda daw eh kaso may masakit sa puso," Emy added. "Imbyerna nga sina Joanne eh kasi bumalik na daw ang tunay na nagmamay-ari kay Kuya Jeff."

BINABASA MO ANG
Forbidden Love
Roman d'amourMagpinsan silang dalawa pero lasing yata si Kupido nung mga panahong yun at napag-tripan niyang magpakawala ng pana sa kung saan lang at aksidenteng natamaan silang dalawang magpinsan. Sinubukan ni Ara na pigilan ang sariling nararamdaman sa half...