Yung Feeling Na Chapter 11 na! :))

18 0 0
                                    

Scoop 11-- Crossed fingers

nandtio kami ngayon sa hospital, inatake kasi ng sakit sa puso si tita.

mommy ni besexy.

hindi pa din ako nakakapag-bihis ahaha 

okey lang, ang ganda ko kasi eh ahaha

echoss lang lols

nakaupo ako dito sa may couch 

buti na lang nai-lock ko na kanina yung bahay

wala si besexy, kinakausap ng doctor tungkol sa kundisyon ni tita

naaawa ako sa kanya, :(

tumingin ulit ako sa wallet ko

"hay, ma..nandito ako sa hospital. ngayon lang ulit ako nakapunta dito mula nung--" biglang pumasok si besexy

"oh ano? musta daw sabi ng doctor?" tanong ko sa kanya. mukang malungkot siya

"baka daw abutin ng 2 weeks dito si mama, o-obserbahan pa daw siya ng doctor" awww. dito na din muna siguro siya. siya lang kasi ang naiwan ditong anak eh. ang pagkakaalam ko kasi, yung ate at kuya niya ay sa Europe nakatira kasama ng papa niya. France? hindi ko alam. tsk, naaawa din ako kay besexy

"bibisitahin ko na lang si tita araw araw, uuwi muna ako. alam mo naman, walang tao sa bahay" ngumiti lang siya sa akin ng matamlay

"sige, mag-ingat ka ha? hindi ko kasi maiiwan si mama kaya di na kita maihahatid" sabi niya sa akin

"sus, ayos lang! naiintindihan ko pati madami ka ng nagawa sa akin ngayon!" nilapitan ko si tita at hinawakan ang kanyang kamay

"tita, palakas po kayo ha? sige kayo, kawawa si Randen. bukas po babalik ako, pero hindi ko lang po alam kung anong oras. pahinga lang po kayo ha?" tapos niyapos ko na si besexy at umalis na.

pagdating ko sa bahay, nagbihis na ako tapos kumain nung mga tirang pagkain. well, hindi naman as in yung tira na parang pakain na sa aso ok? yung mga sobra. gaya ng pizza, cupcakes, kaldereta.. hmm i love that food! may pang ulam na ako bukas ^___^

nakita ko yung mga regalo sa salas, ang dami. natutuwa ako kasi kahit wala akong pamilya at mahirap lang, mahal nila ako at ganun din naman ako sa kanila.

ang gaganda ng bigay nila sa akin. mga shirts! saktong sakto sakin! tapos may kasamang shorts

-___- bakit ko nga ba ayaw sa shorts? maganda naman binti ko? wala lang. kasi maganda ako ngayon. bwahaha anong konek? try niyo na lang. basta maganda ako ngayon. >:D

sinukat ko.. wow! puro kasya sa akin! parang alam na alam ang sukat ko eh! 

*toot toot*

hmm? may nagtext sa akin? binasa ko 

from: besexy

hoy ganda. namamayat ka na. kumain ka ha? sabihin mo bukas kung bakit ka biglang naglabada. nalimutan ko itanung sayo eh. alam mo naman, nadala ako sa birthday party ko. nyahaha happy birthday ulit. i know hindi ka naglo-load, kaya goodnight love you

ajujujujuju ano naman sabi non? haha may love you pang nalalaman e may GF na. hahaha pagkatapos ayusin ng mga regalo ko, humiga na ako at nagpasalamat sa natanggap ko ngayon nang biglang may tumawag sa akin. si bakla. yung sa salon, pinaaalala yung audition sa beauty pageant bukas. muntikan ko na nga makalimutan. 

----

maaga akong nagising para magsimba, diretso na din ako sa audition. suot ko na yung binili namin sa Forever 21. kung maka-KAME naman ako. eh si Danica naman. ahahaha yung skirt ang suot ko ngayon. di naman masagwa kasi decent naman yung dating ng damit :>

Bodyguard ng puso ko :"'>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon