Tina's Breakup

18 0 0
                                    

Kina umagahan, pagkatapos kong magbihis at kumain, agad- agad akong pumunta sa library. Bwesit late na naman ako -.- library period pa naman ngayon.... papunta na sana ako sa library nang nakita ko si Tina :) na may kasamang lalaki :( boyfriend niya siguro hays "Bitawan mo nga ako!" sigaw niya. 

"Ilang beses ko bang sasabihing wala akong ibang babae Tina! P*t*ngina naman!" sigaw nito sa kanya. 

"Anong wala! Ito nga oh. Kuhang kuha sa akto." may pinakita siyang picture sa cellphone niya.

"Di yan ako! At alam mo yan. Edited yan tingnan mo oh." pilit parin niyang kinukumbinsi si tina.

 "Wag ka nang magmaang- maangan pa. Nahuli na kita."   

"Tina, alam mo namang mahal na mahal kita. Di ko kayang gawin yan sayo... ang magmahal na ibang babae." sabi niya. 

"Kahit ano pang paliwanag ang gawin mo, wala na. IT'S OVER." tumalikod siya at dahan-dahang lumakad.

Nakita ko kung gaano siya nasaktan. Pinilit niya ang kanyang sariling wag umiyak. Nakatayo lang ako, walang magawa. Ano ba ngaba ang gagawin ko?? Gusto ko siyang lapitan. Gusto kong ipadama sa kanya na merong isang taong nagmamalasakit, nagmamahal sa kanya. Pero pano ko ngaba gagawin yun? Napakatorpe ko kasi. Hay buhayyyyyyyyyyy!......

Biglang tumunog yung cellphone ko; unknown number.

 "Hello?" tanong ko. 

"Chris nasaan ka ba?" O.O si tina pala yun.

 "Puntahan mo ako dito sa labas ng library please. Kailangan ko nang karamay ngayon :'( kailangan ko nang kausap...." sabi niya habang umiiyak sa telepono. 

"Sige sige, hintayin mo ako diyan. Saglit lang ako." bigla kong binaba yung telepono at agad tumakbo papuntang library.

Nakita ko siya naka-upo sa bench; umiiyak. 

"Tina...." sabi ko habang nakahawak ang kamay ko sa braso niya.

 "Anong nangyari?" tinanong ko siya kahit nakita ko ang nangyari. Bigla niya akong yinakap, at biglang umiyak. Ramdam ko ang sakit na nadarama niya ngayon. 

"Sorry...." nahalata niyang basa na sa luha yung t-shirt ko. Binigay ko sa kanya ang panyo ko.

 "Heto... wag ka nang umiyak kasi. Ang ganda ganda mo para iyakan siya, alam mo ba yun?" sabi ko. 

"Hehehehe. Pano mo nga ba nalaman?" tanong niya. 

"Ahhh.... ehhh...." kinamot ko yung batok ko. "Halata naman kasi.." sabi ko. 

"Ngumiti kana kasi. Wag kanang umiyak. Pumapangit ka tuloy." ngumiti siya. 

"Madami pa namang mga lalaki diyan na nagmamahal sayo, di mo lang nakikita." napatahimik siya bigla.

 "Tulad nino?" tanong niya. *Tulad ko* hehehe "Di ko alam..." gusto ko sanang sabihin kaso lang... hays..... 

Makalipas ang 3 buwan, naging close na kami. Kasama ko na siya sa mga galaw, tripping at kakulitan ^.^ hihihi. At di mawawala ang aming barkada na "The Cabs" :D Bakit "The Cabs" ang pangalan ng grupo? Simple lang mahilig kasi kaming kumain. "The Carbs" yung unang pangalan ng grupo kaso lang nagdecisyon kami na palitan ito ng "The Cabs" para kasing mga matataba yung nasa group kapag "The Carbs" hehehe korny noh? Madami na ding pinagdaanan ang grupong toh. May mga tampuhan at samaan ng loob pero hangang ngayon BUO parin kami :)

Balik na nga tayo sa kwento......

"Hello, bes."  bes na ngayon ang tawagan namin hihihi ^.^ akalain mo yun. 

"May gagawin ka ba mamaya?" tanong niya sakin.

 "Hmmm.. parang meron. Bakit?"

"Ahhhh... pwede kabang dumalaw sa bahay  mamaya?" tanong niya. 

"Mamaya? Sige titingnan ko. Busy kasi ako ngayon."  

 "Wag mong tingnan, gawin mo pleaseeeeee. Paminsan minsan lang nga ako magrequest." palambing na sabi niya. 

"Hahaha, sige na nga. Mamayang 6:00 pupunta ako diyan."   "Pangako?"  

"Pangako" binaba niya yung telepono.

"Hays, pasalamat ka mahal kita ^.^" pabulong na sabi ko. Dinalian kong tapusin yung mga request papers at mga kakailanganin ko sa Lunes. 

Makalipas ang 9 na oras natapos na din ako. Buti nalang 5:00 pa. May isang oras pa ako para bilhan si Tina ng paborito niyang pagkain. Dinuguan na may sili tas Special Puto ni Aling bebang :) 

Pagdating ko sa labas ng bahay niya, tila madilim sa loob. Naputulan kaya siya ng kuryente? Tinawagan ko siya, pero hindi siya sumagot. Nag-aalala na ako, naka-ilang missed calls na yata ako pero hindi parin siya sumasagot. Nagdecisyon na lang ako na pumasok. Binuksan ko yung pinto, *creek* grabe parang nasa horror movie ako, ang dilim dilim kaya tas gabi na >.< nang biglang may nakita akong nakaputi O.O bwesit. Nanglamig ako, biglang tumayo yung balahibo ko p*t* ano ba tong pinasok ko. Matatakutin pa naman ako >.< yumuko ako, pilit kong di pinansin yung nakaputi. Dali dali akong pumunta kung nasan yung switch. Ano ba to, ba't ang layo layo pa kasi nung switch huhuhuhuhuhuhu. Malapit na sana ako sa switch nang lumakas yung ihip nang hangin. Ahhhhhhhhhhhh sumisigaw na ako sa loob ng sarili ko. Di ko nato kaya! Ayaw ko na! Huhuhuhuhuhu. May humawak sa paa ko bigla, O.O

"Diyos ko po huhuhu tulungan mo ako." dasal ko.

Dahan dahan akong lumingon para tingnan kung sino yung humawak sa paa ko. Tas may kumanta na 

"Ang bulong ni mommy.........." sumigaw na talaga ako 

"Waaaaahhhhhh!! Tulong! Tulong! Minumulto ako huhuhuhuhuhuhu. Tulungan niyo po ako mga kapit bahay!!" sigaw ko habang tumatakbo sa loob.

Di ko namalayang may table pala sa harap kaya natumba ako at nawalan nang malay :3

..............Makalipas ang ilang minuto, nagising na ako............

Binuksan ko yung mga mata ko tas nakita ko sila. Sabay sigawng...

....."HAPPY BIRTHDAY! :D".....

Another ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon