"ayaw ko na... pagod na pagod na ako Chris! Lagi nalang tayong ganito. Paulit- ulit nalang! Wala na bang bago?!"
natahimik ako sa sinabi nya. Ano ba naman ang masasabi ko? Ayaw ko lang namang lumala ang problema.
"Pambihira naman chris oh! Alam mo kung ganyan lang naman buti pa mag hiwalay na tayo... di ko na kaya chris. Pagod na pagod na ako!"
Hays... yan ang girlfriend kong si Tina matagal na kaming nagsasama nyan. Halos mag dadalawang taon na nga kami. Di ko na alam kung anong nangyari sa kanya. Sa amin. Lagi nalang kaming nag-aaway, di na kami nagkakaintindihan. Yung ganon. Alam nyo di kami ganito dati.....
Ahhh muntik ko nga pa lang makalimutan ako nga pala si Chris; Chris Villafuente. Hindi ako yung lalaking gwapo, macho, makisig o yung sinasabi nilang "atheletic" pero ako naman yung tipong simple lang, yung pagminahal mo, hindi ka magsisisi. Ibibigay ko ang lahat, yung handang sumalo nang bala para sayo. Yung taong handa kang ipaglaban. Yung taong kahit wala sa tono, kakanta at kakanta parin ako para mapangiti ka lang :)
Balik na nga tayo sa kwento.. teka san na ba tayo? ahhhhhhh....... dito nga pala nagsisimula ang kwento namin... ng girlfriend ko.
"Chris! Bangon na! Tanghali na oh! Malalate kana naman ulit." sigaw ni lola.
"Opo la, bababa na po!" sigaw ko sa kanya. Tiningnan ko yung orasan, lintik ah! 6:30 pa lang naman. Pambihira naman oh, hays si lola talaga.
Pumunta ako sa baba.
"Oh la, 6:30 pa lang naman ah, ba't nyo ako ginising?" tanong ko sa kanya.
"Abir lunes ngayon apo, yung basura paki tapon mo. Kay tanda ko na, ako pa ang magtatapon nyan?"
"Nandyan naman si kuya ah. Ba't kailangan ako pa ang magtapon?" tanong ko.
"Ah yung kuya mong nandyan sa kanto, uminom na naman kagabi. Malamang lasing yun."
Papunta na sana ako sa kanto nang may nabanga akong babae.
"ay sorry ms." binigay ko sa kanya ang kamay ko para tulungan siyang makatayo. Nang bigla siyang sumigaw sa akin.
"Ano ba yan! Magdahan- dahan ka naman dyan. Kita mo namang may naglalakad ah!" nagulat ako, di sa sinigawan niya ako; kung di sa kokonti lang naman ang mga babae na pagkatapos kong tulungan sisigawan pa ako.
"Ikaw na nga tong tinutulungan ikaw pa tong may ganang sigiwan ako! Pambihira naman ms oh! Kay aga-aga at sumisigaw ka!"
"Ay pasensya na po, di ko alam na marami palang mga bulag dito! Tsssss" sigaw niya sa akin.
Nag kasigawan kami hangang ang buong kapitbahay ay nagising sa ingay namin. Di ko namalayang dumaan na pala yung garbage truck. 9 na pala.
"Ang malas mo! Nakadaan na tuloy yung truck. P*t* naman."
"Ako pa yung malas?! Late na nga ako, tapos ako pa yung sasabihin mong malas pshhh." biglang nagsilabasan yung mga kapitbahay.
"Ano ba't ang ingay-ingay niyo! Kay aga-aga ah! Para kayong mga aso't pusa." sabi nang matanda.
"Kung hindi pa kayo hihinto diyan ipapabarangay ko kayo!" sabi naman ni aling lena. May lalake na lumapit sa amin.
"Oh magkakasundo ba kayo? O ipapabarangay namin kayo? Pili lang." nagdecisyon kami na makipagbati nalang. Kinamayan ko siya at kinamayan niya din ako sabay sabing "Di pa to ang huli :) hehehe"
BINABASA MO ANG
Another Chance
RomanceBibigyan pa kaya niya ako ng isa pang pagkakataon? O tuluyan na talagang magwawakas ang aming relasyon?