Chris' POV

9 0 0
                                    

Hindi kami napatigil sa kakatawa.

Pinagmasdan ko si Tina. Habang nakatingin ako sa kanya, naalala ko yung mga panahon na bata pa kami. Noong highschool pa.

Yung mga oras na kumakain kami ng kwek kwek sa tabi-tabi. Pinagtri-tripan yung mga tao na dumadaan. At yung pinakapaborito ko; yung mga oras na umuulan. Doon, malaya kaming naglalaro at naliligo. Parang bumalik bata ulit. Tas pagdating sa bahay panay ang ubo't sipon. Siguro higit na 300 na sabaw na ang nahigop namin.

"Oh. Ba't ganyan ang tingin mo sakin?" tanong niya. "May dumi ba ako sa mukha?"

"Walaaa. Tina.. may itatanong ako." -Chris

"Ano?"

"May pag asa bang...." bigla akong naputol nang may pumasok.

"Tina!" Sigaw niya sa tuwa. Tilay parang ngayon lang nagkita.

"Jake! Omygosh! Ba't di ka nagsabi na darating ka pala." Yinakap niya ito ng mahigpit.

"*Cough* *Cough*" -Chris

"Ahh.. muntik ko nang makalimutan. Jake, ito pala si Chris. Chris, si Jake."

"Nice to meet you bro." -Jake

"Nice to meet you din pre." Sabi ko.

"Chris, siya si Jake. Yung crush ko noon. Yung palagi kong sinasabi sayo. Boyfriend ko na siya." -Tina

"Ahhhh... sandali. Ano?!?!" Nagulat ako sa sinabi niya. Boyfriend? Kailan ba siya nagkaroon ng boyfriend.

"Uhhmmm... hehehehe." -Tina

"You haven't told him yet?!" -Jake

"No.. i haven't." bulong ni Tina sa kanya.

"Well you should tell him." Patuloy parin silang nagbubulong- bulungan.

"Hindi na! Di nyo na kailangan sabihin sakin hehe. Alam ko na. Kasasabi niyo lang kanina diba? Congrats nga pala bro. Alagaan mo nang mabuti si Tina ha. Mahal na mahal ko yan." Sinabi ko habang kinamayan ito.

"Jake!" Sigaw ni Christy sa kanya.

"Tina.. pwede bang mahiram muna ng saglit si Jake?" Tanong niya.

"Ahh oo. As long as walang masama kayong gagawin ha. Akin yan Christy. Tandaan mo AKIN YAN."

"Hahahaha! Ano ka ba et! Di noh! Ang malisyosa naman ng utak mo. At tsaka oo alam ko. Sayo lang to. Gusto mo bang lagyan ko pa siya ng signature mo sa pwet para malaman lang na sayo siya! Che!" Pumasok sila sa loob.

"Ano nga yung sasabihin mo?" tanong ni Tina.

"Huh?"

"May sasabihin ka sana sakin eh. Kaso lang dumating si Jake."

"Ahhh yun ba? Kalimutan mo nalang yun."

"Ano ngaaaa.."

"Wala ngaaaa."

"K!"

"Tina... ba't di mo sinabi sakin my boyfriend kana pala. Akala ko ba walang lihiman." Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Kung alam mo lang talaga ilang beses kong nais sabihin sayo." -Tina

"Ba't di mo sinabi? May pagkakataon ka na nga pero di mo parin sinabi." -Chris

"Bakit kung sinabi ko ba anong gagawin mo?" Tanong niya.

"Ofcourse i ccongratulate kita! Malamang! Haha. Di ko tuloy nasabi sa boyfriend mo ang death threat ko sa kanya sakaling tangkaan na saktan ka niya. Di ko hahayaang maulit na naman yung nangyari sa ex mo!"

"Hahahaha awwee talaga?"

"Oo naman! Ganyan kita ka mahal... bilang kaibigan hehe."

"Tina! Pasok ka muna. May nangyari na namang kaguluhan dito oh! Hahahaha!" sabi ni Eric habang pinagtuturo sila Jake at Christy.

"Hay nako si Christy talaga... sige bes labyu. Ingat ka dyan ba ka mahulog ka hahaha." Dali-dali siyang tumakbo sa loob.

Tiningnan ko si Tina habang papasok sa loob.

May pagasa bang maging tayo?

Yan sana sasabihin ko sa kanya. Matagal ko na siyang mahal.

Yan ang hirap sakin, kung sinabi ko pa noon, de sana naging kami pa! Napakatorpe ko. Siguro tama nga sabi nila,

HEARTS ARE OFTEN BROKEN BY WORDS LEFT UNSPOKEN.

Dahil biak na biak na yung puso ko. Yung tipong gusto mo nang magmukmok sa sulok at umiyak. Yung tipong parang nawasak na yung mundo mo.

Parang nahulog sa isang 100 feet tall na building yung puso mo dahil sa biak na biak na ito.

Ang sakit pala noh, makitang masaya yung taong mahal mo... sa piling ng iba. Pero ano ba ngaba gagawin ko? Kaibigan lang naman ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Another ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon