Chapter 1: ALL ABOUT ME

169 5 6
                                    

"ITIGIL ANG KASAL!!!"

Biglang may sumigaw na babae sa kalagitnaan ng wedding ceremony.

Lumapit sakin ung babae at...

*PAK*

she slapped me...

"Gumising ka nga..Mali-late na tayo sa school!!" sabi nya after nya kong sampalin.

"Ano bang sinasabi mo?? Wala akong pasok!! It's my wedding day!" sabi ko naman.

"Ahh. Ganon??" sabi nya then biglang may sumulpot na alarm clock sa kamay nya...

*POINK*

"AAAARRRRRRRAAAAAAAYYYYYYYYYY!!!!" napabangon ako sa sobrang sakit.

"Haaay. Sa wakas, gising ka na..Tumayo ka na dyan..mali-late na tayo sa school"

"Abnormal ka ba?! Bakit mo ko pinukpok ng alarm clock sa ulo??" tanong ko sa kanya.

"Para naman magkaroon ng silbi yang alarm clock mo..ang hina ng tunog!" paliwanag nya.

"Tss. Ewan ko sayo!!" sabi ko at bumaba na ko ng kama.

Teka! Bago ko makalimutan. Ako nga pala si Sherielyn Tiu, but you can call me Shell, 16 years old. Pure Filipino, pero marunong ako mag-korean at magaling ako mag-english..

Yung babae kanina?? Sya ang bestfriend ko.. Here's her profile..

NAME: Bianca Angela Cruz

N-NAME: Bianca/Bia

AGE: 17 y/o

DESCRIPTION: Filipino. Beautiful girl with long and wavy hair. Medyo malaki yung mata nya. Marunong kumanta (TAKE NOTE: MARUNONG LANG) pero MAGALING siyang sumayaw.

Bestfriend ko si Bia since highschool.

Napatingin naman ako bigla sa wall clock ko..

O_O

"WAAAAAAAHHHHHHHH!!! MALI-LATE NA KOOOO!!" sigaw ko then kinuha ko ung bathing towel ko.

"Tungeks! Hindi lang ikaw! Pati rin ako mali-late kaya bilisan mo na kumilos!!" sigaw naman ni Bianca.

Pumasok na ko sa C.R ng kwarto para maligo..

*Shower*

*Soap*

*Shower*

*Shampoo*

*Shower*

Wala na si Bianca sa kwarto ko paglabas ko ng C.R.

Bihis....Suklay..

"SHELL! HURRY!" sigaw ni Bianca mula sa baba.

Nasa second floor po kasi ung kwarto ko..

"SHEEEEEELLLLL!"

"PUNYEMAS! BABABA NA!!" sigaw ko.

Kinuha ko na yung bag ko at ni-ponytail ko yung buhok ko.

At bumaba na ko..

"Hindi ka na ba kakain Shell??" tanong ni Ate Rachel(asawa ng kuya ko)

"Hindi na po .. Mali-late na po kami ehh. Sa school na lang po ako kakain. Ba-bye po!" sabi ko at tumakbo na ko palabas kung saan nag-hihintay si Bianca at Kuya Chris sa kotse.

"Antagal mo!!" bungad ni Bianca pagpasok ko ng kotse.

"Nah~ Hindi mo ko ginising ng maaga!" -Ako.

"Tss. It's not my fault!" -Bia

"Girls?? Problem??" Tanong ni Kuya.

"Hindi po.. Alis na po tayo.." -Ako.

THE DARK GUY (EXO's FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon