CHAPTER 4

29.4K 852 9
                                    

MEDYO kabado si Enaid habang nasa Davidson Pharmaceutical. Kakatapos lang kasi nang interview niya at napapaisip ito kung nakapasa ba siya o hindi dahil kailangang kailangan na niya nang trabaho.

Hindi parin ito makapaniwala na tinext siya nang kumpanya dahil kung iisipin niyang mabuti hindi siya qualified! Biglang napatirik ang mata nito sa kanyang naisip.

Mantakin mong hindi siya qualified dahil sa age niya? Eh kung ibabase sa kanyang profession graduate siya UP Diliman sa kursong Business Administration Major in Accounting. At siya pa ang Magna Cumlaude. Kung tutuusin malaking factor iyon upang makuha siya sa isang trabaho gaya nang isang malalaking kompanya.

Sa hirap nang buhay nila nilaan niya ang lahat nang oras nito sa pagaaral kaya naman nabigyan ito nang scholarship sa naturang paaralan at pinanatili nitong mataas ang mga grades niya para mamaintain nito ang scholarship niya hanggang sa grumaduate siya.

Nakakapagtaka lang kung bakit bigla bigla eh gusto nila siyang mainterview samantalang hindi pumasa ang age nito. Napangiwi siya at medyo nangiti masyado bang matanda ang magiging amo niya at ang gusto nitong sekretarya eh yung uugod ugod na din?
40 years old and above??!

"Miss Galvan?"

Napatingin siya sa babaeng tumawag sakanya. Ito yung nag-aacomodate sakanya kanina. Tumayo ito sa kanyang kinauupuan at pumasok sa loob ng office. Naupo agad ito sa harapan nang table ng HR Manager.

"Miss Galvan"

Ngumiti siya sa dito. "Yes Ma'am?"

"Your Credentials are okay pati rin ang interview mo. So, hindi ko na patatagalin pa. You're hired. After one week pwede ka nang mag-umpisa magtrabaho as Secretary of Mr. Davidson our CEO"

"CEO?"

"Yes. Tawagan ka nalang namin Miss Galvan for the updates. Congratulations"

Tumayo ito at nakipagkamay sa HR Manager.

"Thank You Ma'am"

Yumuko siya pagkatapos ay lumabas nang opisina. Hindi niya maiwasang ngumiti dahil sa pagkakahired niya. Sa wakas may trabaho na ako!

Kinapa nito ang cellphone na kanina pa nagba vibrate. Sinilent kasi niya ito kanina para hindi mag-ingay habanf nasa interview. Rumihistro sakanya ang numero nang kaibigan.

"Hello"

"Besi..a-asan ka ngayon?"

Napakunot noo siya nang marinig itong sumisinghot singhot. Mukhang alam na naman niya ang nangyayari dito.

"May problema kaba?" Tanong niya sz kausap.

"Wa--wala na--"

"Dont me Erica! Alam na alam ko kung ginagawa mo. Umiiyak kana naman ba?"

Suminghot ulit ang kausap nito sabay hikbi.

"Okay lang ako besi.. im fine"

"No Erica youre not fine! Asan ka? Puntahan kita"

"Nasa bahay ako pero magkita nalang tayo sa Cafe sa dati"

Pagkatapos nang tawag agad niyang tinext ang isa nilang kaibigan na si Rose bago binalik sa kanyang bag ang cellphone at nagmadaling pumara nang taxi para pumunta sa Cafe kung saan sila magkikita ni Erica.

After 15 minutes nakarating din siya sa Cafe kakapasok palang nito sa entrance nang Cafe kumaway na sakanya ang kaibigan niyang si Rose. Mauuna at mauuna talaga ito doon dahil isang dipa lang ang kinaroroonan nag bording house niya mula sa Cafe.

"Issue"

Kakaupo palang niya pero may tanong na agad ang kaibigan niya.

"As usual" sagot niya rito. At ganuon nalang nagdilim ang mukha nang kanyang kaibigan.

LEGENDARY BOYS #1: Rhys Adam Davidson (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon