Part 2

19 0 0
                                    

Makalipas ang 4 na buwan di ko na siya nakita o nakitang dumaan sa kanto. Ano kaya ang nangyari don? Hmmmmm.

*pumunta ako sa paaralan*

Patungo na sana ako sa classroom nang may nabanga na naman ako.

"Hala! Sorry miss di kita nakita :3" sabi ko sa kanya.

"Ok lang, next time mag-ingat ka sa daraanan mo." tumingin siya sakin at tumingin din ako sa kanya sabay sabing "IKAW NA NAMAN!"

"Anong ginagawa mo dito!?!?!" tanong niya sakin.

"Anong ako?!? Ikaw kaya ang dapat kong tanungin. Ba't nandito ka? Ha? Sinusundan mo ba ako? Di mo sinabi STALKER ka pala hmmmm"  

"Ang kapal mo! Pwe! Di ka naman gwapo para sundan ah. At tsaka FYI di ako stalker dito kaya ako nag-aaral :3" biglang lumakas ang ihip nang hangin at napadpad yung mga exam papers nya.

"Hala! Nako! Importante pa naman toh!" agad agad siyang tumakbo para habulin yung mga papel. Hinabol ko rin yung mga iba. Hangang sa nakuha ko na yung lahat, maliban sa isa... linipad ito nang hangin. Hinabol ko ito hangang sa makuha ko; nang may kumuha din sa papel....... dahan dahan kong tinignan yung kumuha nito.

Nagkatinginan kami, siya pala yun. Di yung ordenaryong tingin lang. Yung tipong parang unting-unti nahuhulog yung loob ko sa kanya. Yung imbis kumukulo yung dugo ko sakanya lumalambot na tuloy. Agad kong binitawan yung papel. At umiwas ng tingin habang kinakamot yung batok ko.

"Heto nga pala yung iba mong test papers, buti di nawala." sinabi ko sakanya.

"Salamat......" sabi niya sakin. Nagulat ako, di ko kasing inaasahang magpapasalamat siya.

"O.O marunong ka palang mag thank you ^.^" pabirong sabi ko sa kanya.

Bigla siyang ngumiti. Ang ganda niya pala kapag nakangiti.

"Ako nga pala si Chris, Chris Villafuente." binigay ko sa kanya ang kamay ko.

"Tina... Tina Madrigal nga pala." 

Simula n'on, unting-unti nang nahuhulog ang loob ko sa kanya........

Nang nakarating na ako sa bahay, umupo ako sa sofa. Di parin siya maalis sa isip ko. Damn.. napakaganda niya. Lalo na kapag ngumingiti siya <3 hays. Di ko na namalayang nakangiti na pala ako; nang biglang sumulpot si lola...

"Huy! Ba't ka nakangiti dyan. Baka may pinapantasya kana namang babae ha. Mag-aral ka muna! Gagong batang to oh."    

"Si lola naman oh, may pinapantasya agad? Di ba pwedeng masaya lang ako ngayong araw? :3" hays panira talaga si lola -.- kahit kailan.....

Hangang sa pagtulog, naaalala ko parin siya >.< ano nga ba ang ibig sabihin nito? Damn......

Another ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon